Chapter 15 - Kay Tagal

742 41 13
                                    

16 July 2017 @ Sto. Domingo Church, Quezon City

Dear Menggay,

Hindi ko inakala na darating ang araw na ito.

Oo, matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng asawang mamahalin at makakasama ko habang buhay. Matagal ko na ring iniisip na magkaroon ng sarili kong pamilya. Matagal ko na ring hinahanap ang ngiting tagos hanggang bone marrow. Matagal ko na ring pinagdadasal na sana...sana makilala ko na ang taong magbabago at magbibigay ng kulay sa buhay ko. Pero hindi ako umasa.

Bata pa lang kasi ako, alam ko ng hindi laging masaya ang buhay. Salungat sa mga binabasang fairy tales at kwento ng nanay ko ang nangyayari sa totoong buhay. Hindi lahat ng gusto mo, ibibigay na lang ng isang fairy godmother o genie na darating sa buhay mo. Hindi rin parang pelikula o happy ending ang magiging buhay mo. Lalong napagtibay ang paniniwalang ito noong pumanaw ang Nanay ko.

Nasabi ko na ito sa iyo noon. Sobrang lungkot ko. Pakiramdam ko, gumuho ang mundo ko dahil ang nag-iisang tao alam kong mahal na mahal ako (maliban sa aking tatay) ay bigla na lang naglaho. Hindi ko matanggap dahil hindi niya man lang ako nakitang nagtapos o naging piloto. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na hindi ko talaga gustong maging artista dahil pangarap ko talagang piloto. Ngunit, huli na ang lahat noon kaya nagsimula na akong mag-audition sa iba't ibang talent search at sumali sa mga contests sa Laguna.

Dumating ang panahon na minahal ko na ang trabaho ko dahil nakita ko na marami akong napapasaya at nabibigyan ng inspirasyon. Nakakataba ng puso ang respeto at suporta ng mga tao, tagahanga man ito o katrabaho. Lalo akong nagsumikap noon dahil sa tingin ko, magiging masaya rin ako kapag pinapagtuloy ko ang ginagawa ko.

Wala naman sa isip ko noon ang umibig. Wala sa prayoridad ko dahil sagabal lang sa pagtatrabaho. Kung may dumating, okay lang. Kung hindi, okay lang din. Mas importante talaga sa akin na makatulong sa pamilya ko. Sila na muna bago ako. Syempre, may parte pa rin ng sarili ko na laging umaasa na dumating ka na. Ngunit, nawalan ulit ako ng pag-asa noong nakilala ko ang mga tipo ng babaeng huhusgahan at gagamitin ka lang. Iyung tipong lubog ka na nga, lalo ka pang ibabaon sa hukay.

Ang tanging kinapitan ko na lang noon ay ang pamilya ko at ang Diyos. Alam ko kasing lahat ng bagay na nangyayari noon ay may dahilan. Hindi man ako masaya at naghihirap man ako, naniniwala ako na may plano ang Diyos para sa akin. Nanalig ako sa kanya ...dahil siya lamang ang nakakaalam ng tamang panahon para sa lahat ng hiling ko. At dumating ka na nga sa buhay ko...kung kailan akala ko tapos na ang laban ko.

Lahat nagbago noong nakilala kita. Ilang beses ko ng sinasabi ito sa iyo pero hindi ako mapapagod na magpaalala at magpasalamat sa iyo. Binasag mo lahat ng maling paniniwala ko. Ipinakita mo sa akin na sa mundong ginalagawan natin, hindi masamang maging totoo at magmahal ng tunay. Tinuruan mo ako na dapat nagbibigay ako ng oras para sa sarili ko, na hindi naman masamang isipin ang sarili ko. Binigyan mo ako ng dahilan upang maging masaya...upang mabuhay.

Sa totoo lang, minahal kita hindi lang dahil maganda ang tunay na ikaw. Minahal kita dahil kapag kasama kita, alam kong ako ang pinaka-importanteng tao para sa iyo at ikaw ang pinaka-importanteng tao para sa akin. Mahal kita dahil totoo ka at hindi ka nahihiya na ipagtapat sa tao ang iyong kahinaan. Hindi ka bumibigay at handa kang ibigay ang lahat makamit mo lang ang mga bagay na gusto mo sa bahay.

Marahil ito talaga ang matagal ko ng hinahanap kaya hindi rin ako nagkaroon ng girlfriend noon. Marahil ito ang dahilan kung bakit mas pinili ko maging artista...dahil dito tayo muling magkikita. Marahil ito ang dahilan kung bakit hindi na ako bumitaw simula nung nahawakan ko ang iyong kamay. Marahil ito ang dahilan kung bakit kapag kasama kita, hindi na ako takot sa mga maaaring mangyayari sa mga susunod na oras, araw, o taon. Kahit ano man ang mangyari sa hinaharap, alam kong hindi na ako nag-iisa.

Meraki* (MaiChard Fanfic)Where stories live. Discover now