3rd person's POV
Mabilis ang pagpatakbo ng dalawang dilag sa kanilang mga kabayo wari mo'y sa kanila ay may humahabol. Samantala isang binata ang sakanila'y nagmamasid palipatlipat sa bawat puno upang sakanila ay makapantay.madilim na sa kagubatan at mga tunog nalamang ng mga insekto ang maririnig ngunit kung ano pa ang tahimik ay sya palang mapanganib. Isang malakas na hangin ang sakanila ay humampas dahilan upang kanilang mga kabayo ay magwala nahulog sila at sa kasamaang palad kanilang kabayo'y nagtatakbo Papaalis. Tumayo nalamang sila at pinagpag at inayos ang kanilang mga kasuotan inilibot nila ang kanilang paningin at napagtantong malayo-layo pa ito sa palasyo biglang isang malakas na itim na presensya ang kanilang naramdaman kanya- kanyang labas sila ng kanilang mga sandata at ipinusisyon ang sarili upang maging handa sa anumang atake .
Mula sa madilim na parte ng kagubatan ay dalawang dambuhalang hethom ang lumabas at sila ay inatake.
( hethom- isang hybrid ng white tiger, scorpion at agila. ang katawan at ulo nito ay sa tigre at sa likuran nito ay ang pakpak ng isang agila samantalang ang buntot nito ay ang buntot ng isang scorpion)
Agad na sinugod ng isang hethom si prinsesa firah mabuti nalang at mabilis ang mga reflexes nito kaya kaagad na nakaiwas. Sa isang banda si razelya ay hindi malaman kung ano ang gagawin sobrang laki ng mga hethom at hindi nya man lang malaman kung mayroon ba itong mga kahinaan. Masasabing magaling sya makipaglaban para sa isang baguhan ngunit ibang bagay na ang kalabanin ang isang halimaw. Habang nagiisip ay nawala sa kanyang isipan na mayroon syang kakalabaning halimaw at dahil dito ay hindi nya napaghandaan ang atakeng iginawad nito sa kanya gamit ang buntot, dahil sa lakas ng atake ay tumilapon sya sa mga puno sobrang sakit ng kanyang likod kahit nahihirapan ay pinilit nya paring tumayo ipinosisyon ang sarili para sa isang atake.Mabilis ang kanyang mga galaw na tila sumasabay sa ihip ng hangin saksi ang buwan sa kanyang ipinamamalas na galing agad nyang binunot ang kanyang espada na hindi lumilikha ng ingay mabilis pa sa isang kisap mata na naputol nya ang ulo ng hethom lumapag sya sa lupa na tila isang magaan na bagay. Habang inililipad ng hangin and mga hibla ng kanyang mahaba at itim na itim na buhok ay ang paglapit ng isang lobo, ang lobo na ito ay kakaiba sa lahat ng mga lobo pagkat ito ay isang maalamat na lobo na tinatawag na Arang the nine tailed fox. Tumitig ito sakanya at umalulong ng tatlong beses na para bang may ipinababatid na mensahe sa isang nilalang namalayo sakanila napakaganda tingnan ng lobo kumikinang ang puting puti nitong balahibo habang nasisinagan ng buwan ang asul nitong mata na nakatitig sakanya ay tila napakapamilyar ipinikit nya ang kanyang mga mata upang alalahanin kung saan nya nga ba ito nakita habang pinipilit nyang alalahanin ay tila mas lalong tumitindi ang sakit ng kanyang ulo. Pagmulat ng kanyang mga mata ay wala na ang lobo nadismaya nalamang sya sa pagkawala nito.
"Razelya!!" Ang bulalas ng prinsesa ng mawalan sya ng balance at lumapag sa lupa parang ngayon nya palamang naramdaman ang sakit na dulot ng pagtilapon. Isa paring palaisipan sa kanya kung papaano nya nagawa ang atakeng iyon na tila ba parang sanay na sanay na syang makipaglaban. Ngunit bago pa ito makasagot ay naramdaman nya na ang panghihina at pagkaubos ng kanyang enerhiya sa katawan kaya wala syang magawa kundi ang ipikit nalamang ang mga mata upang maipahinga ang katawang nabugbog sa pagkalagapak sa mga puno at bato.
Someone's POV
Kanina ko pa sinusundan ang dilag na nakilala ko kani kanina lamang hindi ko maiwasang mangamba sa kanilang kaligtasan na tila may isang panganib na nagbabadya sa kanila at hindi ako maaaring magkamali alam kung sya ang tinutukoy ni ina, hindi ko sya maaaring pabayaan lalo pa at sya ang susing matagal na naming hinihintay kung yun ay tama ang aming hinala. Agad akong napatigil sa paglipat sa isa pang puno ng makaramdam ako ng isang itim na kapangyarihan
Malapit sa aking kinaroroonan. hinanap ko iyon at natagpuan ang isang pigura ng tao na naka roba base sa kanyang kapangyarihan ay masasabing isa itong black wizard . hindi na ako nagtaka ng may mga hethom na biglang naglabasan sa kaibuturan ng kagubatan.nakakatakot man ang anyo ng mga hethom ay masasabing mababait ito, sila ay mga tagapangala ng kagubatan ngunit nakakalungkot lamang isipin na sakop na ito ngayon sa kapangyarigan ng black wizard kaya wala na itong mga kaalam Alam sa kanilang mga paggagawin.
BINABASA MO ANG
(Hetterion) Tale of the royal bloods..
FantasyA long time ago an oracle declared a prophecy on which one of the seven powerful royal bloods of the eldest gods shall be reach sixteen against all odds and see the world in endless sleep a hero's soul cursed blade shall reap a single choice shall...