Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

14) Straightforward

215K 5.8K 1K
                                    

Kapag dumating ang mga hindi inaasahan kadalasan ayaw pa nating paniwalaan.



Hindi nagpakita si Leandrei nang Sunday lunch date ng pamilya. Hindi niya rin ito nakita kaninang breakfast.

Ang huling pagkakita ni Janica rito ay noong umuwi sila ng hapon ng Saturday pagkagaling sa mall. Wala na ito ng dinner time.

"Akala ko sa airlines ka na papasok ngayong lunes," bungad sa kanya ni Leandrei pagpasok ng opisina. Nakaupo na siya sa puwesto niya at nakatunghay sa netbook niya. Napakunot-noo siya pero napangiti rin nang maalalang baka narinig nito ang sinabi ni Liam noong biyernes ng gabi.

"Okay pa naman ako rito," nakangiti niyang tugon.

"Good, then," saad naman nito bago siya nilagpasan. Mukhang kulang ito sa tulog dahil masungit na naman ang aura nito.

Hindi ito lumabas ng opisina. Hanggang sa mag-out siya ay hindi na ulit niya ito nakita. Pumapasok sa isip niya ang pag-akbay nito sa kanya noong nakaraan. Nandidiri na yata ito sa kanya. Ipinilig niya ang ulo. Hindi na dapat niya iniisip ang bagay na iyon.



*****

Nag-concentrate siya sa review niya kaya naman parang hapong-hapo siya paglabas ng review center. Nagulat pa siya nang makita si Leandrei sa may parking area. Parang bumuga ito ng usok at agad na may inihagis sa loob ng kotse nito nang makita siya.

Naninigarilyo ba ito?

Lumapit ito sa kinatatayuan niya.

"I came from a dinner somewhere near. Dinaanan na kita," salubong nito sa kanya. Bigla siyang naasiwa. Ang seryoso kasi ng itsura nito. Mas seryoso ito kaysa kaninang umaga. Iniisip niya tuloy kung may nagawa siyang hindi maganda.

"Mauna ka na. Kakain pa kasi ako bago umuwi," tugon niya rito.

"May kasama kang kakain?" kunot-noo nitong tanong. Napailing siya.

"All right then. Samahan na lang kita." Seryoso ang mukha nito.

"Diyan lang kasi ako sa karinderya kakain," turo niya sa karinderya sa tapat ng building.

"Sige, tara na," saad nito at nauna nang naglakad. Naguguluhan man ay sumunod na lamang siya.


"Ano'ng sa'yo?" tanong niya rito nang pumipili na siya ng ulam. Nasa tabi lang kasi niya ito.

"I'm done eating. Ikaw na lang," sagot nito. Ayaw sana niyang kumain nang siya lang pero nagutom kasi siya kanina sa review kaya nag-order na lang siya.

"Do you have a beer?" tanong ng lalaking katabi niya sa tindera. Napanganga naman ang tindera at saglit na natigilan. Napatawa pa siya nang mahina.

"Ate may beer daw po kayo?" ulit niya sa tanong.

"Meron. Que guwapo naman kasi ng kasama mo, Janica. Model ba siya?" nakangiting sambit ng tindera.

"Hindi ho," natatawa niyang tugon.

"She knows you?" kunot-noong tanong nito sa kanya.

"Oo. Madalas kasi akong kumain dito," tugon niya sa binata.

"You're really close with people, huh?" komento nito. Napangiti na lang siya.

"O-order ka ba ng beer?" tanong na lamang niya para makaupo na sila.

"Yes. Just one please," saad naman nito. Sinabi naman niya ito sa tindera bago tinungo ang isang bakanteng table. Sumunod naman ito sa kanya. Napapatingin pa ang ilang costumers pero nagkibit-balikat na lamang siya.

Tahimik siyang kumain. Napansin naman niyang umiinom ito sa inorder na beer. Naasiwa siya dahil ramdam niyang nakatitig ito sa kanya.

"Hindi na kita nakita pagkagaling natin ng mall. Nakipagdate ka?" nakangiti niyang tanong. Gusto niyang magbukas ng usapan para hindi mas lalong nakaaasiwa ang paligid.

"Yes," diretso naman nitong sagot.

"I was with Lei," dugtong nito.

"Okay." Napatango siya. Hindi siya dapat makaramdam ng kahit na ano sa pagsagot nito ng diretso sa tanong niya.

"Mukhang ang saya ninyo noong nakita ko kayo sa opisina. Siya na siguro ang mapapangasawa mo, ano?" Pinilit niyang pasayahin ang tono kahit ramdam niyang sobrang seryoso ang aura ng lalaking kaharap.

"We actually broke up."

Napatitig siya sa binata. Seryoso naman itong tumitig sa kanya. Hindi siya nakapag-react. Kaya ba parang seryoso ang mukha nito?

"Siya ang kasama kong nag-dinner kanina," dugtong nito. Napatango siya.

"Sino'ng nakipagbreak? Siya o ikaw?" Wala sa sarili niyang tanong. Wala naman kasi siyang ibang maisip na sabihin. Hindi naman niya puwedeng sabihing okay lang yan. Napaka-insensitive niya kung gano'n.

"Ako. I actually told her over the phone. It was a mistake. Kaya siya umuwi agad from Paris. She wants to know the real reason why." Seryoso itong tumitig sa kanya.

"Bakit ka nga ba nakipag-break?" tanong niya. Sa ganoong paraan malalaman niya kung okay ba ito o hindi. Nakahinga siya nang maluwag nang ngumiti ito nang tipid.

"Let's say, I finally realize what kind of woman I want to keep in life," saad nito. Natigilan siya sa pahayag nito.

"Ano'ng ibig mong sabihin? Ano ba 'yong tipo ng babaeng gusto mo?" Pinilit niyang iwaglit ang mga ideyang pumapasok sa utak niya.

Mas lalo siyang natorete nang tumitig ito sa kanya.

"Someone who could set aside her personal ambition for her family," he answered seriously. Huminga siya nang malalim. Ayaw niyang isipin na siya ang tinutukoy nito.

"Hindi ba siya gano'n? Sayang ang ganda pa naman niya. Model pa," sambit na lamang niya. Mas gusto niyang isipin na nagkataon lang o talagang ganoong babae ang gusto nitong pakasalan pero 'yong mas maganda sa kanya.

"Some men don't marry the beauty, Janica. I wouldn't. I'd rather marry the woman who could run my house with or without me," tugon nito.

Napalunok siya sa narinig. 

"'Yong babaeng alam kong kayang-kayang alagaan at disiplinahin ang mga anak ko kahit wala ako."

Sa unang pagkakataon simula nang makilala niya ito, ngayon lang niya nakita ang lalim nito bilang tao.

"O-okay. Sana makahanap ka ng gano'ng klaseng babae," mahina niyang tugon. Napatungo siya. Wala sa loob na sumubo ng pagkain.

"I actually found her."

Napatingala siya sa mukha nitong titig na titig sa kanya. Pinilit niyang nguyain ang pagkain sa bibig niya.

"She's sumptuously eating her dinner without minding the stares around her."

Nalunok niya bigla ang hindi pa yata masyadong nangunguyang pagkain. Mabuti at hindi siya nabilaukan.

Nagrebolusyon pa yata ang small at large intestines niya, pinag-agawan ang kinain niya. 

Hindi siya makapag-isip ng tuwid.

Ano raw?

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay jazlykdat, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni jazlykdat
@jazlykdat
Von Leandrei grew up with all the luxuries in life, while Janica live...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 40 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @jazlykdat.
The Empire Series 2: Von Leandrei PlayfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon