2. Sorrow after Joy

15.6K 312 10
                                    

Dedicated to riza44, thanks for the support ^_^ and putting this in your reading list.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi pa rin matigil tigil ang pagluha ni Shyne habang inililibing ang daddy nya. Naaksidente ito ng araw na mag celebrate sana sila ng kanyang birthday. Hinang hina na sya sa kakaiyak at masakit sa kanyang kalooban ang pagkawala ng ama. Kung hindi pa sa matipunong mga bisig ni Dave na naka alalay sa kanya ay baka bumigay na ang kanyang katawan. Wala parin siyang sapat na kain at tulog simula ng mangyari ang aksidente sa ama.

“ang daya-daya mo naman dad. Sabi mo hindi mo ako iiwan gaya ni mommy. Pero bakit ganun dad? Bakit iniwan mo din ako?” sabi nya sa di mapigilang emosyon. “paano na ako dad? Wala na akong kasama. Panu mo ako nakayang iwan? Hindi ko kaya mag-isa daddy” patuloy nyang sabi habang umiiyak.

Parang pinipiga naman ang puso ni Dave sa nakikitang kalagayan ng dalagita. Nakikita nya ang paghihirap nito. Ang mga matang malalim sapagkat kulang sa tulog at panay ang pag-iyak. Ang dating maamo at napakagandang mukha na dati ay puno ng kasiyahan ay nababalutan ng lungkot at sakit. Niyakap nya ito ng mahigpit. Kung pwede lang na pawiin nya lahat ng sakit na nararamdaman nito sa dibdib nito ay gagawin nya. Siya man ay nabigla sa pagkawala ng kaibigan. Naalala pa niya kung paano sya huling kausapin nito bago ito umalis para sunduin sana si Shyne at mga kaibigan nito.

pare may paki usap sana ako sayo, kung may mangyaring masama sa akin ikaw na sana bahala sa anak ko.” Ani marlon.

anu ba yang pinag sasabi mo dyan” nakakunot noong sabi nya.

mahal na mahal ko ang anak ko Dave. Wala akong mapag iwanan sa kanya maliban sayo. Malaki ang tiwala ko na aalagaan mo sya para sa akin. Ipangako mo sa akin Dave na hindi mo pababayaan ang anak ko.” dagdag pa nito. Hindi niya lubos akalain na iyon na ang huling araw na mag-uusap sila ng kaibigan.

Naputol ang pagdaloy ng kanyang alaala ng maramdamang bumibigat ang katawan ng dalaga sa kanyang mga bisig. And then he knew she passed out. Pinangko niya ito at dinala sa kotse. Nakasunod naman sa kanila ang dalawa nitong kaibigan na parehong may pag aalalang nakaguhit sa mga mukha.

“What happened to her? Where are you taking our friend?” tanong ni Aludy na malungkot na nakatingin sa dalagitang buhat niya.

“She just passed out. Dahil lang siguro ito sa pagod at puyat. Dadalhin ko muna siya sa bahay ko para maalagaan. She will be fine there.” ani nya

“sige dadalawin nalang naming siya doon. Ihahatid na rin namin ang gamit nya bukas” si Joni. Alam niyang ang dalawa ang bestfriends ito ni Shyne dahil sa madalas itong makwento ni Shyne at ni Marlon sa kanya. Lihim din siyang nagpapasalamat sa dalawa dahil hindi nila iniwan si Shyne mula ng pumanaw ang ama niito.

Isang tipid na ngiti na lamang ang kanyang isinagot sa mga ito bago pinaandar ang sasakyan.

Parang may kung anong humaplos sa puso ni Dave ng matitigan ang maamong mukha ni Shyne habang natutulog. Kakaalis lang ng doctor na pinatawag nya para tingnan ang dalaga. Kelangan lang nito ng sapat na pahinga. Nilapitan nya ang dalagang may bahid pa rin ng kalungkutan sa mukha at sa di mawaring dahilan gusto niyang haplusin ang maamo nitong mukha. Hinawi niya ang mahabang buhok nito na tumakip sa magandang mukha ng dalaga.

Umaga na nang magising siya sa hindi familiar na silid. Mas malaki ito kesa sa kanyang kwarto at kulay panlalaki ang pintura. Nang ilibot nya ang kanyang paningin ay nakita nya si Dave na nasa mahabang sofa natutulog.

“Gosh magkasama pala kami ng love ko sa isang silid.” Kinikilig niyang naiisip pero ng mapagtanto kung bakit wala siya sa silid niya ay bumalong na naman ang luha sa kanyang mga mata.

Nagising si Dave sa narinig na pag hikbi ng dalaga kaya dinaluhan nya ito. Naiinis siya sa sarili dahil hindi nya alam kung paano patahanin ang dalaga kaya niyakap niya na lamang ito.

“paano na ako Dave ngayong wala na si dad hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.” umiiyak nitong sabi habang yakap-yakap niya. He can feel how vulnerable she is at that moment. Hinigpitan niya ang yakap sa dalagita making her feel that she is not alone. That he is there for her.

“nandito ako Shyne, hindi kita iiwan. Ipinagkatiwala ka sa akin ng ama mo kaya aalagaan kita sa abot ng aking makakaya” aniya habang hinahaplos ang likod ng dalaga na wala pa ring tigil sa kaiiyak.

kumalas ito ng yakap sa kanya “Anong ibig mong sabihin?” tanong nito habang nakatingin sa kanya.

He sighed. “dito ka na sa akin titira Shyne. Ayon iyon sa paki-usap sa akin ng ama mo.” sagot niya dito. For a moment ay lumiwanag ang mukha nito that made him feel better seeing her face lit up a bit. Pero saglit lang ay napalitan ng pag-ngiwi ang ekspresyon ng dalagita.

Bahagya namang napangiwi si Shyne sa narinig. Okay na sana na sa bahay siya ng binata pero parang napipilitan lang ito dahil sa pakiusap ng kanyang ama. "Hmp di bale na nga ang importante ay makakasama ko na siya sa isang bahay. At pasasaan ba at magiging akin ka din Dave. Gagawin ko ang lahat magustuhan mo lang ako" sa isip niya.

“you need to eat” basag nito sa katahimikan namamagitan sa kanila.

“I’m not hungry and i don’t feel like eating” sagot niya. Simula ng mamatay ang daddy niya ay wala talaga siyang ganang kumain.

“hindi pwedeng hindi ka kumain. Kung kelangan ko subuan ka para lang magkalaman ang sikmura mo gagawin ko” seryosong wika nito. 

Napangiti siya at umiral na naman ang kapilyahan sa utak niya. “sige subuan mo ako” sabi niya habang nakangiti.

"Tatanggi pa ba ako kung susubuan niya ako diba? Hindi naman ako mahilig sa pagpapakipot." pilyang sabi ng utak niya.

Nagulat man si Dave ay natuwa na rin siyang kahit paano sa pagpayag nitong kumain. “Your such a kiddo” sabi nito habang napapailing na ginugulo ang mahaba niyang buhok.

“hindi na ako bata dalaga na ako noh” nakaingos niyang sabi na tinawanan lang ng binata at lumabas ng silid para ipagkuha siya ng pagkain.

FREUNDE SERIES 1: All This Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon