Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

2) Ang Pagtatagpo

262K 4.6K 151
                                    

May mga pangyayaring pakiramdam natin ay nakahihiya sa ibang tao pero lingid sa ating kaalaman ay nahihiya din pala sila sa atin. Patas lang.


Kabado si Janica habang hinihintay si Vander at ang anak nito. Ayaw sana kasi niyang tumuloy sa bahay ng ninang Lianna niya. Ang hiningi lang naman niyang tulong ay makapag-trabaho siya ng halfday para may pagkakitaan pa rin habang nagre-review. Hapon lang naman ang schedule ng review niya para sa bar. Hindi kasi siya puwedeng tumambay ng kahit isang buwan lang dahil sa dalawang kapatid na pinag-aaral sa probinsya.

Kaya nga kanina nang nasa harap siya ng mansion ng ninang niya ay ayaw niyang pumindot sa buzzer dahil nahihiya siya. Mas lalo siyang nahiya nang may pumasok na magarang kotse at binusinahan siya. Baka isa iyon sa mga anak ng ninang niya pero ni hindi man lang siya nakilala. Mas lalo tuloy siyang nahiya na doon makitira.

Napangiti siya nang alanganin nang pumasok sa loob ng fastfood ang mag-ama. Wala siyang eksaktong pupuntahan kanina kaya noong makakita ng fastfood chain ay nagpahinto na lamang siya mula sa sinakyang taxi. Gutom na rin kasi siya at alam niyang ito lang ang affordable at masarap na puwede niyang kainan.

"Vander," bati niya sa lalaki nang makalapit sa kinaroroonan niya. Napatingin ito sa pinagkainan niya. Bahagya siyang pinamulahan. Madami kasi siyang kinain dahil gutom na gutom siya mula sa pitong oras na biyahe sa bus.

"Pinapasundo ka ni Mommy," saad nito. Tumango siya at ngumiti ng tipid. Bigla na naman siyang tinablan ng hiya. Kahit pa laging nagbabakasyon ang mga ito noon at nakakausap niya rin paminsan-minsan ay nahihiya pa rin siya. Caretaker kasi ang mga magulang niya sa family house ng Mommy nila sa probinsiya. Kung tutuusin ay amo nila ang mga ito.

"Desiry? Ikaw ba yung kausap ko kanina?" baling na lamang niya sa bata.

"Opo. Hindi po siya--" tumigil ito sa pagsasalita nang pisilin ito sa batok ng ama na agad nitong ikinatawa.

"Tara na?" baling ni Vander sa kanya. Ang guwapo talaga nito. Sayang lang maaga itong nag-asawa. Haha! Asa naman siya. Kahit wala itong asawa, nunca na papatulan siya nito o ng kahit na sino sa mga kapatid nito.

Napatango na lamang siya at tumayo.

"Daddy, wait lang bili muna tayo ng halo-halo ice cream, mukhang masarap," pigil ni Desiry sa ama habang nakatingin sa poster na nakadikit sa glasswall.

"Des, wala akong cash," tugon naman nito sa bata. Iba talaga kapag mayaman. Hindi nagdadala ng cash. Atm, debit at credit cards ang labanan.

"Ito na lang oh." Iniabot niya ang 100 peso bill. Fifty pesos lang naman kasi ang halo-halo ice cream, alangan na gagamit pa ng credit card. Desiry stared at the money.

"I'll pay it back," Vander said. Saka lang naman ito kinuha ng bata.

They both sat down and looked at Desiry. Medyo mahaba-haba ang pila.

Tahimik lang siya. Nahihiya kasi siyang magsalita.

"Hindi kita nakilala. Iba na kasi 'yang buhok mo," umpisa nito sa usapan. Hindi niya alam kung mapapahiya siya o kung ano man. Pakiramdam niya kasi ay may bahid ng sarkasmo ang pagkakasabi nito pero ayaw niyang magdamdam sa simpleng salita lang.

"Pangit kasi dati ang buhok ko 'no?" natatawa niyang saad. Ginawa na lamang niyang biro ang sinabi nito. Napatawa naman ang kaharap. Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon. Sumikdo kasi ang puso niya sa pagngiti nito.

Hindi dapat.

Bukod sa may asawa at mga anak na ito, imposibleng magugustuhan siya nito. Hinding-hindi siya papasa sa pamantayan ng magkakapatid.

The Empire Series 2: Von Leandrei PlayfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon