Chapter 17: Christmas Ball

1 0 0
                                    

Andrew

"Jake? I'm glad you're still alive" natatawa kong sabi

Nagulat kasi ako nung pumasok si Leanne sa kwarto ni Jake kasi kung tutusuin pwede naman siya sa ibang room dahil wala namang naka assign kung sinong roommates namin pero mas pinili pa rin niyang makasama si Jake sa iisang kwarto and take note that will last for three days.

Hinampas naman ako ni Jake sa braso pero mahina lang

"What happened?? Nagtalo ba kayo kagabe?? Nakatulog ka ba??"

"Yeah, wala naman kaming pakialam sa isa't isa eh. We were doing our  own businesses. I'm not going to talk to that girl ever With her oh so bad attitude. Hindi ko naman aagawin si Alex sa kanya"

Bulong lang yung huli niyang sinabi pero tama lang para marinig ko pero mas pinili ko nalang na hindi mag-react.

Tanging ngiti lang ang naisagot ko

Nandito na kami sa ground floor ng hotel at kumakain.

Umupo na kami ni Jake at hanggang ngayon hindi ko pa nakikita sila Alex

"Bakit ka nakangiti? Nababaliw ka na ba??"

"natutuwa lang ako sayo. Haha. Ang dami dami mo talagang kumain pero hindi ka naman tumataba"

"Tss. Anong magagawa ko?? Ganito na talaga ako"

"Yeah. But it's cute" napatitig naman siya sabay iwas ng mata

Kung di ko lang alam kung sinong gusto nito iispin ko na nagkakagusto na to sakin eh. Sa pagkakaalam ko kasi hindi yan nahihiya kahit kanino.

Nahinto kami sa tawanan at pag-uusap nung biglang may nagsalita

"Can we take a seat here?"

♥♥♥

Jake

Napatingin ako sa likod ko kung saan galing yung nagsalita. It's her

Seems like she's trying to stick to me.

"It's ok guys if you're not going to allow us to sit here and besides there's a lot of chairs here. Leanne, let's--"

"Please guys. Ok, isipin niyo nalang na bonding natin to"

Nabulunan naman ako sinabi niya.

Bonding? Kailan pa nauso samin yun?? Eh hindi nga kami close lahat.

Mga galawan talaga ng babaeng to. Halatang halata.

Binigyan naman ako kaagad ni Andrew ng tubig

"Well,, if you like to sit here, it's ok"

Napatingin naman ako kay Andrew. Alam kong nagulat din siya sa sinabi ko. Eh bakit ba? Pagbigyan na natin siya. Bonding daw diba? Bonding in a plastic way

"So how are you two?? Are you dating??" Tanong ni bitch

Sabay sabay naman kaming nabulunang tatlo

Anong dating?? Pinagsasabi nitong babaeng to?

"Why?? Bakit sabay sabay kayong nabulunan?? May mali ba sa sinabi ko??"

"Oo lahat mali" bulong ko

"What? aRe you saying something??"

"for your information we're no-" hindi ko pa tapos yung sasabihin ko nang biglang umepal si Andrew

"Yes. We're dating. Kaya hindi mo na kailangan pang gumawa ng paraan para sundan at hindi palapitin si Jake kay Alex dahil wala siyang balak agawin yang 'boyfriend' mo dahil soon i will be her boyfriend. Let's go Jake"

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon