Chapter 15

1.5K 17 1
                                    

Daniel’s POV

Nakakatuwa talaga tong si Kathryn. Hahaha. Ang ganda niya talaga lalo na kapag nagbublush, ang swerte ko naman na magkaroon ng magandang fans lalo na si Kath ang isa sa mga yun. Iba kasi sya sa lahat ng mga fans na nakasama ko na, ang saya nya kasama. At tsaka para syang ewan, hindi naman kasi masamang aminin na kinikilig sya e. Nakita ko na sya syang kiligin nung sa skydome e. Ngayon eh nahihiya syang aminin. Ano kaya yun? 

Ngayon eh hila hila nya ako papunta dun sa may tent. Alam kaya nya kung saan kame pupunta? Hahaha. Pero hayaan na muna natin, sobrang pagkawak nya kasi sa kamay ko eh hindi ko mabitawan. Ewan ko ba kung bakit, kapag may nakakita saming paparazzi eh lagot ako at kawawa naman si Kath. Siguro naman walang paparazzi dito ano? Kasi nasa private school naman kami. Sana nga. 

Biglang tumigil sa paglalakad si Kath. “Ahmm, DJ? Saan nga pala tayo? Baka pagalitan na naman ako ng mga masusungit nyong staff eh.” Sabi nya sabay simangot. Nakaaktuwa talaga sya, parang bata. Hahaha. 

“Hindi ka na papagalitan. Akong bahala. Tara na.” Sabi ko at ako naman ang humila sa kanya. Sabi na nga ba at hindi nya alam kung saan kame tent eh, hila kasi ng hila. 

Yung sinabi ko kay kanina tungkol sa nakalimutan ko kung nasaan ang phone ko, totoo yun. Hindi kasi ako mahilig humawak ng phone kapag tumatawag lang yung manager ko tsaka ko sya ginagamit then after nyon nilalapag ko na kung saan wala na kong pakialam. Buti nga hindi malilikot ang kamay ng mga staff eh at hindi nila kinukuha yung phone ko kahit na nakukuha nila yun kung saan saan. Hindi din ako mahilig gumamit ng mga social media, katulad ng mga twitter at insta, nagkaroon naman ako nyon dahil sinabi sakin ng manager ko na dapat meron ako nyon para dumagdag mga fans ko at mapasaya ko sila. Talagang hinanap ko yung phone ko kagabi, sinabi ko nga kasi kay kath na itetext ko sya ayaw ko namang paasahin siyang pero kahit ano talagang gawin ko eh hindi ko makita kaya hindi ko sya natext nagalit pala sakin akala nya pinaasa ko sya. Hayy. Kaya kanina yung break naming at may 1 hour na rest hinahanap ko sya, buti nga walang nakapansin sakin at sya aagad yung nakabangga ko. Pero dumaretso sya sa CR kaya alam kong galit sya sakin or nagtampo. 

Pumasok na kame sa loob ng tent ko. Kung anong init sa labas eh ang lamig dito, IMBA naman kasi tent na may aircon. 

Fan Girl [KathNiel Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon