“Sa tingin mo ano gagawin natin?”
Napalingon si Nina sa sinabi ni Saffi. Alas tres na kasi ng hapon, activity period na nila. 1st year pa lang naimplement na ito, para naman daw hindi lang puro pagaaral ang gawin nila at makaranas sila ng fun. Pero kung si Nina tatanungin, sana wala na iyang activity period na yan. Edi sana instead of 4 ang uwi, saktong 3 na ang uwi nila, nakapagpahinga pa siya sa bahay.
“Siguro election, di kasi natin nagawa kaninag homeroom.”
“Class, election tayo ngayon…”
Tumingin si Saffi sa kaibigan. “Grabe Nins, bilib na talaga ako sayo.”
Natawa lang si Nina bago umupo sila ni Saffi at sinimulan na ni Mrs. Torrega ang page-elect.
“Class, wala munang joke joke ah. Kung sino sa tingin niyo ang dapat na president aba ay innominate niyo na.”
Hindi pa tapos ang sentence ni Mrs. Torrega ay nasa ere na ang kamay ni Ronnie.
“Ms, I nominate Patrick Relloso for president.”
Tumingin lahat sa kanilang kaklase. Nagblush naman si Patrick at nakakalokong ngumiti sa kanila. Openly gay si Patrick at alam ng buong batch iyon kahit nung grade 3 pa lang sila.
“Nako Ms, I accept the nomination.” May sass na pagsabi ni Patrick na ikiniatawa naman ng iba.
Ngumiti si Mrs. Torrega. “Sige, may iba pa bang nominations?”
Tuloy tuloy na ang pagnominate nila ng mga officers para sa class election. Tuwang tuwa si Nina. Simula kasi first year ay nagkakaroon siya ng posisyon sa klase pero muhkang ngayon ay wala.
“Next, nomination ng discipline representative…” Announce ni Patrick. Since siya ang nanalong president, siya na ang namahala sa eleksyon.
Naglalaro ng Candy Crush si Nina ng mapapitlag siya sa narinig.
“Patrick, I nominate Nina for female discipline representative.”
Lumaki ang mata ni Nina ng makita na nagtaas ng kamay si Arisa at ninominate siya.
“Ha?!”
“Okay, another nomination please?” Patrick said sweetly.
“I nominate Ronnie!” Kaagad na sabi ni Nina. Nako ayaw niya talaga magka posisyon ngayon.
“Naman! Iboto niyo si Nina wag ako!” Sabi ni Ronnie.
Pero sa dulo ang nanalo ay si….
“Naman… why me?” Hinga ni Nina. Nung second year sila, siya din ang discipline representative ng class.
“Okay! Sino naman ang male discipline representative natin?” Sabi ni Patrick pagkasulat ng secretary nilang si Carol sa blackboard.
“I nominate Desmond!” Napatingin lahat kay Milo. Minsan lang ito magsalita.
Grabe, kung nakakapatay lang ang tingin, nangisay na sa spot si Milo. Matalim ang pagkatingin ni Nina sa kaibigan pero kunwari ay walang nakikita si Milo at nakangiti pa rin habang isinusulat ni Carol ang pangalan ni Desmond.
Halatang ayasw din ni Desmond dahil balisa ito sa upuan pero hindi nagsasalita.
“Other nominations?”
“Nominate niyo ako pero si Desmond iboto nyo!” Sigaw ni Andrew.
Paguuntugin na talaga ni Nina ang ulo ng mga kaibigan niya eh. Hayup. Pagtutulungan pa ata sila ni Desmond.
“Iboboto ko si Desmond kasi gwapo siya!” Sabi ni Patrick.
Napailing na lang si Mrs. Torrega pero halatang natatawa sa mga pangyayari. Ang kapalaran nga naman. Siyempre ang nanalo ay si Desmond.
