Chapter 21.5

1.1K 13 1
                                    

Ddicated to @marrytokkabe Thanks for Reading and Supporting!! :)

 

Kath's POV

Wahh! Hindi naman ako makatulog.. Kanina pa ko nakahiga sa kama ko, at nakauwi na din kanina pa si Julia napagod din kasi sya. Kung kaninang pagod ko e, biglang nawala. Si DJ kasi kung magpakilig naman akala mo eh wala nang bukas.

Feeling ko tuloy eh nanliligaw sya sakin. Hahaha. Wag na kayong kumontra dahil feeling ko lang naman yun, tsaka hindi masama ang mag-assume wag nga lang sosobra sabi nga ni kuya “NO EXPECTATIONS, NO DISAPPOINTMENTS.” Pero mukhang wala nay un sa utak ko ngayon e. Basta KINIKILIG ako.

*RING RING RING

“Ano ba naman yan, sino ba yung tumatawag? Nagmumuni muni ako dito eh.” Tamad kong kinuha yung phone ko at tinignan kung sino yung caller. At bigla akong napabangon nung nakita ko kung sino yung tumatawag baka namamalikmata lang ako, kinusot kusot ko pa yung mata ko at tinignan yung caller . . .

“My DJ <3”

OMG!!! Bakit ka tumatawag? KINIKILIG ako, mamamatay na ata ako sa super kilig!!! Okay OA na Kath. Bago ko sinagot yung tawag kay inayos ko na muna yung boses ko para naman hindi halatang kinikilig ako, nakakahiya kaya. Hahahaha! Ngayon pa nahiya eh ano?

“Hello?” Shocks. Medyo pa-cute ata yung boses ko . >.<

Fan Girl [KathNiel Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon