14. All This Time

19.5K 351 21
                                    

Para siyang idinuduyan ng magising at nakita niyang puting puti ang silid na kinaroroonan niya. Masakit ang kanyang ulo at buong katawan at nakitang may dextrose na nakakabit sa kanyang kaliwang kamay. Napagtanto niyang nasa hospital siya at bumalik sa kanyang alala na naaksidente siya at ang dahilan kung bakit siya naaksidente. Hindi niya mapigilang mapaluha kung masakit ang natamong mga sugat sa katawan wala naman kasing sakit ang sugat sa kanyang puso.

“Friend, ok ka lang, may masakit ba sayo. Tatawagin lang namin ang doctor, halika sexy bear samahan mo ako.” Ani Aludy at basta nalang hinablot ang lalaking katabi na magpahanggang sa oras na iyon ay hindi pa niya alam ang pangalan maliban sa sexy bear.

“Anu ba kaya kung maglakad hindi mo naman ako kailangang hilahin” angil nito pero hindi naman tinanggal ang kamay mula sa kaibigan.

Naiiling nalang sila ni Joni habang sinusundan ng tingin ang dalawa. Masarap magmahal lalo na kung may katugon pero masakit pag nabigo katulad ngnangyari sa kanya.

“we already knew what had happened. Sinabi na sa amin nina Dave ang totoo, siya din ang nagdala sayo sa hospital” ani Joni at napatingin siya dito.

“sana hinayaan nalang niya akong mamatay” matabang niyang sagot.

Napakunot-noo naman si Joni sa sagot ng kaibigan. “Don’t be silly, hindi ka niya hahayaang may mangyaring masama sayo. Kausapin mo sila Shyne, nasa labas sila ng room naghihintay sayo. Hindi muna namin sila pinapasok dahil baka hindi makabubuti sayo na sila agad ang makita mo. Pero shyne, you have to talk to them para maayos na ang lahat” sabi niya dito. Alam niyang hindi madali ang pinagdadaanan nito ngayon pero walang mabuting maidulot ang pagmamatigas nito.

“hindi ko pa kaya, wag muna ngayon” sabi niya na tumalikod pa kay Joni na sinasabing tapos na ang usapan. Hindi pa siya handang harapin ang dalawa. Masyado pang masakit.

Joni knew Shyne very much. Alam niyang malaki ang galit nito sa ina nito kaya kailangang gumawa siya ng paraan para mabawasan man lang ito. “sige magpahinga ka na muna. Shyne, just in case makatulong they both love you very much." She sighed. "Wala akong karapatan na magsabi ng detalye sayo kundi sila lang. Siyanga pala madami ang dugong nawala sayo at ang mommy mo ang nag bigay ng dugo para madugtungan ang buhay mo ngayon. Magpahinga ka muna at sana makapag isip ka ng maayos” yun lang at iniwan niya ang kaibigan. Alam niyang sa oras na ito ay nag-iisip na ito.

Tatlong araw ng pabalik balik ng hospital si Dave para makausap ang dalaga pero sa tuwina ay bigo siya dahil ayaw siyang kausapin ng dalaga. Kung hindi man ito tulog ay tatalikuran siya nito sa tuwing pumapasok siya sa private room nito.  Ganun pa man lagi niya itong pinapadalhan ng bulaklak at sinisilip lalo na pag tulog ito ay mayroon siyang pagkakataon na makita ito ng malapitan at mahawakan. Nang araw na sinundan niya ito at masaksihan ang aksidente ng dalaga ay nanigas ang kanyang katawan sa takot. Never in his entire life na natakot siya ng ganun. Mahal niya ang dalaga at pinagsisihan niyang hindi niya ito nasabi dito. Inilihim niya ang tungkol kay Sheena dahil noon pa man laging umiiwas ang dalaga pag nagtatangka siyang kausapin ito tungkol sa ina. Alam niyang hindi nito madaling matanggap ang totoo at hindi nga siya nagkamali. Muntik pa itong mawala sa kanila dahil doon.

FREUNDE SERIES 1: All This Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon