10. Start of the Rivalry?

11K 248 3
                                    

Well,. we are getting serious as the story is near to end.. hindi ko naman ito pwedeng pahabain dahil short story lang ito,. abangan nalang ang sequel :) 

____________________________________________________

Kinakabahan siyang di niya maintindihan at di na siya mapakali sa kakahintay na paglapag ng eroplanong sinasakyan ng binata. Ngayon ang araw na pagbalik nito sa Pilipinas at kasama ang driver ay susunduin nila ito. Nang ianunsiyo ang pagdating ng eroplano kung saan lulan ang binata ay parang nagliliparan ang mga paru-paro sa kanyang tiyan. Maya-maya pa ay nakita niya itong lumabas sa arrival area ng airport and he looked awesome with his black shirt  paired with faded jeans.

Hindi na niya mapigil na sugurin ito ng yakap. “Oh Dave, I missed you so much” sabi niya dito habang mahigit na niyayakap ang binata. Mag-sasalita na sana ito ng may tumikhim sa tabi nito.

“Ohh i’m sorry, I have someone to introduce to you” at tumingin sa katabi nito. “Shyne, I’d like you to to meet my friend, Sheena.” Tiningan niya ang ipinakilala nito, hindi naman siya sigurado sa edad nito dahil mukha pa rin itong bata “She is beautiful” she thought. Bilugan ang maliit nitong mukha matangos ang ilong makipot ang mga labi nito at ang nangungusap na mga mata. She felt something odd ng makipagtitigan ito sa kanya. She saw longing, pain and happiness sa mga mata nito. “Meet Shyne, my business partner” pagpapakilala naman sa kanya ng lalaki. Sasabihin sana niyang fiancée siya nito pero bago niya maituloy ang sasabihin ay nagulat siya ng yakapin siya bigla ng babae. Mahigpit ang yakap nito na halos  hindi na siya makahinga ng palayain siya nito sa  pagkakayap ay nakita niya ang misty eyed nito na parang nagpipigil ng umiyak.

Tumikhim muna ito at nag-alis ng bara sa lalamunan “I’m sorry, masyado lang akong na over whelmed na makilala ka” sabi nitong masayang nakangiti.

Naguguluhan man sa pangyayari ay binigyan pa rin niya ito ng isang tipid na ngiti. Ewan niya may kakaiba siyang naramdaman ng yakapin siya nito.“Nice to meet you Sheena” nag-aalinlangan niyang bati dito. 

“call me mo--,. Tita, I am older than you.” Sabi nito na hindi binibitawan ang kanyang kamay.

“We prepared a good dinner in the house. I guess dapat na tayong umuwi at alam kung napagod kayo sa biyahe.” Sabi na lamang niya at pasimpleng binawi ang mga kamay dahil pakiramdam niya ang init nito at napapaso siya.  

“that’s good, let’s go then” sabi ng binata at inalalayan na nito si Sheena sa paglalakad. Sumakit naman ang dibdib niya sa nakitang eksena. Parang gusto na niyang umiyak. Ang tagal niyang hinintay na bumalik ito at ngayong nandito na ito ay iba naman ang pinag kakaabalahan. Lalo pang sumama ang loob niya ng magkatabi ang dalawa sa loob ng kotse kaya napilitan siyang maupo sa unahan. Panay ang kwento ng mga ito at tawanan at siya ay inis na inis sa dalawa pero hindi naman siya pwedeng magwala na lamang kahit paano ay nag matured na rin naman siyang mag-isip at gusto niyang makita ng lalaki ang mga pagbabago sa kanya at patunayan na hindi na siya bata para dito.

Nasa Squisito siya ng araw na iyon at makikipag kita sa kanyang mga kaibigan.

“You mean isang linggo na mula ng dumating si Kuya Dave ay di pa rin kayo nag-uusap?" Ani Aludy

FREUNDE SERIES 1: All This Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon