chapter 6

3 2 1
                                    

Kanina pa ako takbo ng takbo pagkat hinahabol ako ng napakaraming mga lobo (wolf)napaslang kuna ang karamihan sa kanila ngunit parang wala silang katapusan at lalo lamang silang dumarami..sobrang dami na ng mga natamo kung  sugat dahil sa mga ngipin nitong kasing tulis ng espada at ang mga kagat nitong napakalalim..

Nanghihina narin ako dahil sa napakaraming dugong nawala sa akin. Napasigaw ako sa saKit ng sagpangin ng isang lobo ang isa kung paa.. Kahit ng hihina ay nasaksak ko parin ang puso nito.. Tumakbo na ako palabas sa gubat na ito ng makita kuna ang labasan. Tiningnan ko ang likuran ko at nahindak ako sa aking nakita nakasunod sa akin ang ilang daang lobo na Naglalaway..

Kapag naabutan ako nito sigurado akong katapusan ko na Kahit paika-ika akong tumakbo ay mas lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo dahil maaabutan na nila ako at ayoko namang maging tragic ang pagkamatay ko gusto ko yung mamamatay ako ng may dangal.. Sino ba naman ang gusto mamatay ng gutay gutay ang katawan syempre Hindi kayo..

Sa layo ng tinakbo ko eh Sa wakas naman ay narating ko na rin ang labas ng gubat at nakatapak narin ako sa daan kung Saan madalas magawi ang mga karwahe at mga mangangabayo.. Tiningnan kung muli ang nightwood forest at nakita ang mga lobong nagsialisan na pagkat Hindi sila makakatawid pagkat may barrier ang gubat na nagkukulong sa mga mababangis na hayop.. Napangiti nalang ako ng mapakla at dun ko palamang naramdaman ang lahat ng sakit ng katawan ko kaya hinayaan ko nalamang na kainin ako ng kadiliman..

3rd person's POV

"Binibining firah sigurado po ba kayong nais nyong magpunta sa tiyahin nyo.. Siguradong mapapahamak lamang po kayo" wika ng isang kabalyero sa kanyang amo.

Nagpanting ang tenga ng dilag ng marinig nya ang tinuran ng isang kawal na kanyang tagapagbantay.. Hindi nya ninais o inibig manlamang na may mang insulto sa kanya pagkat sa gawi ng pananalita ng kawal ay wala itong tiwala sa kanya...

"Hindi ako naging prinsesa para maging mahina lamang kawal." Pagtataray ng dilag.. Simula pagkabata ay sinanay na sya sa pakikipaglaban at pamamahala sa kaharian..

Agarang yumuko ang kawal.."ipagpaumanhin
Nyo po binibining firah Hindi na po mauulit." Ang turan ng kawal ngunit Hindi na ito pinansin ng prinsesa bagkus ay itinuon nalamang nito ang pansin sa daan na kanilang tinatak.

Habang nakasakay sa karwahe ang prinsesa, ay tanaw na tanaw nito ang kanilang palasyo .. At ngayon ay Tinatahak nila ang daan patungo sa nightwood forest kung saan nakatira ang tiyahin nyang mangkukulam.. Lumipas ang mga sandali at sa wakas ay narating na rin nila ang bungad ng kagubatan ngunit sa kanyang pagbaba sa karwahe ay nagulat sya sapagkat sa Hindi kalayuan malapit sa gubat ay isang babae ang nakahimlay ito ay duguan at maraming sugat ang katawan.. Hindi nya lubos maisip kung gaano kasaklap ang sinapit nito. At dahil sa isa syang prinsesa ay taglay nya ang isang ginintuang puso.. Tinawag nito ang isa sa mga kawal at pinakiusapang isakay ang dilag sa karwahe upang magamot ang mga sugat nito.

Agad tumalima ang mga kawal upang sundin ang ipinaguutos sa kanila ng kanilang prinsesa dahil sa ayaw nilang baka sila ay mapagalitan..

Mabilis na pinatakbo ng isang kawal ang karwahe.. Habang sa isang banda ay mariing pinagmamasdan ng prinsesa ang dilag na kanyang nakita.. Kakaiba ang kasuotan nito at masasabing hindi ito nagmula sa kanilang nasasakupang mga mamamayan kaya ito ay isang malaking palaisipan sa kanya idagdag pa na natagpuan nila ito sa bungad ng kagubatan at ano ba ang ginagawa nito roon upang magtamo ng ganito kalalang mga sugat... Mula sa labas ng karwahe ay nakikita nya ang pagtataka ng mga taong naroroon sa sentro ng bayan pagkat sa bilis ng pagpapatakbo ng kanilang karwahe siguro ay iniisip nitong mayroong malaking suliranin ang prinsesa upang utusan ang kanyang mga kawal na bilisan ang pagpapatakbo ng kanilang sasakyan.. Ngunit ito ay kanyang ipinagsawalang bahala pagkat mas importante sa kanya ngayon ang kaligtasan ng binibining kanyang kasama. Pagkarating nila sa palasyo ay agad silang sinalubong ng mga dama at kawal.. Agad na ipinagutos ng prinsesa sa kanyang mga pinagkakatiwalaang dama ang pagaasikaso sa dalaga habang sya ay sasangguni muna sa kanyang inang reyna at amang hari..

Razelya's POV

Iminulat ko ang aking mata at tiningnan ang paligid nahinuha kung nasa isang hindi pamilyar akong kuwarto inilibot ko ang aking paningin at nakita ang isang babae sa may di kalayuan...
agaran akong bumangon mula sa pagkakahiga at tinungo ang direksyon ng babae..
Ng marating ko ang babae ay nakita ko itong humarap at ngumiti sa akin.

"Gising napala kayo binibini,hinihintay na  po kayo ng kamahalan.. Sumunod po kayo"
Nagulat ako sa tinuran ng babae ngunit iyon ay aking ipinagsawalang bahala nalamang bagkus ay sinundan ko nalamang sya.
Upang malaman narin kung nasaan ako.. Sa aming paglalakad ay hindi ko maiwasang mamangha sa estruktura at disenyo ng lugar na ito maraming mga palamuti at mga larawan siguro ng mga namuno ilang daang taon na ang nakalilipas.

"Naririto na po tayo binibini"ang turan ng dama yumukod muna ito bago tuluyang umalis.
Bigla nalamang bumukas
Ang pintuan ng silid at tumambad sa akin ang napakagandang silid sa dulo nito ay naroroon ang hari at reyna at kasama nila sa kanilang tabi ang isang magandang dilag na sa hinuha ko ay ang prinsesa..

"Maligayang pagdating sa mundo namin 'ang babaeng itinakda ng kapalaran" pagbati sa akin ng hari. Hindi ko maintindihan kung ano ang nais ipahiwatig ng hari anong ibig nyang sabihin 'babaeng itinakda' naguguluhan ako baka ang kanilang tinutukoy ay ang pagiging dimensioner ko..

(AN*) sorry po 1 week lang po ako makakapagupdate every Thursday sorry po sa mga typo and wrong grammars thanks po sa pagbabasa nito. Sana po isupport nyo tong story na ito I'll try my best po para maging maganda toh.. Wag nyo po munang ijujudge kase Simula palang naman ito hindi pa talaga nagsisimula yung journey nila.

(Hetterion) Tale of the royal bloods..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon