Chapter 25

858 21 6
                                    


Kath's POV

~^~^~^~^

From : DJ Myloves ?

I'm serious on what I've told you a while ago. Please, think and reconsider it. I hope that I get your answer when I come back. Take Care. ?

~^~^~^~^

Pang 101th time ko nang binabasa toh, hindi talaga ako makapaniwala. Totoo ba talagang nangyayari to? Kung totoo man, bakit ako? Eh isang Fangirl lang naman ako, tapos hindi ganung kagandahan. Haist!! Nababaliw na talaga ako.


"Woi, matunaw yang phone mo! Baka naman mamatay ka na sa kilig nyan ha?" sabi ni Julia sakin, pano kasi nakatunganga pa din ako sa phone ko hanggang ngayon.


"Eh kasi naman bessy, hindi ako makapaniwala!! Parang pinapangarap ko lang na makilala nya ako at makita sya tapos biglang ganito? Parang hindi makatotohanan eh."


"Magiinarte pa ba bessy? Maging masaya ka na lang at kiligin ano! Tsaka dapat pagbalik nya dito ay pakilala mo na ko sa kanya! Close na kayong dalawa pero hindi ko pa sya namemeet. Lagi mo kasing sinosolo!" sabay bato sakin ng unan. Brutal talaga neto.


Nasa ibang bansa na si Dj, para sa kanyang world tour promotion. Bago sya umalis ay nagkausap kame, medyo awkward nga lang sakin. Hindi ko alam ang sasabihin ko, pero sabi naman nya pagisipan ko na muna pero yung huling sinabi ay 'Even if you say NO, I still court you Kath.'Oh di ba ang talino nya? Eh para saan pa yung pagiisip ko!!


"Alam mo ikaw bessy, gulo ng bumbunan mo eh noh? Daniel Padilla na yan oh, pinapantasya ng lahat." tumingin ako sa kanya ng masama. "Pero syempre hindi ako kasama, eto naman makatingin! Pwede din naman minsan. Hahahaha. Joke! Ayun na nga, ikaw na ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa. Dapat ngayon eh, magadala ka at magpasalamat lakas mo kay Papa God ha?" sabi nya sabay kuha ng pagkain. Ano pa ba ang aasahan mo dyan?


Alam ko namang dapat magpasalamat na lang ako, at hindi na mag-inarte pa. Pero kasi hindi pa din ako makapaniwala, tsaka iniisip ko pano kung madaming mang-bash sakin? Haist!! Syempre hindi mo naman mapeplease ang lahat eh, baka masira din ang career ni Dj.


"Alam ko naman bessy na maswerte na kong matuturing, pero kasi bessy hindi ko alam ang gagawin!!!"


"Eh bakit ka ba isip ng isip dyan ha? May 2 weeks ka pa naman para makapagisip noh! Ano ba kasi ang pinoproblema mo?"

Sasabihin ko ba? Bestfriend ko naman sya eh.


"Pano kasi besy pano kung madaming mang-bash sakin tapos dahil sakin ay masira yung career ni DJ di ba?"


"Ang advance mo kasing magisip ano? Pwede namang maging So muna ako eh, kung ayaw mong ma-bash ng mga faney ni Papa Dj."


"Anong So?"


"Duh! nasan ang utak Kath? Secret On! Wag mo kasing isipin muna ang bagay bagay, ienjoy mo na muna kung dumating man ang panahon na maka-apekto sa career ni Dj yan eh kayang kaya nyong lutasin nyon noh. Basta you have each other"

Fan Girl [KathNiel Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon