Razelya's POV
Unti-unti kung iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang isang pamilyar na silid. Mayroong dalawang malalaking aparador,balkonahe,malaking kama at aklatan sa loob ng silid kaya naanalisa kung ito ang kwartong pinagdalhan sa akin ng prinsesa ng matapos ang pulong na naganap sa kanila ng kamahalan, mula sa pagkakahiga ay bumangon na ako at tinungo ang banyo upang maihanda ang sarili at maging presentable ng matapos sa pagaayos ng sarili ay lumabas na ako ng banyo ngunit nagulat ako ng may makita akong isang damit pandigma na nakapatong sa kama. Hindi naman ako tanga na hindi maintindihan ang nais ipahiwatig ng kasuotan. Agaran ko itong isinuot at tinungo ang mahabang pasilyo ng palasyo, sa may di kalayuan ay natanaw ko ang prinsesa na kalalabas lamang sa kanyang silid at kagaya ko ay nakasuot ito ng damit pandigma. Ng lumaon ay nakita kung napalingon ito sa aking direksyon at ngumiti kaya bilang ganti ay tinaguan ko sya at binigyan ng isang ngiti. Lumapit ako sa prinsesa at nakitang masaya ito. Kahit pa ako ay nagtataka ay hindi nalamang ako nagusisa pa. Habang naglalakad sa pasilyo ay di ko maiwasang sulyapan ang mga kawal at tagapagsilbi na nagbibigay galang sa amin ng prinsesa sa tuwing kami ay daraan sa kanilang harapan. Naisip ko lang siguro ay masaya maging prinsesa walang masyadong ginagawa at makukuha mo ang lahat ng iyong naisin ng walang kahirap hirap.
"Razelya ano ba ang nais mong itawag sa iyo. Kung saan mas komportable ka." Pagtatanong ng prinsesa. Napatigil ako at napaisip ano nga ba ang dapat nilang itawag saakin Razelya ba o zafira ngunit mas komportable ako sa mortal kung pangalan kaya maaaring yun nalamang ang aking gamitin ngunit kahit pa komportable ako sa ngalang iyon ay Hindi maaari pagkat Razelya ang ngalan na iginawad sa akin ng reyna.
"Maaari mo akong tawagin sa ngalan na zel." Wika ko at nauna ng maglakad ngunit ng naka isang metro na ako ay napatigil ako ng maalalang hindi ko pala alam kung asan ang training arena kaya hinantay ko pa ang prinsesa na makahabol sa aking paglalakad.
"Nga pala zel payong kaibigan lang kung ako sa iyo ihahanda ko na ang katawan ko. Baka kase mamaya masobrahan ang bugbog sa iyo at ideretsyo ka sa infirmary kaya habang maaga maghanda ka sa maaaring mangyare." Wika nito at kinindatan pa ako bakit ganun kung sinasabi nyang nakakatakot ang aming training bakit masaya sya.iwinaksi ko nalamang sa aking isipan ang mga pinagsasabi ng prinsesa at sinundan na syang pumasok. Pagpasok ko palang sa silid na ito ay biglang nagsara ang mga pinto sinubukan ko itong buksan upang makalabas ngunit walang silbi ang mga pagpapakahirap ko
"Kung ako sa iyo binibini hindi ko na susubukan pang buksan ang pintong iyan. Bagkus ay pagtuonan mo nalamang ng pansin ang ating pagsasanay" narinig kung tinig ng isang lalaki mula sa kaliwang parte ng silid na ito kaya ay nilingon ko ito at tumambad sa akin ang isang lalaki na nasa mid 20's mayroon itong matitipunong katawan at gwapong pagmumukha.
"Sino ka ginoo?" Paguusisa ko. Biglang nangunot ang noo nito at nagtatakang lumingon sa direksyon ng prinsesa.
"Kung ganun ay Hindi ako pinakilala ng paborito kung estudyante. Ngunit hayaan mong ipakilala ko saiyo ang aking sarili ako si daiki ang iyong personal na tagapagturo sa larangan ng pakikidigma." Wika nito at bahagyang tumungo sa akin.
"Ahhh.. Ako nga pala si razelya ginoong daiki " wika ko at ginaya sya sa kanyang pagtungo. Mukha syang mabait ngunit sabi nga nila looks can be deceiving.
"At ngayong kilala na natin ang isat isa Razelya maaari na nating simulan ang iyong pagsasanay" wika nito at inikutan ako habang sya ay nagiikot bigla nalamang may dalawang wooden sword ang nag appear sa kanyang harapan.
"Ang una kung ituturo sa iyo ay ang tamang postura sa paggamit ng sandata. iabante mo ang iyong kaliwang paa, gawin mong pantukod ang kanan at Idiretso mo ng tuwid ang kaliwa." Gaya nga ng sinabi ni ginoong daiki ay ginawa ko nga ang kanyang nais ngunit Hindi ko masyadong maidiretso ang aking kaliwang paa pagkat tumama ito sa kahoy ng matamaan ako ng atake ng hethom.
"Hindi mo ba ako narinig ang sabi ko diretso ang kaliwang paa." Nanggagalaiti nitong bulyaw saakin at pinalo ng wooden sword ang kaliwang binti ko.
" what the f*ck" di ko maiwasang mapamura sa sakit na idinulot saakin ng paluin nya ang binti ko. Napaupo ako at minasahe ang namamaga kung binti.
" sa bawat pagkakamali ay mayrooong parusa. Kaya tumayo ka na dyan kung ayaw mong madagdagan pa yang nangyare sa binti mo" wika nito, kahit pa masaket ang binti ko ay pinilit kung makatayo at ginawa ang posisyon na itinuro nya.
"Magaling, ikalawa iwasiwas mo ang iyong sandata ng mabilis kaliwa at kanan at sa ikatlong atake ibuhos mo ang iyong lakas sa pagpalo sa harap." Mabilis kung sinunod ang kanyang nais ang pagwasiwas ng sandata ay madali lamang ngunit mahirap ang ikatlong atake pagkat mahirap lagyan ng pressure ang sandata gamit ng isang kamay.
Ng makita ko si ginoong daiki na nakaposisyon na para paluin ako ay agad akong umiwas ngunit pinaulanan nya ako ng mga sunod sunod na atake na tumama sa tagiliran at balikat ko kaya napadapa ako habang namimilipit sa sakit. Nagsisimula na talaga akong mainis sa ginoong daiki na ito. Masyado nya akong pinahihirapan. Pwede nya naman ako turuan ng matiwasay na hindi nya ako kailangan saktan pa para matuto. Ito na siguro ang ibig sabihin ng prinsesa firah at kaya siguro sya masaya ay dahil hindi na si ginoong daiki ang magtuturo sa kanya napakasaklap naman ng sinapit ko.
" tumayo ka Razelya wala pa tayo sa kalahati ng iyong pagsasanay" turan nito at tinulungan akong tumayo. Tutulong tulong pa sa pagtayo saakin eh kung Hindi mo kaya ako saktan para wala kang tulungang tumayo.tsk.
Pasalamat sya at Hindi ako nagrereklamo.Aray. Ang sakit talaga ng katawan ko talagang bugbog ang aabutin ko rito.
"Gayahin mo ang mga atakeng gagawin ko " wika nito at sinimulan ng makipaglaban sa mga dummy na bigla nalang nagsulputan kung saan. Gaya ng kanyang nais ay inobserbahan ko ang mga atake na ginawa nya masasabi kung may mga madali pero hindi maiaalis ang mga mahihirap na atake. Ang galing ni ginoong daiki makipaglaban hanga talaga ako sa kanya kaya lang masyado syang brutal magturo.
Sinimulan ko na ang kanyang pinagagawa ng matapos sya sa pagatake sa mga dummies.
At masasabi kung mahirap pero enjoy ko naman ang sarap sa feeling makipaglaban yung parang matagal na tong hinahanap ng katawan ko at may natrigger itong kakaiba sa loob ko. Ng matapos ako sa ginagawa ko ay tinungo ko na ang direksyon ni ginoong daiki."Magaling ang iyong pinamalas na kakayahan sa pakikidigma Razelya. Mukhang Hindi ako mahihirapan sa tatlong buwan na pagsasanay natin." Wika nito bago ako talikuran. Kung ganun tatlong buwan ko pang makakasama si ginoong daiki. Mukhang mapapalaban ako nito ah.
*Makalipas ang 3 buwan*
Agad akong bumangon sa pagkakahiga at tinungo ang banyo para maligo. Ng matapos ay sinuot ko na ang damit pandigma ko at pumunta na sa training room para kunin ang misyong naiatas sa amin ng prinsesa. Nadatnan ko sa silid na iyon na nakikipagharutan ang prinsesa kay Mormona. Ang akala ko talaga nawala na toh eh. Ang lagalag kasi mabuti nalang at nalaman kung kaya pala Hindi ko ito mahanap ay nakulong ito sa katawan ko siguro dahil sa Hindi ko pa control ang kapangyarihan ko kaya nakulong ko sya. Ang saya nga ng tabithang yan ng makalabas tapos senermonan pa ako, si prinsesa firah naman tawa ng tawa. Nagkasundo pa yung dalawa na asarin ako palagi, at tungkol naman sa pageensayo ko isa lang ang masasabi ko masyadong malaki ang pinagbago ko at nagawa ko pa ngang talunin si ginoong daiki. Kaya pagnatapos na namin ang misyon namin pupunta na kami sa ikalawang kaharian. Hindi ko pa nga alam kung saang destinasyon kami dadalhin ng kapangyarihan ko. Hinihiling ko lang Sana na hindi nakakatakot yung mapuntahan namin.
BINABASA MO ANG
(Hetterion) Tale of the royal bloods..
FantasíaA long time ago an oracle declared a prophecy on which one of the seven powerful royal bloods of the eldest gods shall be reach sixteen against all odds and see the world in endless sleep a hero's soul cursed blade shall reap a single choice shall...