chapter 5: The ogre and the witch

6 2 1
                                    

Aiish.. Mormona naman kase eh..kanina ko pa sinisisi si mormona sa mga kamalasan ko.. Eh kase naman alam naman nyang Gabi na eh kung saan saan pa pumupunta sya pa nga ang nagsabi saakin na delikado ang night wood forest pag gabi tapos sya ayun nagawa pa sigurong mamasyal..

Napasabunot nalang ako sa sarili ko dahil sa sobrang stress.. Huhuhu lagot ka talagang tabitha ka sa akin...

Grr..sinipa ko yung bato na nasa may paanan ko lang ng sobrang lakas sa sobrang inis...

"Grooaarr." Napatalon naman ako sa sobrang gulat ng marinig ko ang malakas na alulong ng isang uri ng hayop.. Siguro??

Napatago naman ako sa  mayayabong na halamanan sa tabi ko at sinilip ang nilalang na may likha ng malakas sa alulong na narinig ko kanina. Napatakip na lamang ako sa aking bibig ng mapagtanto ko kung ano ang nilalang na iyon.. Isa iyong ogre... Ang mga ogre ay tapat na naglilingkod sa mga witches at hindi  maipagkakaila na Maaasahan ito sa maraming bagay

Nagulat na lamang ako ng bigla nalamang akong lumutang sa ere.. At napansing sakal sakal ako ng ogre na nakita ko.. Ganun ba ako ka space out para hindi mapansin ang paglapit nito.. Pilit kung inaalis ang mahigpit na pagkakahawak nito sa akin. Napansin ko naman sa may Hindi kalayuan ang isang mangkukulam na matamang nakatingin sa akin na parang uhaw na uhaw sa laman.. Nakakatakot ang mapupulang mata nito na parang nanlilisik. Kapag hindi pa ako makaalis rito eh.. Baka ako ang kainin nito..

KAhit nahihirapang huminga ay pinilit ko parin kunin ang espada na nakasukbit sa bewang ko.. Hindi naman ako nagkamali at nakakuha ng tyempo para saksakin sa ulo ang ogre.. Nakita ko pa nga ang Masaganang pag agos ng berdeng likido sa kanyang ulo papunta sa lupa lahat ng madaanang pananim ng  dugo nito ay namamatay..

Binaling ko ang aking paningin sa mangkukulam... At nakita itong wala na sa kanyang kinatatayuan kanina . pinakiramdaman ko ang paligid pagkat alam kung Hindi iyon basta basta aalis nalamang. Nakaramdam ako ng malakas na pwersa sa gawing kanan ko pero bago ko pa man maiwasiwas ang aking espada ay tumilapon na ako sa isang puno.. Ramdam na ramdam ko ang Pananakit ng katawan ko pero hindi ko iyon ininda at pinakiramdaman muli ang paligid ngunit mas matalas na ngayon hinigpitan ko ang pagkakahawak sa aking espada ng makita ang mangkukulam na dinidilaan ang kanyang mga kuko na may bahid ng dugo tiningnan ko sya ngunit wala akong makitang sugat nya..at  Tiningnan ko ang balikat ko ng bigla nalamang itong kumirot.. Masaganang dumadaloy sa aking balikat ang aking dugo..mas lalong umalab ang galit na nararamdaman ko kaya
Binigyan ko sya ng mga matatalim na tingin.. Mabilis ko syang sinugod ngunit agad naman syang nakaiwas. Puro sugod ang ginawa ko samantalang todo iwas naman sya mas lalo ko namang binilisan ang pagatake sa kanya ng sa wakas ay nahagip ng espada ko ang kanyang braso.. Masaganang dumaloy ang nakakasulasok nitong dugo.. Ng tingnan nya ang kanyang sugat ay ginamit ko ang pagkakataong iyon para putulin ang kanyang ulo. Hindi pa ako nakuntento at sinaksak ko ang kanyang puso.. Ng tingnan ko ang damit ko napakaraming dugo ang nagtalsikan dito.. Iniwan ko ang kanilang mga bangkay dun. At tinahak ang daang kasalungat ng dinaanan ng mangkukulam..hay...nakakapagod naman itanarak ko muna ang aking espada sa lupa at tiningnan ang pagsikat ng araw...
Kailangan ko na talagang makaalis sa lugar na ito dahil alam kung marami pa akong mga makakalabang mga nakakatakot na nilalang. mangkukulam palang nga eh nahirapan na ako pano pa kaya ang mga mas mababangis na mga halimaw...

(A/n... Nakapagupdate Rin.. Sorry kung short update..)

(Hetterion) Tale of the royal bloods..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon