Wiruyi’s POV
Ilang araw na rin ang lumipas na tinuturuan ko si unggoy. Ang hirap niyang umintindi, nakakakulo ng dugo, kaya nabubugbog eh.
F l a s h b a c k
"What about... 'I look like a poop' ?" ngali-ngali ko talagang sapakin 'tong katabi ko eh. Kung anu-ano sinasabi. She's ugly as f*ck daw sabi niya kanina, eh paano ko tatagalugin yun? Tapos Assholes are great daw, langya. Mahusay ang mga butas ng pwet? ganun? tapos ngayon... I look like a poop naman. -_-
"Mukha akong tae." hmm... parang may mali sa sinabi ko. :/
Bigla siyang tumawa ng malakas. -_- At tsaka ko lang nagets. Hutaena.
"Tss. Masasampal talaga kita eh!" tinignan ko siya ng masama pero lalo lang lumakas yung tawa niya, kaya tinotoo ko, sinampal ko. Magdusa siya.
"Aw." humawak siya sa pisngi niya.
"But... you're cute... mukha ikaw tae. Hahaha!" banat niya ulit tas tumawa na naman siya ng wagas. Hindi ako nakapagpigil at hinampas-hampas ko sya kung saan-saang parte lang ng katawan nya. WAAHHH Nakakagigil!
End of Flashback
*KRIIIIIIINNGGG!*
Lunch break na.
“Hey Sadako. Let’s go to the canteen.” inaaya ako ni Franky sa canteen? Aba aba...
“Bakit? Este... Why?” tanong ko.
“I’m going treat you for teaching me. Magan-da kong kaybigan.” tapos ngumiti siya. Wow! May natutunan na siya saken. Nakakatats. :'(
“Yes! Salamat!” sabi ko. Alam na niya yung word na SALAMAT at thank you na iisa lang kaya kinuha nya na ang kamay ko at hinila ako. -_- Kaya kong maglakad mag-isa... pero... Hayaan ko na nga! Baka hindi pa matuloy yung libre ko eh.
Sa Canteen
“What do you want to eat?”
.> Bakit nakatingin ang mga tao sa pwesto namin ni Clinton.
“Sadako what do you want to eat? I’m going to order.”
>.> .>
“Wi-Wiruyi, I’m going to order what do you like?”
Bakit may nagbubulungan? At yung iba parang naka-megaphone pa... yung totoo, bulong ba yan o naglolokohan tayo dito?
“uy. Ayun ba yung transferee sa III- Aquamarine? Yung American? Ang gwapo pala talaga. Pero may kasama sya oh.”
“Tingnan mo oh, ayun yung sinasabi kong gwapo! iieee”
“Bat may kasamang inggrata?”
“Sadako... “
Ako ba yung INGGRATA!? Naghahanap ba yung hipon na yun ng away!? Hipon!
Bigla nalang pinindot ni Clinton ang magkabilang pisngi ko at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. . o_o
“What?” tanong ko. O.O
“I’m asking you want do you want me to order? You just keep on looking around.” sabi ni Clinton ng nakasimangot. Hahahahaha. Mukha yan.
“Sorry." nag-grin ako. "I want burger, pizza, french fries, ice cream and—“
“Enough.” Binitawan na niya ang pisngi ko at tumayo... -_- ang daya, hindi pa ko tapos eh.