“Wala nanaman si Mrs. Muncal?”
“Ha?” Napatingin si Nina kay Ronnie. “Panong wala?” Third to the last subject nila ang trigo at isa sa paborito niyang guro si Mrs. Muncal, bukod kasi sa magaling, hindi ito yung O.A. na teacher na masyado seryoso, sakto lang, minsan masayahin, minsan hindi.
“Galing kasi ako sa faculty.” Pagsimula ni Ronnnie. Nakatay ito sa tabi ni Nina habang nakaupo naman ang huli. “Hinabol ko yung mga quiz na pinacheck sa akin ni Mr. Ladub tapos nabanggit niya sa akin na masama daw pakiramdam ni Mrs. Muncal kaya wala muna siya.”
“Ay ganun?” Sambit ni Nina. “Sana makapahinga na siya.”
“Nako, ako gusto ko si Mrs. Muncal pero gusto ko muna magpahinga.” Nakakpagod naman talaga ang senior life, not as hard as junior life but still. “Kaya sige magstay muna siya sa bahay para lahat tayo makapahinga din.”
Natawa na lang si Nina nang hanapin ni Ronnie si Arissa. “Sa!” Tawag niya, shortened pa ang name ng kaibigan. “Tara kunin natin yung seatwork!”
“Saan? Hindi ba dapat si Patrick yung kumuha?” Tanong ni Arissa.
“Eh hayaan mo na! Busy pa! Naglalaro ng PVZ!” Sagot ni Ronnie. Napatingin sila lahat kay Patrick na naglalaro nga sa laptop na dala niya. Okay lang naman sa kanila lahat gumalawa, president nga si Patrick pero hindi ibig sabihin non na kelangan lahati siya gumawa.
“Sige na nga!” Natatawa din na sagot ni Arissa. Umalis na ito kasama si Ronnie.
Naiwan si Nina na nakaupo magisa. Lahat kasi busy. Si Saffi masyado engrossed sa binabasang libro, fantasy romance as usual. Si Emma kausap yung iba nilang classmate, tapos si Milo pinaglalaruan ang bagong phone niya.
Pagangat niya ng ulo, bumukas yung front door. Pumasok si Desmond kasama si Carol at ang tropa nito.
Sa dalawang buwan na nagsimula ang school year naging close ito si Desmond kay Carol at considered na tropa na din sila nito.
Inilayo niya ang tingin habang umupo ang mga ito sa sahig, nakasandal sa dingding. Sa gilid ng mata niya, nakita niya ang pagdaldal ni Carol habang patango tango naman si Desmond. Bumungisngis siya sa sarili. Sa totoo kasi, ang aloof talaga ni Desmond, minsan lang ito mapangiti ng ganun ganun na lang eh.
Naalala niya na may seat work pala. Kinuha niya yung math book niya. Siguro naman galing sa libro yung ipapaseatwork ni Mrs. Muncal. Dineretso niya ang page sa topic nila; Trigonometric functions. Oh joy. Mas magaling kasi siya sa Physics, favorite subject niya yun ngayong 4th year. Tapos na kasi History nung third year, kung meron pa non edi yung yung favorite subject niya.
“I have the seatwork!”
Biglaang pasok ni Ronnie habang winawagayway ang isang puting papel.
Tumayo na din si Patrick at ngumiti kay Ronnie. “Thanks girl!!” Siya na mismo ang nagsulat, medyo nahiya din at sila Ronnie pa ang kumuha.
Tama si Nina, nasa book ang seatwork. Sisimulan na sana niya yung seatwork kaso biglang sinulat ni Patrick sa baba; Do the activity with a partner.
Ay, kailangan pa talaga ng partner? ‘Ba yun… Humarap kaagad si Nina para hanapin si Saffi pero laking gulat niya ng makita niya si Desmond sa harap niya. Medyo nagulat din si Desmond sa biglaan niyang pagharap pero nakasalita din kaagad ito. “Ah… Nins, partner tayo.”
Wow, wala ako choice? Gusto sana umayaw ni Nina, idadahilan niya sana na sila ni Saffi ang magiging magpartner pero nang tingnan niya ang kaibigan, kasama na nito si Emma sa isang tabi at parehong nakangiti sa kanya, nag thumbs up pa si Emma. Tarydor talaga yung dalawang yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/6177152-288-k853025.jpg)