chapter 9: ang unang pagtatagpo

3 1 0
                                    

Habang papalapit ako ng papalapit ay mas lalong lumalakas ang mga tinig na naririnig ko. Hindi ko maiwasang magusisa kaya mas lumapit pa ako.

Sa may di kalayuan ay maynakikita akong limang bulto ng mga kalalakihan napansin ko ang isa sa mga ito na naglalabas ng patalim ng patago Hindi ko sila masyadong marinig pagkat sa tantya ko ay nasa limang metro ang layo ko sa kanila ngunit kung titingnan sila ng maigi ay Masasabi mong nagaaway sila dahil sa tensyon na namumuo.

Pagkaraan pa nga ay naglabas na ang apat na lalaki ng mga sandata nila samantalang ang lalaking nakatalikod sa akin ay prente lamang sa kanyang kinatatayuan.. Nakakainis Hindi ba sya maglalabas ng sandata nya baka mamatay sya ayaw ko pa naman makasaksi ng  isang krimen ngayon. Aish.. Bahala na nga tutulungan ko nalang sya.

"TEKA SANDALI" sigaw ko at tumakbo sa kanilang kinatatayuan. Nakita ko pa ngang ngumisi ang isa sa apat na lalaki ng makita akong tumatakbo papunta sa kanila..

"Ano at naparito ang isang napakagandang binibini" wika nya na may kasamang ngisi sa kanyang mga labi. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at hindi ko maiwasang magalit sa mga tingin na ipinupukol nya sa akin na wari'y hinuhubaran ako aba at bastos tong lalaki na toh.

"Andito lang naman ako para sabihin sainyo na Hindi patas ang Laban . Isa laban sa apat hindi iyon makatarungan ginoo."
Turan ko at inilabas ang aking espada na nakatago sa ilalim ng aking bistida. Nakita kung tutok na tutok yung apat na ugok sa maputi at makinis kung legs ng bahagya itong lumitaw ng kunin ko ang espada samantala yung lalaking gusto kung tulungan ay ayaw manlang akong lingunin.

" kung ganun binibini isang karangalan na talunin ka. Huwag kang mag-alala Hindi ko seseryusuhin ang ating Laban" turan nya at ngumisi saakin ng nakakaloko aba at gago pala toh, ang dali mang judge well, let's see kung may ibubuga sila ngayon ko ipapakita sa kanila ang kakayahan ng isang babae.

"Andami nyong satsat kung sumugod nalang kaya kayo" medyo may inis at bored na sabi nung lalaki.. Tsk. Siguro maylakad toh kaya nagmamadali

"Aba at kanina mo pa ipunamumukha sa amin na isa kaming mga mahihinang nilalang. Hindi porket nanalo ka sa aming pinuno kanina sa patimpalak ay matatakot na kami sa iyo.pwes nagkakamali ka walang kinatatakutan ang grupo ng mga magma ginoo." Wika ng isa sa apat na lalaki napaisip naman ako ano kaya ang ibig sabihin ng magma. Well, hindi naman ako usisera kaya hindi ko nalang aalamin ang kahulugan nito.

Nabigla ako ng may biglang humawak sa mga balikat ko kaya agad akong naghanda para sa susunod na aatake nito saakin. Hindi nga ako nagkamali pagkat naramdaman ko ang pagiiba bigla ng ihip ng hangin at ang pagbigat ng pressure sa hangin sa aking likuran kaya nalaman ko na doon nya ako balak atakihin ngunit sorry sya pagkat alisto ako sa kanyang atake kaya nagawa kung sanggain ang atake nya nagkalansing ang aming mga sandata at ng makahanap ng tiyempyo ay sinipa ko ito sa kanyang tiyan ng mapaluhod sya sa pamimilipit sa sakit na dinarama ay kinuha ko itong pagkakataon para ipukpok sa kanyang batok ang hawakan ng aking espada upang pansamantalang mawalan ito ng malay. Ng matapos sa aking kalaban ay nakita ko ang lalaking iyon na nakikipaglaban. Sa may di kalayuan malapit sa lalaking iyon ay nakita ko ang duguan at sigurado akong wala ng buhay na miyembro ng magma base sa kanyang mga sugat ay masasabi mong brutal ang pagkakapaslang rito.

" mukhang tayo ang maglalaban binibini" masayang turan ng leader leaderan nila hinarap ko sya at ngayon ay seryoso at desidido na akong tapusin ang laban na ito.

Inirapan ko lang ito at saka ipinusisyun ang sarili para sa gagawing atake aaminin ko hindi ako magaling sa paggamit ng sandata sadyang swerte lamang ako at may fencing class kami sa dati kung school kaya marunong ako ng mga basic step pero hindi talaga ganon kagaling.

Una akong umatake pero agad nya din naman itong naiiwasan. Sinasangga nya lamang ito ng kanyang sandata gamit ang isang kamay. Umalab naman ang galit na nararamdaman ko hindi maaaring matalo ako rito pagkat paano ko pa magagawa ang misyon ko kung sa isang simpleng laban ay talo na agad ako. Mas binilisan ko pa ang pagwasiwas ng aking espada at ng makita kung humina ang kanyang depensa sa kanyang kaliwang kamay ay agad ko itong sinugatan napaluhod sya ngunit sandali lamang iyon pagkat nakabangon agad sya binigyan nya ako ng isang nagbabagang tingin hindi ko iyon pinansin bagkus ay mas lalo ko syang ininis para sya ang unang sumugod saakin.  Tumingin sya sa akin at binigyan ako ng isang nakakapangilabot na ngiti inihanda nito ang sarili at agad na aKong sinugod umaayon ang lahat sa aking plano sa paglapit nya sa akin ay agad akong yumuko upang hugutin ang isang punyal sa aking bota(boots) at itinarak ito sa kanyang dibdib nanlalaki pa nga ang kanyang mga mata pagkat hindi nya inaasahan ang atake kung iyon.
" patawad hindi ko ito ninais" hinging paumanhin ko rito habang bumabagsak ang katawan nito sa lupa hindi pa naman sya patay pagkat sinigurado ko na malayo sa kanyang puso ang saksak at walang seryosong organ ang natamaan. Ngunit kung magpapatuloy ito ay mauubusan sya ng dugo na maghahatid sa kanyang kamatayan. Tinitigan ko ito habang nakahandusay sa sahig habang hawak ng madiin ang punyal na ginamit ko pangsaksak sa kanya. Kung tititigan mo sya ng mabuti ay masasabi mong napakagwapong nilalang nito gamit ang aking abilidad ay itineleport ko ito papunta sa infirmary.

"Hindi dapat laging awa ang iyong pinaiiral. Minsan kailangan mong pumatay para sa iyong kaligtasan. Dapat masanay kang pumatay para pagdating ng panahon ay hindi ka mahirapan" turan nung lalaki naalala ko bigla yung mga gamit nya kaya agad ko itong kinuha sa aking pinagtaguan.

"Nga pala ginoo, alam kung saiyo ito"  pagharap ko sakanya ay napatigil ako at napatitig sa kanya mayparang  isang parte ng aking pagkatao ang nabigyan ng buhay ng magtagpo ang aming mga mata ipinilig ko ang aking ulo upang itaboy ang mga iniisip ko ng makabawi ay inabot ko sakanya ang kanyang mga gamit
Gusto ko sanang itanong sakanya ang tungol sa kanyang mga gamit na gaya ng saakin. Huminga muna ako ng malalim
Bago sya kausapin.

"Maaari ba akong magtanong ginoo." Wika ko. Nakakahiya naman toh teka! Bakit naman ako nahihiya nababaliw na nga siguro ako.

"Nagtatanong kana binibini" turan nito. Hiyang hiya na talaga ako may punto nga naman sya bat ba yun yung una Kong na tanong.

"Iyang mga gamit na iyan saan mo nakuha" tanong ko at tiningnan ang mga gamit nya na kagayang kagaya ng saakin.

"At bakit mukhang interesado ka binibini" may pagdududang wika nito siguro iniisip nya na may masama akong balak sa kanyang mga kagamitan.

Ipinakita ko sakanya ang mga gamit ko nabigay ng mahal na reyna. Bahagya syang nagulat ng makita ang mga ito.

"Bigay ito saakin ng reyna ng zafier" turan ko. Napatango sya at ngumiti saakin

"Ito ay galing sa aking mahal na inang rey---" hindi nya natapos ang kanyang sasabihin ng biglang may tumawag saakin. Agad ko itong tiningnan at nakita si prinsesa firah na humahangos habang tumatakbo papalapit sa akin.
."ay naku Razelya saan kaba nagpupupunta kanina pa kita hinahanap siguradong hinahanap na tayo sa palasyo" wika ng prinsesa at hinila na ako nilingon ko yung lalaki at nadismaya lang ako ng wala na ito sa kanyang kinatatayuan. Hindi ko manlang naitanong ang kanyang pangalan..

Someone's POV

Sa may di kalayuan ay isang binata ang nakatingin sa papalayong pigura ng isang babae.

Magkikita tayong muli binibini
Turan nito at umalis na sakanyang pinagtataguan

(Hetterion) Tale of the royal bloods..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon