13. Revelation

12.9K 246 19
                                    

Sa lahat ng readers maraming salamat, sa mga maiingay at sa mga tahimik salamat sa pagtyagang magbasa. Bahala na kayo kung magustuhan niyo ang ending medyo namadali yata.  ENJOY READING.. ^_^

___________________________________________________________

Maganda ang gising niya ng umagang iyon dahil sa nangyari sa kanila ng Dave nang nakaraang gabi. Ramdam pa rin niya ang makirot na bahaging iyon sa pagitan ng kanyang mga hita at napangiti sa alaalang pinagsaluhan nila ng binata. Pagkatapos ng nangyari sa kanila sa loob ng library ay pinangko siya ni Dave at dinala sa kanyang silid at doon ulit naganap ang pag angkin nito sa kanya. Medyo nalungkot lamang siya na hindi magisnan ang lalaki sa tabi niya pero  inintindi na lamang niya. Pagkatapos niyang maligo ay nagtuloy siya sa kusina at naabutan niyang magka-usap si manang Tess at ang isa pa nilang kasambahay dahil nakatalikod ang mga ito sa kanya ay hindi siya nakita ng mga ito.

“Ang bait talaga ni ma’am Sheena anu manang Tess” sabi ni Letty na katulong nila.

Ay oo naman, mabait talaga yan si ma’am Sheena kaya nga yan ang first love ni Sir Dave” ani manang Tess na nag-pagimbal sa kanya.

“Talaga po? Sabagay napakaganda din naman kasi ni ma’am at mabait. Kung hindi si ma’am Shyne ang makakatuluyan ni Sir Dave ay ok na si Ma’am Sheena. Tiyak ko magiging mabuti siyang amo sa atin” sabi ni Letty.

Tumikhim naman  siya para agawin ang atensiyon ng dalawa. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang pagtanggi niya kay Dave at naiinis siya na marinig na okay lang sa mga kasambahay na makatuluyan ni Dave si Sheena. Si Dave ay para sa kanya at kanya lamang. Namutla ang katulong sa pagkakita sa kanya.

“Nasaan si Dave?” seryosong tanong niya sa dalawa.

Sandaling nagkatinginan ang dalawang katulong at alangang sumagot sa kanya si Manang Tess. “N-nasa library hija, kausap si ma’am S-Sheena”

Para namang kinurot ang puso niya sa narinig. Hindi niya dapat hayaan na maiwan si Dave kasama ang first love nito. First love na kung first love basta ang alam niya siya lang ang dapat na last love nito. Walang pwedeng umagaw kay Dave sa kanya kahit ang first love pa nito. 

Dali-dali siyang nagtungo sa library para puntahan ang dalawa. Dahil sa nakaawang ang pinto ay nakita niyang magkayakap ang mga ito sa loob. Gusto niyang umiyak at sugurin ang dalawa pero parang itinulos ang kanyang mga paa. Hindi siya makagalaw at nagsasalimbayan ang samut-saring emosyon sa kanyang dibdib. Posible kayang mahal pa rin ito ng binata? Siya pa rin ba? Hindi niya namalayan ang unti-unting pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata sa nasaksihan. But hell she have come this far para lang mag give-up. 

She was about to enter nang marinig niyang magsalita si Sheena. “Kailan mo sasabihin sa kanya ang totoo Dave? Ang tagal ko nang naghintay na sabihin mo sa kanya ang totoo. Kung hindi mo kaya ako nalang ang magsasabi” 

Shyne wanted to come inside but something is telling her not too. She stood outside the door and holding her heart since it was starting to beat so fast more than she could ever imagine. For unknown reason ay sobrang kinakabahan siya. Parang may kung anong hindi magandang mangyayari.

Dave move away from Sheena and sit on his swivel chair. They are both oblivious may tao pala sa labas at nakikinig lang sa kanila. They are so hooked up sa pinag-uusapan nila ni Sheena. He wanted to settle everything and it's frustrates him that he don't know how or where to start. He knew masasaktan niya si Shyne pag nalaman nito ang totoo. “Paanu kung hindi pa siya handa? Masasaktan siya at ayaw ko siyang saktan, at ikaw, masasaktan ka rin at alam mong ayaw kong masaktan ka na naman muli dahil mahal kita.” hirap na boses na sagot nito.

FREUNDE SERIES 1: All This Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon