11. Ikaw lang talaga

11.1K 220 0
                                    

ito na sa wakas nakapag update din

_________________________________________________________

Maaga siyang nagising dahil nakagawian na niya iyon simula ng magtrabaho siya sa kumpanya kung saan pag-mamay ari nila ni Dave. Kasalukuyan siyang tumatayo bilang General Operation Manager samatalang si Dave ang tumatayong CEO at President. Masasabi niyang pinaghirapan din naman niya ang pwesto niya at alam niya na kung buhay ang daddy niya ay magiging proud ito sa kanya. Siya man sa kanyang sarili ay hindi niya lubos maisip na mababago niya ang sarili at maging business minded tulad ng daddy niya. "Hay another morning and another day of work" napangiti siya at dali-daling nagtungo sa banyo para maligo.

  

Pagkatapos maligo ay nagtungo siya sa kusina para mag breakfast at naabutan niya si Dave at Sheena na nagtatawanan at masayang kumakain. Naiinis naman siya sa nakikitang eksena dahil sa tingin niya ay enjoy na enjoy ang dalawa at mukhang hindi pa talaga siya napapansin ng mga ito.

 "hija, andyan ka na pala" ani manang Tess. "Halika maupo ka na at saluhan mo na sila Sir Dave na kumain."

  

"Good morning manang Tess, buti pa ho kayo napapansin niyong nag e-exist pala ako" pasaring niya sa dalawa na agad naman nag pa diretso ng upo kay Dave. Si Sheena naman ay halatang namutla at nagulat sa kanyang sinabi.

 Dave cleared his throat. "mukhang masama yata ang gising mo Shyne"  seryoso niyang sabi.

  

Sasagot sana siya ng mag ring ang kanyang celphone "oh Albert, ang aga mo naman ata napatawag?" kausap niya sa accounting head. Nagka problema daw sila sa budget ng isang project at kelangan niya pumunta . "Sige pupunta na ako" at pinatay na ang linya sa telepono.

 "kumain ka muna bago ka umalis" kiming sabi ni Sheena. "Hindi makakabuti sayo kung palagi kang workaholic pero nakakalimutan mo alagaan ang sarili mo" concern pa nitong sabi and she hates it. Naiinis siya dito lalo dahil pakiramdam niya napaka perfect nito at masama siya dahil hindi magaganda ang naiisip niya dito pero ang babae ay nanatiling mabait sa kanya.

 "Hindi na, sasabay nalang ako kay Albert mag breakfast sa canteen. Kelangan ko maaga dun bago abutan ng traffic." Yun lng at tumalikod na siya kaya hindi niya nakita ang pagdilim ng mukha ni Dave sa inasal niya.

  

oOo___________________

Lunch time na ay subsob pa rin siya sa trabaho ng pumasok si Albert. "nagpapaka bayani ka na naman at kakalimutan mo na ang lunch mo" bungad nito sa kanya.

She gave him a warm smile, napaka thoughtful talaga nito. Dati na itong nagparamdam sa kanya pero tinapat niya ito na wala itong maasahan sa kanya kundi bilang isang kaibigan lang na malugod naman nitong tinanggap. "tatapusin ko lang ito then I' will take my lunch" sabi niya dito.

  

"pwede bang sabay na tayo hihintayin kita. Kung gusto mo tulungan na kita para matapos ka agad." nakangiting offer nito. 

 Natawa naman siya "hay naku sige na nga kumain nalang tayo nakakahiya naman sayo" biro niya dito. Akmang tatayo na siya para sumama sa binata ng bumukas naman ang kanyang pinto at pumasok sa Dave. Dumilim ang mukha nito pagkakita sa kanilang dalawa. Tumingin ito sa kanyang kamay na naka abrisyete sa binata. Para naman siyang napaso sa uri ng tingin nito kaya madali niyang tinanggal ang kamay sa braso ni Albert.

FREUNDE SERIES 1: All This Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon