chapter3: the Queen Ariadne

16 2 2
                                    

In order to end the chaos a dimensioner will be summoned by the Pilar of Safier

Zafira's POV

ng imulat ko ang mga  Mata ko natagpuan KO nalamang ang aking sarili na  nakahiga sa isang malambot na kama na gawa sa bulaklak.may isang babae akong nakita sa may di kalayuan pinuntahan ko ito at nakitang umiiyak... Nakakaawa ang kanyang lagay para bang matagal na syang nagdurusa di ko alam kung ano ang nangyayari  sa kanya pero isa lang ang sigurado ako at yun ay nanghihina na sya..

" masaya akong natagpuan mo na ang lagusan patungo sa mundo natin.." Wika nya habang umiiyak magkahawak ang dalawa nyang kamay na para bang nagsusumamo ang luha nya ay parang crystal na kumikinang
Sa kadiliman.

" hindi ko po kayo maintidahan.. At asan po ang kaibigan ko Alam kung kasama ko sya sa pagpunta rito"

hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nya..

"I am Ariadne the queen of safier the land of will and promises"
Reyna sya pero bat sya andito..pinagmasdan ko sya ng maigi at masasabi ko ngang mayroon syang mataas na katungkulan.. Mahabang kulay gintong buhok na maalon- alon at napakagandang puting gown..

" at ano po ang maitutulong ko sa inyo." Nakakapagtaka isa syang reyna at kailangan nya ng tulong ng isang mortal na kagaya ko..

" nalalapit na ang digmaan razelya ikaw na lamang ang may kakayahang mag bukas ng bawat dimension. Kailangan mong maisama ang pitong prinsipe at prinsesa ng bawat kaharian pabalik rito upang tayo ay matulungan sa nalalapit na digmaan.. At tungkol naman sa iyong kaibigan wag kang magalala nasa pangangalaga ko sya mahihimlay sya ng mahabang panahon pagkat hindi nya kakayanin ang enerhiya ng mundong ito..

" at ano po ang kailangan kung gawin para matulungan kayo.. handa po akong gawin ang lahat para sainyo mahal na reyna kahit kapalit pa nito ang buhay ko.. "
Ano pa naman ba ang saysay ng buhay ko wala na akong mga magulang at nagiisa nalamang ako kaya mas mabuti pang may magawa akong maganda bago ako maglaho.

" isang mabuting kalooban ang tinataglay mo razelya sana ngay magtagumpay ka sa iyong misyon.. Pagkat ang mga royal bloods nalamang ang ating natitirang  pagasa. Kunin mo ito" may inabot sya sa aking bolang crystal na kulay asul..
Pinagmasdan ko ito ng maigi pero wala namang kakaiba.

" ang bolang crystal na iyan ay ang pingsama sama kung natitirang kapangyarihan lahat ng hihingin mo sa iyong paglalakbay ay ibibigay nito. At isa pa isama mo si Mormon sya ang gagabay sayo.." Bigla nalamang may lumabas na rabbit sa harapan ko pero hindi sya totally rabbit yung katawan nya is parang bola tapos mayroon syang tenga ng rabbit.. Mayroon rin syang gem sa noo. Tapos lumulutang lang sya sa ere.. Ang cute ni Mormon huhuhu..

"Razelya sa paglabas mo sa lugar na ito lalabas ang iyong kapangyarihan.. Umaasa ako sa iyo..Mormon pangalagaan mo si razelya sa kanyang paglalakbay.." At sa huling salita na binanggit ng reyna Ay kinain na kami ni Mormon ng nakakasilaw na liwanag.. Ipinikit ko nalamang ang aking mata upang damhin ang init na bumabalot sa aking katawan pagkat alam kung sa pagmulat ng mga mata ko magbabago na ang takbo ng buhay ko.. Hindi na ako ngayon si zafira kundi ako na si razelya ang babaeng tinatawag nilang dimensioner

(Hetterion) Tale of the royal bloods..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon