Maaga pa. Hindi sa nerd siya or anything like that pero laging maaga pumasok si Nina. 1st day kaya! Sure siya na mas maraming mas maaga sa kanya. Malaki and Bridgeside school. At literal yung pangalan. Naka-situate ang grounds sa tabi ng isang malaking bridge na pa-cross sa tollgate bago mag highway. Maganda ang school, aminado si Nina. Sa totoo lang, Senior Kinder pa lang ay doon na siya nagaaral. Isang taon na lang at kakaway paalis na siya sa eskwelahan na kinalakihan niya. Grabe senior na siya! Parang kelan lang e takot na takot siya pumasok sa school nung bata pa siya. Ngayon, magisa na siyang naglalakad papunta ng classroom. Ang malas nga lang naman oo. Ang naasign na room sa kanila e yung nasa pinakadulong room. Sa pacorner nung building kasi yung room, ayun, di man lang nila makita ang araw.
“Nina!”
“Oof!” Parang nawala lahat ng hangin sa baga ni Nina. Pagikot niya nakita niya ang best friend niya, si Safiya. Kahit si Safiya alam niya na ayaw ang pangalan kaya mas gusto nito na tawag sa kanya ay Saffi.
“Uy, Saffi!” Bati ni Nina. “Akala ko malelate ka?”
“Ako? Kelan naman ako nalate!” Tawa ni Saffi. Dala ang kanilang mga bag na muhkang ang laman ay kwarto, dumeretso sila papuntang classroom.
Tatlong ways ang pwede nila daanan kapag papunta ng kanilang bagong room. Kapag gusto nila magpagod, paspasok sa Building 2, aakyat sa 3rd floor tapos magcocross papuntang Building 3. Ang pangalawa naman, punta ng building 3, gamitin ang back stairs para deretso na sa classroom. At 3rd, pasok ng building 3 pero dederetso pa papuntang front stairs tapos lalakad nanaman pabalik papunta sa classroom. Syempre ang pipiliin nila yung 2nd choice diba? Pinakamaikli saka pinakamabilis. Problema lang, bawal daw gamitin ang backstairs kasi banda sa may faculty nay un kaya nakakaabala daw. Ano ba naman yun! Kaya minsan tumatakas sila pero kapag alam nila na may nakabantay, edi dun na lang sila sa 1st choice.
Ngayong first day, mas pinili nga nila ang 1st choice, at least madadaanan din nila ang iba pang classroom.
Sabin a nga ba ni Nina eh. Ang rami na estudyante. 1st day lang yon alam niya. Kapag nagtagal, paramihan na ng late.
“Nina!!”
Nagulat si Nina at Saffi ng makita nila ang paparating ng ipo-ipo. Ang ipo-ipo na ang pangalan ay Emma. Maliit ang kaibigan nilang ito, pero dahil doon, bumawi naman sa pagiging hyper.
“Grabe! 4 years! 4 years tayo nagging magclassmate sa highschool!” Isinigaw ni Emma sa buong corridor.
Sanay na naman ang tao dito.
“Ano ka ba Emma…” Natatawang bulong ni Nina. “Siyempre magiging magkaklase tayong tatlo e diba nga narerequest ni Saffi kay Mr. Gonzaga?”
Tito kasi ni Saffi ang Religion teacher at dahil doon, may power ito na ipagsama silang tatlo tuwing nagse-sectioning na ang mga guro.
“Alam ko yon.” Umikot ang mata ni Emma. “Excited lang ako. Pero nalulungkot din, kasi kapag naggraduate tayo, di na tayo magkakasama…”
“Ito naman! Graduation kaagad iniisip! Hinay lang! 1st day pa lang ng school no.” sambit ni Saffi.
Nagngitian silang tatlo bago pumasok ng room nila na tinatawag na Babuyan Islands. Hindi dahil sa puro baboy sila o kung ano man, pero dahil, sobrang layo na nga nito sa sibilisasyon.
“Uy sila Nina!”
Narining ng tatlo ang boses at nakita ang kabatch nilang si Arisa. Kilala ang nahuli sa batch, kasi nga naman, ang galing magpiano, siya ang nagp-piano tuwing may mass sa school.
“Uy Arisa! Classmate ka nga din pala namin!” Sigaw ulit ni Emma.
“Kaya nga e! masaya ito!” Sagot ni Arisa. Hindi siya magisa, nakaupo sa tabi niya ang kanilang baby of the classroom, si Milo. Baby hindi dahil sa siya pinakabata, mas bata pa nga si Arisa kaso babyface talaga ang muhka ni Milo. Maputi pa saka makinis ang lalaki, parang bata talaga.
“Tara na Arisa, salubungin na natin si Ronnie sa baba!” Aya ni Milo.
Nangangalam na nagkatinginan sila Nina at ang kanyang dalawang kabigan. Sa batch, kilala na magkakaibgang tunay sila Arisa, Milo at si Ronnie, ang boses ng batch. Oo boses, dahil kung maingay si Emma, mas maingay pa si Ronnie.
“Oo na! hot na hot naman ito!” Biro ni Arisa bago nagbbye si Milo kayla Nina at hinila siya ng lalaki palayo.
Kaso, bago mawala sa paningin, sumilip ulit si Milo at tumingin kay Nina. “Ui Nina, alam mo na ba?”
“Ha? Ang alin?” Nalilitong tanong ni Nina. May dapat na ba siyang alam? Agad agad? First day?
“Ah di pa pala…. Sige bye!” At sa isang iglap, nawala na ulit si Milo.
Tumingin si Nina sa mga kaibigan. “Anu yun?”
Pero pareho din na walang alam ang dalawa.
Pumili na sila ng magkakatabing upuan sa may gitna banda. May iba pa silang kaklase na nagsisipasok sa room. Muhkang wala pa ang teacher, ang kanilang magiging adviser para sa buong taon.
“Girls, CR muna tayo…” Alok ni Nina. Ewan niya pero, bakit parang tama ang sinasabi ng tao na kelangan magCR ng mga babae together?
Mahaba haba nanaman ang lakad. Deretso ng apat na room ang layo tapos kakanan papunta ng CR.
Kung sino sino ang nakikita nila Nina paglakad nila sa corridor, may mga taong kakilala nila at mga dati pa niya nakikita ang muhka pero di pa niya nagiging kaklase.
Pakanan na sana sila sa may CR ng may makita si Nina sa 1st floor sa kabilang building, Nasa 3rd nga naman sila kaya kitang kita niya. Hindi ba’t…
“Nina diba magc-CR ka?”
Napataas ulit ng tingin si Nina at nakitang nakatingin sa kanya sila Emma at Saffi, nasa bandang CR na ang mga ito at siya naman tumigil sa paglalakad.
Tumingin ulit siya sa baba pero wala na ang ilusyon na nakikita niya kanina. 1st day jitters lang ito. Saka bakit naman niya iisip siya. E umalis na nga ito sa buhay niya diba?
“Ah sige tara na.”
The usual ang ginawa ng mga dalaga, answering nature’s call then fix themselves up before returning to their classroom.
Bago pa sila makadating sa pinto e naririnig na nila ang boses ni Ronnie.
“Milo! Ang cute mo talaga!”
Tumawa sila Nina ng makita si Ronnie na kinukurot ang pisngi ni Milo habang tumatawa sa gilid si Arisa.
“Nina! Saffi! Emma!” Linahat na ni Ronnie ang pagbati ng makita sila.
Ngumiti ang tatlong magkakaibigan bago umupo si Nina at sakto naman na nasa likod nila nakaupo sila Ronnie.
Bumulong, well, di actually bulong kasi rinig naman, si Ronnie kay Arisa. “Mananalo na tayo ng prom queen! Nandito si Nina!”
Natawa si Nina at hinarap ang kaibigan. “Ako? Prom queen?”
“Oo ano k aba!” Sabi ni Ronnie, with matching hampas pa sa desk niya. “Sa gandang mong yan di ka mananalo? Saka diba yung mga demure ang nanalo? Siyempre di ako mananalo diyan.” Biro ni Ronnie sabay pababa ng boses. Medyo boyish nga ito pero alam naman ng lahat na mas bakla pa ito sa bakla.
Ngumiti na lang ulit si Nina bago humarap ulit. Kaso, sabay sa pagharap niya, bumukas ang pinto ng classroom. At kasabay din nito, ang pagbati ni Ronnie. “Uy! Papa Desmond! You’re back! Okay! Alam na natin na may prom king na din ang 4th year – section 1!”
Sa pangalawang pagkakataon ng araw na iyon, nawala nanaman ang hangin sa baga ni Nina. Nakatayo sa harap niya, ang taong akala niya hindi na niya makikita ulit; si Desmond.
