Then and Now

95 4 0
                                    

Feeling ni Nina masusuka siya. It’s been what? 2 years. Alam niya na nakatingin sa kanya si Desmond pero hindi niya kaya ibalik ang tingin nito.

“Saan ka uupo papa Desmond?” Tanong ni Ronnie. Buti na lang talaga nandito ito. Medyo hindi kasi alam ni Nina ang gagawin.

“Ah, sige dito na lang ako.” Inilagay ni Desmond ang kanyang bag sa may upuan sakto sa harap ni Nina. Umupo na siya at halatang medyo tense ang posture nito.

Inangat ni Nina ang kanyang muhka at nakitang nakatingin sa kanya si Milo. Muhkang tio ang sinasabi ng lalaki kanina. Tinanatanong nito kung alam ba niya na babalik na si Desmond. Wala pa naman ang adviser nila diba?

“CR lang muna ako…” Tumayo si Nina at naglaklad palabas ng classroom. Medyo weird kasi nga naman hinid siya nagpasama sa mga kaibigan at kakaCR lang nila 5 minutes ago. Pero kelangan niya umalis. Nawawalan siya ng hiniga sa loob ng classroom na iyon. Umikot siya papuntang backstairs. Kahit alam niya hindi pwede doon siya sa may ikalimang na baitang umupo. Alam niyia na wala masyado dadaan doon. Sa pagiisip ay bumalik siya sa panahon, dalawang taon na ang nakakaraan.

“Nina kamusta kayo diyan?”

Inangat ni Nina ang kanyang ulo sa paggawa ng paper mache na lantern. Panahon nanaman ng integrated project. President nila si Jane at chinecheck nito ang grupo nila.

“Papatuyuin na lang naming tapos pwede na ipaint.” Sagot ni Nina.

“Ah sige sige, kailangan matapos na natin lahat ngayon para bukas set-up na lang.” Umalis na si Jane, nagiwan ng ngiti.

Patuloy si Nina sa pagdikit ng tissue sa lantern, kasabay na din ng pagblow para madali ito tumuyo. Nang sure na siya na pwede na ito pabayaan, inangat niya ito at linagay sa isang upuan. Magulo pa rin ang classroom, yung iba ang rami pa rin ginagawa. Ayaw naman niya gambalain ang mga kaibigan na nagpapractice ng sayaw sa labas. Umupo siya sa isang upuan at pinagmasdan ang mga kaklase. Gulat lang niya gn biglang may umupo sa tabi niya.

“Tapos ka na gumawa?”

Natawa siya. Si Desmond lang pala. “Oo pinapatuyo ko na lang.”

“Buti pa kayo sa crafts lang.” Sabi Ni Desmond. Inikot nya ang nangangalay na braso. “Ang hirap iangat yung mga pole.”  Sa pag gawa ng fake na temple kasi ang trabaho nito.

“Sus, kayang kaya niyo naman yun.” Natatawang sagot ni Nina. Pagtingin niya nakatitig sa kanya si Desmond. “Oh, bakit?”

“H-ha? Hindi wala. Tara kain tayo.” Pagiwas ng lalaki.

Tumingin tingin si Nina sa classroom. Total wala naman sila klase dahil nga nagpeprepare para sa project, pumayag siya. “Sige tara…”

Ang mahirap lang kapag malaki ang school e sobrang layo ng mga building sa isa’t isa. Dadaan pa sa walkway hanggang canteen galling sa classroom nila.

“Yiiii! E bakit ang sweet ni Desmond saka ni Nina?” Napatingin silang dalawa at nakita ang mga classmate nilang nagpapraktis ng sayaw na kinakantyawan sila. Napailing na lang si Nina at natawa habang nahihiyang umiwas ng tingin si Desmond. Ganito talag ito eh, parang kinder pa lang sila mahiyain na ang lalaki. Pero sabi nila, over-all daw ito. Over-all kasi gwapo, matalino, magaling pa magbasketball. Ayun nga lang, tahimik ito kaya minsan akala nila masungit.

Favorite nila pareho ang clamares sa canteen kaya deretso na sila sa pwesto na iyon.

“Of course calamares?” Sabi ni Ate Lara, isa sa mga nagbebenta sa canteen pagkakita niya kay Desmond at kay Nina.

It Has Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon