4. Goodnight Kiss na Lang

11.2K 286 12
                                    

This chapter is dedicated to my Bff Bernaditte, Tnx for the support. :) 

____________________________________________________________

Nasa loob siya ng library habang binabasa ang mga dala niyang trabaho mula sa opisina pero wala  siyang maintindihan sa mga binabasa niya. Si Shyne ang umuukopa sa kanyang isipan at hindi mawala sa kanyang isip ang ginawa nito sa kanya kanina. Nag-init ang kanyang pakiramdam ng maalala ang malambot na labi ng dalaga. “Damn it” anang utak niya at napasuntok pa ang kamay niya sa mesa. “Shit Marlon, anu ba tong ginawa mo at iniwan mo ako sa ganitong sitwasyon” tukoy niya sa yumaong kaibigan. Matagal na niyang napapansin ang kakaibang mga tingin ni Shyne sa kanya pero hindi niya ito pinag tuunan ng pansin dahil akala niya ay simpleng paghanga lamang meron ang dalaga sa kanya. Mahinang katok sa pintuan ang nagputol sa kanyang iniisip at iniluwa niyon ang dalaga.

“I brought you coffee, hindi ka pa kasi nag dinner” nakangiti nitong sabi.

“ilapag mo na lang dyan at matulog ka na. It’s already late” sabi niya ng di man lang ito tinitingnan.

“Galit ka ba sa akin?” tanong nito. Napabuntong hininga siya. Kilala niya ito kung gaano ito kakulit. Pag hindi niya ito sinagot ay hindi ito aalis sa harap niya at ayaw niya na magtagal ito sa loob kasama niya.

“hindi ako galit, at wag mo na ako kulitin dahil marami pa akong gagawin” sabi niya na nagkukunwaring busy sa mga papeles na kaharap.

“okay sige, matututulog na ako. Hindi lang naman ako makatulog pag alam kung galit ka sa akin” sabi nito sa malungkot na boses.

Nagtaas siya ng tingin at tiningnan ang maganda nitong mukha. May nakita siyang lungkot at pag aalala sa mga mata nito. Napapailing siya sa kanyang sarili, hindi niya talaga ito matiis. “Kalimutan mo na yung kanina. Hindi ako galit” sabi niya sa malumanay na boses at nakita niya ang pag saya ng maamo nitong mukha.

Napangiti si Shyne sa sinabi ng binata, “hahaha effective talaga lagi ang pag papaawa effect ko”. “sabi ko na nga ba love mo din ako, di mo ako matiis ehhh” sabi niya sa mahinang boses na umabot yata sa pandinig ng binata.

“may sinasabi ka?” kunot noong tanong nito.

“sabi ko, wala bang thank you kiss sa pagdadala ko sa’yo nang kape” pilya niyang sagot.

“Wala, kaya alis na” pigil na ngiti niyang sagot dito habang pinapanatili ang seryosong mukha.

“goodnight kiss nalang” hirit naman ni Shyne dito at binigyan naman siya ng masamang tingin ng binata. “Suplado mo naman” sabi niya sabay irap at tumalikod na sa binata at naglakad palabas ng library. Napapailing naman si Dave at hindi na maiwasan ang kanina pang tinatagong ngiti sa inasal ng dalaga.  

___________________________________________________________________________

hayy naka pag update din, mahirap din palang mag isip ng mga eksena. ^_^ 

Thanks for reading 

Next chapter will be on Feb. 7, ^_^

FREUNDE SERIES 1: All This Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon