Disappointed

65 6 0
                                    

“O bakit diyan ka nakaupo?”

Tanong ni Nina pagkapasok niya sa classroom. Nasa may bandang dulo na nakaupo si Milo, pero ang alam ni Nina ay kahapon sa likod ito banda nakaupo.

Nagshrug si Milo. Sasagot na sana siya, ready na ang pagbukas ng bibig ng biglang may ingay sa gitna banda.

“Arissa! Ano gusto mo sticker? Itong angel o yung demon?”

Tumaas kilay ni Nina. Anong angel at demon ang sinasabi ni Carol? Lumapit siya ng onti kay Carol at nakita na may hawak itong papel. Pagkalapit pa ay napansin niya na seat plan pala iyon.

“Yung angel na lang!” Sabi ni Arissa. Sabay naman na tumingin sa kanya si Carol habang inilalagay yung sticker ng angel sa pwesto kung saan niya inilagay si Arissa.

“Ikaw Nina angel o demon?” Bago pa sumagot si Nina, nagsalita na ulit si Carol. “Naubos na pala stickr ng demon! Angel ka na talaga Nina!” Nakangiting sagot ni Carol. Inilapat niya ang isa pang sticker ng angel sa pwesto ni Nina.

Linapit pa ni Nina ang mga mata sa papel na hawak hawak ni Carol. Sa gitna siya banda nakaupo. Sa may 4th row at katabi niya si Albert. Sa likod niya nakaupo si Milo at sa tabi naman ni Milo ay nakaupo si Arissa. Mabilis ngayon ah. 2nd day pa lang ng school ay may seat plan na sila. Dala dala ang kanyang bag, dumeretso na si Nina sa kanyang upuan. Wala pa si Albert pero si Arissa saka si Milo nakaupo na sa likod niya.

“Ang bilis gumalaw ni Carol ah.” Comment niya. “Nakagawa na kaagad siya ng seat plan natin.”

“Excited eh.” Parang natatawa at naiinis na sabi ni Milo.

Parehong tumingin si Carol at si Arissa sa lalaki. Unang nagsalita si Arissa. “Bakit mo naman nasabi na excited?”

“Tingnan niyo yung seat plan…” saad ni Milo.

Dahan dahan naman na tumayo si Arissa habang nakatingin si Nina. Hiniram ng nauna ang seat plan sa masayang si Carol. Pagkabalik ni Arissa, tatlo silang tumingin sa pirasong papel na iyon.

Wala naman makita si Nina na ikakaexcite ni Carol hangga’t sa mapatingin siya sa may taas banda ng seat plan. Si Carol ay nakadestino sa harap, sa tapat ng teacher’s table, at katabi niya si Desmond.

“Ayan, itinabi ang sarili kay Desmond.” Sabi ni Milo. Napailing na lamang ito at saka umaayos ng upo, salumbabang tiningnan ang telepono niya.

Tiningnan ni Nina ang reaksyon ni Arissa at nakitang parang natatawa ito.

“O bakit?” Napapngiti din niyang tanong.

Tinakpan ni Arissa ang bibig at patuloy na tumawa ng tahimik bago muling nagsalita. “Si Carol kasi eh. Halata tuloy na crush na crush niya si Desmond. Eh kahapon lang naman niya talaga ito nakilala.”

Nina doubted na nakausap nang masinsinan ni Carol si Desmond. Mailap kasi ang nahuli pero alam naman niya na kapag nagging comfortable na ito, madali na din kausapin. Nagiingay pa rin ang classroom ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Desmond. Halatang naguluhan din ito dahil nakita niya na may sari-sariling upuan na ang mga tao. His eyebrows furrowed. “May seating arrangement na ba?” Tanong niya kay Carmela na nasa may harap.

Nakakaintriga na nginitian siya ni Carmela. “Hulaan mo kung sino katabi mo…”

Desmond chuckled. “Bakit, sino katabi ko… si Nina?”

Umikot ang mata ni Nina pero hindi niya ito pinakita. Kaagad naman natawa ang tropa ni Carol. “Kawawa ka naman Carol, si Nina kaagad inisip ni Desmond o!”

Kung pwede lang magpapalamon na si Nina sa lupa. Grabe nakakahiya kay Carol! She tried hiding herself, yumuko ang ulo niya at kunwari ay may tinetext siya.

It Has Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon