“Nina, yung kapatid mo ah…”
“Mama naman Malaki na ako eh…”
Naiiling na lang at natatawa si Nina sa kapatid niya. Grade 3 na si Charlie kaya feel na feel na rin nito ang pagka big boy niya. Kasalukuyang nasa mall sila ngayon. Every Saturday mag ma-mall sila, mag go-grocery ang parents nila tapos maglilibot naman si Nina saka si Charlie.
“O Nins, panigurado sa Kfc nanaman kayo.” Sabi ni Mrs. Corpuz. Binigyan niya ng 500 pesos ang panganay niya bago hinalikan ang cheeks ni Charlie. Nag pa-park pa sa labas si Mr. Corpuz kaya nauna na sa loob ng grocery ang mother dearest nila.
“Ano Charlie? Sa Kfc?” Tanong ni Nina habang nginingitian ang kapatid niya.
“Sa iba naman ate!” Ngiti ni Charlie. Sa wakas, nagsawa na din sa Kfc. Pero aminado si Nina na kahit ilang beses pa sila kumain sa Kfc okay lang sa kanya.
“Sige, san mo gusto?” Tanong ni Nina habang naglalakad sila.
Hindi kaagad nakapili si Charlie, masyado pa nito pinagmamasdan ang mga restaurant sa paligid. Sa toto lang nagugutom na si Nina kaso siyempre hihintaynin niya kung saan gusto kumain ni Charlie kesa naman dalhin ito sa lugar na hindi ito kakain.
Hawak hawak niya ang kamay ni Charlie habang naglalakad sila. Ang cute cute talaga ng bata na ito, panigurado kapag lumaki heart breaker. Ang puti puti kasi, ang chubby pa ng cheeks. Sarap pisilin.
“Aray ate!”
“Ay sorry.” Natatawang sabi ni Nina. “Ang cute cute mo kasi!” Kaka isip, ayun nga, nakurot niya cheeks ni Charlie. Sumimangot naman ang bata na mas lalo nagpa cute dito.
“O ano na? saan tayo kakain?”
“Doon ate!”
Napatingin naman si Nina kung saan nakaturo si Charlie at nakita na gusto nito kumain sa Delifrance.
Sosyal ng batang ito ah…
Pero okay lang, di naman niya pera yung gagamitin eh. “Okay sige tara.” Hinigpitan pa ng kaunti ni Nina ang hawak sa kapatid habang palakad sila sa tinuro ng bata. Mahirap na… masyado marami ang bali-balita sa nawawalang mga bata.
“Hawak ka lang muna kay ate ha?” sabi ni Nina sa kapatid habang tinitingnan ang menu.
Sumunod naman si Charlie at mahigpit ang kapit sa kamay ni Nina. At dahil alam na alam ang panglasa ng kapatid, inorder ni Nina ang isang lasagna para dito at siya naman ay baked macaroni.
Nang maka-order, umupo sila sa isang booth, medyo malayo sa entrance. Binunot ni Nina sa loob ng bag niya ang PSP ni Charlie para hindi ma-bore ang bata habang naghihintay.
Sakto naman na may nagtext sa kanya kaya binuksan niya kaagad phone niya. Si Saffi.
Girl! Punta ako sa inyo? Bored ako eh… L - S
Natawa ng kaunti si Nina at sumagot.
Sorry Saff, diba Saturday? Nasa mall kami ngayon eh, grocery sila mama…-N
Hinid pa nakakisang mintuo ang pagsend niya ng may sumagot na kaagad.
Oo nga pala! Sayang, baka si Emma pwede, kasama niyo si Charlie no? Ui ireserve mo siya sa akin ah, paglaki niya liligawan ko :P –S
At natawa nanaman si Nina.
“Bakit Ate?” Napatingin sa kanya si Charlie, pinause ang paglalaro ng Tekken.
Tuminign naman siya sa kapatid saka umiling. “Wala baby, nasisiraan lang ng bait si Ate Saffi mo.”
Ngumiti naman si Charlie saka nag shrug bago tinuloy ang paglaro ng PSP.
