" wow as in wow. ang Ganda dito" di ko talaga mapigilang mamangha ang daming mga shop at stalls ang madadaanan mo
"Saan mo una gustong pumunta Razelya" turan ng prinsesa habang nakayuko at tinatakpan ang mukha ng isang tela
"Ahmm. Kahit saan prinsesa ikaw ang bahala" turan ko rito habang pinagmamasdan ang mga nagtitinda ng mga fruits and other magical stuffs. Ang cool may mga wand, bracelet, and magical food pa.
" Halika, punta tayo sa arena balita ko may mga bagong mandirigma na maglalaban ngayon" parang ang astig dun, gusto ko kasi makakita ng real life combat..
"Talaga, dali bilisan natin para
Makakuha tayo ng magandang spot" wika ko tapos tumakbo na kami papuntang arena. Takbo lang kami ng takbo.. Ang layo pala nagsisisi tuloy akong pumunta ron.
Pagkaraan ng ilang minutong pagtakbo narating narin namin ito."Ang laki naman ng arena" naibulalas ko. Pinagtinginan tuloy ako ng mga tao.. Owss. Nakakahiya ano ba naman ang ignorante mo Razelya parang Hindi ka pa nakakakita nyan sa mortal world.panenermon ko sa sarili ko.
"Halika dun tayo sa may panggitna. Maganda ang spot dyan" wika ng prinsesa habang itinuturo ang isang hilera ng bakanteng upuan.
"Sige puntahan na natin baka maunahan pa tayo." Turan ko at tinungo na nga namin ang mga upuan. Pagkaraan nga lang ay nakaupo na kami.
"Sadyang napakaganda ng ating napiling puwesto prinsesa tanaw na tanaw ko rito ang mga manlalaro." Masaya kung turan habang pinagmamasdan ang mga manlalaro sa ibaba ng arena ang iba ay winawasiwasiwas ang kanilang mga sandata samantalang ang iba ay pinupunasan ang mga armas nila at sinusuri kung tama na ang talim nito. Sa aking pagmamasid nahagip ng mga mata ko ang isang ginoo na tahimik lamang na nakasandal sa pader ng arena kakaiba rin ang kasuotan nito pagkat nababalutan ng isang manipis na tela ang ibabang parte ng mukha niya. tanging mga mata lamang nito ang iyong makikita mga matang nakakaakit, nakakahipnotismo at nakakamangha. Nakakainis Hindi ko mapigilang tingnan ang mga ito.
mga mata niyang kasing asul ng dagat na sa tuwing tititig ka rito ay parang nilulunod ka nito sa kailaliman ng karagatan..Aissh. Razelya mag-isip ka. Itaboy mo nga yang mga pinagiisip mo tungkol sa lalaking iyan. Hindi mo nga sya kilala at isa pa nasa isang misyon ka huwag ka ngang lumandi.
Nagmumukha na tuloy siguro akong baliw habang kinakausapo ang sarili ko.
Duh. Sino bang hindi pagbibintangang baliw kung kinakausap mo ang sarili mong utak at nakikipagtalo ka rito napakagaga mo talaga Razelya"Hey, Razelya OK kalang kanina pa kita kinakausap pero mukhang lutang yata yang isip mo" para bang binuhusan ako ng malamig na tubig ng maalala kung kasama ko pala ang prinsesa pero yung isip ko lutang sa pagiisip sa lalaking iyon.
Hinarap ko muna ang prinsesa at tiningnan ito.
"Ano nga ba ulit yung sinasabi mo" tanong ko rito napansin kung tumaas ang kilay nito sandali tapos nawala rin siguro kinalma nya muna yung sarili nya. Sino ba ang hindi maiinis kung kanina kapa salita ng salita tapos yung taong kausap mo eh, hindi pala nakikinig sayo
"Tsk. Ang sabi ko bili muna tayo ng makakain mukhang walang matinong laban ngayon. Nakakainis kakasalang pa nga lang nung bago mga ilang Segundo lang knockout na agad yung kalaban wala manlang thrill. Gusto ko yung bloody combat pero siguro sobrang lakas nung baguhan para maknockout agad yung kalaban." Huh, anoraw tengene mo Razelya dahil dyan sa kakaspaceout mo hindi mo manlang nakita makipaglaban yung lalaking laman ng isip mo kanina..
"Oh, sige." Walang gana kung turan rito. Kelan ko nanaman kaya sya makikita.. Ano ba naman toh, mukhang crush ko pa yung gagong yun.. Oy, wag kayo crush lang Hindi love or like wag nga kayo dyan kinikilig si ako.. Ay ang landi ko na ipatapon nyo na nga ako sa bermuda triangle, aww. Joke hahaha. Gaga ka talaga Razelya bakit parang ang dami mong landi hormones ngayon.
"Halika, dun tayo sa may nagtitinda ng mga prutas tikman mo yung garso sobrang sarap non paborito ko nga" wika ng prinsesa at hinila na naman ako kung saan. Pansin ko lang bat ang hilig manghila ng prinsesa ngayon.
"Andito na tayo raz"
Nagulat ako ng bigla syang sumulpot sa harapan ko tapos ibinibida pa sa mukha ko yung prutas na parang manggo pero kulay rainbow sya tapos parang lumiliwanag ito na siguro yung tinatawag nya kanina na garso. Wow parang ang sarap. Bigla tuloy ako nakaramdam ng gutom."Ito oh, tikman mo I assure you masarap yan. " sabi nya tapos binigay sa akin ang prutas. Kakagat na sana ako ng biglang may bumungga sa akin na dahilan para mahulog yung prutas .. Oh my precious garso hindi manlang kita natikman. Huhuhu.
" paumanhin binibini hindi ko sinasadya. patawad kailangan ko ng umalis" sabi nung ginoo at dagli dagling umalis, problema nun pinagpag ko nalang yung damit ko pero nahagip ng mga mata ko ang isang balabal sa may di kalayuan pinuntahan ko ito at pinulot may kasama itong kwintas na may pendant na bilog na gem gaya nung saakin na bigay ng reyna sa aking paglalakbay.. Hindi kaya may mga alam sya.
" prinsesa, dyan ka muna..mabilis lang toh pangako" wika ko at agad tumakbo, sinundan ko yung daan na nakita kung tinahak ng lalaki alam kung andito lang yun hindi pa sya nakakalayo.
Sa may di kalayuan may naririnig akong naguusap kaya sinundan ko nalamang ito. papasok ang tinig sa isang makipot na lansangan.
BINABASA MO ANG
(Hetterion) Tale of the royal bloods..
FantasiA long time ago an oracle declared a prophecy on which one of the seven powerful royal bloods of the eldest gods shall be reach sixteen against all odds and see the world in endless sleep a hero's soul cursed blade shall reap a single choice shall...