Joshua
i'm Joshua Lanuncia at tama kayo ako yung dati niyang boyfriend pero para sakin hanggang ngayon pa rin
Wala naman kaming formal break up eh kaya para sakin hindi kami naghiwalay at hindi rin siya nakipagbreak sakin, sadyang napalayo lang kami sa isa't isa
Nung nandun ako sa America siya lang naman ang naiisip ko eh. Siya lang at wala nang iba.
Iniwan ko siya tama kayo pero hindi ko ginusto. Ayokong iwan siya pero nagawa ko pa rin dahil sa tatay ko.
Ipapakasal niya ko sa iba, and worst sa taong hindi ko naman mahal na bestfriend pa niya dahil isa lang namin ang mahal ko pero nasaktan ko na siya
Sa mga panahong umalis ako lagi ko siyang pinapatingnan sa mga kaibigan ko sabi nila nagbago na siya hindi na siya ang Kyla na nakilala nila. Naging cold daw ito sa lahat dahil sa pag-iwan din sa kanya ng bestfriend niya na ipapakasal sakin
Oo alam ko na yun matagal na pero bago ko pa man malaman ang lahat nang iyon girlfriend ko na si Kyla at mahal ko na siya nun
Gusto kong patunayan sa kanya na hindi ako nanloloko sa kanya. Na totoo lahat nang iyon
Gusto kong ipaglaban kung ano mang meron saming dalawa
At oo inaamin ko naman na sa dare lang yun nagsimula pero swear minahal ko talaga siya, week palang sumuko na ko at sinabi ko na sa mga kaibigan ko
Maging sila nagsisi naman sa ginawa nila
Napamahal na rin sa kanila si Kyla
Kaya nga gusto nilang magsorry pero ayun bigla ngang nagbago si Kyla
Yung bestfriend niya?? Nandun sa States kasama ng mga magulang niya pati magulang ko
Natakot lang naman akong hindi makita si mama kapag hindi ko siya pinakawalan.
Minsan nang inilayo sakin ni papa si mama at ayoko nang maulit pa yunPero eto kami ngayon magkasama ng nanay ko sa bahay pa ni Kyla
Walang alam dito si papa.
Ang totoo niyan sasaglit lang kami dito, ang gusto ko lang naman gawin ay linawin ang lahat sa kanya peto nung nakita ko siya oarang bumalik lahat gusto ko siyang bumalik sakin
At alam kong may pag-asa pa alam ko ring mahal niya pa ako ramdam ko yun
Kailangan lang naming gawin ay lumaban ng magkasama
Sana lang lumaban pa siya
Mahal na mahal ko siya
****************************************************************************
Alex
Inaantok talaga ako ngayon shete naman!!!
Wala kasi akong tulog kagabi pa
Iniisip ko kasi yung mga nangyare at yung mga nangYayare sakin
hindi rin mawala sa isip ko yung mukha niya
Ugh! Nababaliw na ata ako
Ngayon ko lang to naramdaman sa tanang buhay ko eh!
I hate this feeling!
"Kanina ka pa parang gago diyan na pagulong gulong sa kama. Ano bang problem mo?"
Napatingin naman ako sa pintuan.
Nakauniform na ang gago samantalang ako nakahilata parin sa kama ko ni hindi pa naliligo ni toothbrush nga wala pa eh.
"Angelo?"