Wattpad Original
Mayroong 14 pang mga libreng parte

Prologue

317K 5K 160
                                    

"Psst!" tawag ni Leandrei sa mga ka-triplets na sina Vander at Vance.

"Ano na namang kayabangan 'yan?" tanong naman ni Vander nang makalapit ang mga ito. Nasa loob sila ng family house ng Mommy nila sa probinsya. Paminsan-minsan ay nagbabakasyon sila sa probinsiya para makasama rin ang mga pinsan.

"Nakikita ninyo yung anak ni Ate Mona?" turo nito sa dalagitang nakaupo sa garden at nakatunghay sa phone nito.

"Siyempre, anong tingin mo sa amin, bulag?" inis namang tugon ni Vance. Natawa siya sa sagot ng kapatid. Paminsan-minsan lang ito magsalita pero laging nambabasag ng trip.

"Ipapakita ko 'tong abs ko. Tingnan ninyo mahihimatay 'yan."

"Gago!" Binatukan ito ng ka-triplet na si Vander.

"Mas gago ka! Ba't mo ako binatukan?" Inundayan niya ng suntok ang kapatid pero mabilis naman itong umilag at natatawang lumayo.

"Yabang mo wala ka namang abs," Vander said laughing.

"Ito ba, hindi?" Itinaas nito ang shirt at ipinagduldulan sa kapatid. Natatawa namang sinuntok ng kapatid ang sinasabi nitong abs.

"Tigilan n'yo siya. Kawawa naman," saway ni Vance sa dalawa.

"Hindi 'yan kawawa. Tingnan mo nga mukhang amasona!" Leandrei said laughing.

"Anak 'yan ni Manang Mona. Isusumbong ko kayo kay mommy kapag ginawan ninyo ng kalokohan."

"Ito naman basag trip. As if naman kapatol-patol 'yang mukhang 'yan," Leandrei answered looking at the young lass.

"Yung buhok parang lumang wiring na buhol-buhol," he added.

May kaitiman kasi ito at sabog ang alon-along buhok. Palibhasa ay hindi marunong mag-ayos. Basta na lamang nitong inilulugay ang buhok at hindi man lang itinatali.

The Empire Series 2: Von Leandrei PlayfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon