6. Kiss and make up

12K 278 10
                                    

Dedicate this especially to jiouwongyea sa support. THank you sa support

_____________________________________________

“excuse us girls” si Dave sabay tayo at hinila siya palabas ng restaurant. “Aray anu ba? nasasaktan ako” reklamo niya. Bahagya namang niluwagan ng binata ang pagkakahawak sa kanya pero hindi pa rin siya binibitawan nito. Dinala siya nito sa parking area ng mall kung saan nandun ang sasakyan nito.

“Anong kalokohan na naman ang pumasok dyan sa kokote mo at sinasabi mong girlfriend kita sa harap pa ng nobya ko. Hindi mo alam kung anung gulo ang ginawa mo sa buhay ko” galit nitong sabi pagkatapos siyang marahas na maipasok sa sasakyan nito.

“Girlfriend mo ang babaeng yun?” aniya na naiiyak na. Ang sakit namang malaman na may nobya na ito.

He made a sighed “yes she is my girl. At napag usapan na natin ito nuon. Akala ko nagkakaintindihan na tayo. Hindi pwede sa atin ang nararamdaman mo para sa akin. Kung anu man yang nararamdaman mo para sa akin ay dapat mo nang kalimutan." parang hirap na hirap nitong wika sa kanya.

Tuluyan na siyang napaiyak sa sinabi nito. “Bakit sa tingin mo ba ginusto ko tong pisteng narararamdaman ko sayo? Kung maka utos ka akala mo naman ganun lang kadaling turuan ang puso." Napalunok siya at pinahiran ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya. "Mahirap ba akong mahalin Dave? Anu ba ang meron siya na wala sa akin? I will do everything for you to love me” sabi niya dito at tiningnan ang mga mata ni Dave upang ipahiwatig dito na seryoso siya pero nag-iwas naman ng tingin ang binata.

“Hindi ka mahirap mahalin, kaya lang hindi kita pwedeng mahalin ng higit pa sa gusto mong mangyari” nahihirapan niyang paliwanag. Ayaw niyang saktan ang dalaga pero kailangan niya yatang sabihin lahat ng iyun para matapos na ang kahibangan nito sa kanya.

“Dahil ayaw mo akong subukang mahalin. Why don’t you give me a chance to show you that I worth to be your girlfriend” halos pagmamakaawa niya sa binata.

Napahawak naman sa batok ang binata. “May sarili din akong buhay Shyne, nakalimutan ko na yun halos mula ng mag isa kung inasikaso ang mga negosyo ko at mga negosyo namin ng ama mo. I did everything to ensure that you will have a good life pag nasa tamang edad ka na. My life was perfect until you came to the picture” hirap na sabi ng binata.

She was stunned of what he said, all along ay panggulo lang pala siya sa buhay nito. Dobleng sakit naman yata ang naranasan niya sa isang araw lang. “Dapat pala hindi mo na ako inako kung napipilitan ka lang. Maintindihan ko naman eh” nakabalatay ang sakit sa kanyang mukha. “I’m sorry if I made your life sucks” yun lng at lumabas siya ng sasakyan at tumakbo na palayo dito.

Gusto naman sapakin ni Dave ang kanyang sarili sa sinabi niya. Hindi naman ganun ang gusto niyang sabihin dito kaya lang ganun ang lumabas na salita sa kanyang bibig. Dapat talaga ay kausapin niya ng maayos ang dalaga pag pareho na silang nasa maayos na pag iisip. Sukat sa naisip ay bumalik na lamang siya sa loob para magpaliwanag sa nobya.

Pasado alas dose na ng gabi ng dumating siya sa kaniyang bahay. Medyo nakainom pa siya dahil dumaan muna siya sa kaibigan na may ari ng bar. Napakunot ang kanyang noo ng makita si Manang Tess na naka upo sa sofa at natutulog. Naawa siya sa hitsura ng matanda dahil baka ito mangalay. Marahan niya itong tinapik sa balikat.

FREUNDE SERIES 1: All This Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon