Kapag nagtagpo ang dalawang mundo, hindi naman sila agad-agad magkakasundo.
Tahimik si Janica nang nasa elevator na silang dalawa. Wala kasi sa sariling sumunod siya sa private elevator. Nakatungo lamang siya. Iniisip niya kung seryoso ba ito sa sinabi nito kaninang ihahatid siya sa review center.
"Bakit mo pinindot ang ground floor?" tanong ni Leandrei nang pumindot siya sa elevator button. Sakto naman itong nakarating sa ground floor. Mabuti at napindot pa niya.
"Dito ako bababa." tugon niya rito.
"Nasa basement 'yong sasakyan ko," saad nito at agad na pinindot ang close button. Hindi pa man siya nakasasagot, bumukas na ang pinto ng elevator. Nasa basement parking na sila agad. Ang bilis lang.
"Ihahatid mo ba talaga ako?" tanong niya habang nakasunod rito. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan para sa kanya.
"Kung may maliit na bagay kang puwedeng gawin para sa ikagagaan ng araw ng ibang tao, ipagkakait mo ba?" natatawa nitong tanong.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa narinig mula rito. Taliwas sa iniisip niya, pinapakinggan yata nito nang mabuti ang mga sinasabi niya.
Wala sa sariling, pumasok siya sa loob ng kotse nito. Agad naman itong umikot papunta sa driver's side nang maisara nito ang pintuan ng passenger's side.
"You love your ethnicity, huh?" saad nito nang inaandar na ang sasakyan.
"Narinig mo 'yon?" balik-tanong niya rito. Pinamulahan pa siya.
"Yes and you were very fluent in speaking English rather than tagalog," komento nito. Hindi siya nagsalita. Iyon nga rin ang reaction ng karamihan sa kanya.
"Ibig bang sabihin niyan hindi ka patriotic?" natatawa nitong tanong.
Bakit pakiramdam niya talaga may halong panghahamak kapag ito ang nagsalita?
"Hindi naman nakikita ang pagiging patriotic sa lenggwahe ng isang tao," tugon niya rito para matigil na.
"Are you opposing Rizal's principles on loving one's language?" Sumulyap pa ito nang may nakakalokong ngiti. Pakiramdam niya ay napahiya na naman siya.
"Hindi. I just believe that actions speak louder than words," saad niya. Napasulyap ito. Parang kahit siya ay hindi kumbinsido sa sinabi niya. Off-tangent yata ang nasabi niya. Agad siyang nag-isip nang puwedeng pambawi.
"You can speak any language you want but at the end of the day, it would always be a question of what have you done to make your country a better place to live in? That's patriotism in its real sense."
Kung puwede lang niyang palakpakan ang sarili sa bilis niyang mag-isip ng koneksyon nang una niyang nabanggit sa patriotism, pumalakpak na siya.
"Nagutom yata ako sa lecture mo. Kumain muna tayo bago kita ihatid sa review center," natatawa nitong saad.
Tatanggi pa sana siya pero kinabig na nito ang manibela papunta sa parking area ng isang restaurant.
"Ang mahal diyan. Baka maubos ang allowance ko.," biro niya.
"My treat. Bayad sa free lecture mo about patriotism," saad nito bago bumaba ng sasakyan. Binuksan pa nito ang pintuan para sa kanya.
"Sir Leandrei, matagal ang service kapag restaurant 'di ba? Ayokong ma-late sa review ko," bulong niya kay Leandrei. Sumabay siya sa paglalakad nito.
"NOT, if your family owns the restaurant," nakangiti nitong baling sa kanya. Pinamulahan pa siya. Hindi na kasi niya nakita ang pangalan ng restaurant. Basta ang alam niya Italian restaurant ang pinasukan nila.
BINABASA MO ANG
The Empire Series 2: Von Leandrei Playful
RomanceVon Leandrei grew up with all the luxuries in life, while Janica lived a more humble, hardworking existence. When their worlds collide, could it be the perfect imperfect match? ***** Privileged and good-looking, Von Leandrei Filan, wante...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte