Chapter 29

515 10 3
                                    

KATH's

Pagkatapos ng dinner namin nila DJ eh madalang na ulit kameng magkita laging sa Facetime or Text na lang kame naguusap. Busy na kasi sya sa pagpeprepare para sa kanyang concert. 1 week na lang kasi kaya talagang dapat na niyang magseryoso sa practice.


"kinakabahan nga ako eh. First major concert ko yun, tapos hindi naman ako singer baka walang manuod" natatawang sabi nya sakin.


"Ano ka ba. Para sakin ikaw ang may pinakamagandang boses, hindi lang talaga sila marunong maka-appreciate ng kanta. Tsaka kahit walang manuod sayo nandun ako para supportahan ka."


Ayun ang paguusap namin kagabi bago ako sya makatulog. Oo, tinulugan nya ko. Nakakatawa lang kasi humihilik pa sya, siguro super pagod sya. Pano ba naman kasi practice, guestings at promotion lagi ang ginagawa nya. Nakakapagod din kaya yun at tsaka puyat ang kalaban nya.


"Bessy, saan tayo kakain?" Ayan na naman sya pagkain na naman. Hahahaha. "tsaka ano nga pala bakit hindi na kayo nagkikita nung isa mong bestfriend na mukhang mongoloid?


"Magkwek-kwek na lang tayo. Bakit mo hinahanap? Miss mo na ano? Wag kang magalala nakakarating sa kanya." Natatawang sambit ko sa kanya.


"OY ANO KA!!! HINDI KO SYA NAMIMISS ANO. TINATANONG KO LANG KASI BAKA ANO . . . ANO SABIHIN NYA SINOSOLO KITA"


"Oh kalma ka lang. Tara kumain tayo at msyado ka nang obvious eh. Hahaha"

"ANONG HALATA KA DYAN?! Hoy!!!" iniwan ko na sya dun. Hahaha! Bagay talaga sila ni Quen. Nakakakilig e.

Pagkatapos ng school namin ay lagi kameng nagkikita ni Nicole para sa gagawin naming mga props sa concert ni DJ. Kasama din naman ang iba pang mga faney ni DJ, nakakatuwa lang kasi nagkaroon ako ng maraming mga kaibigan. Minsan si bessy ay sumasama din samin. Pero kadalasan hindi, ewan ko ba kung ano ang pinagkakaabalahan nya. Magkukwento naman yun one of this days eh.

Alam din ni mama at papa kung bakit ako laging ginagabi tuwing gabi. Okay lang naman sa kanila dahil mataas naman ang nakuha ko sa nakaraang exam eh kaya pinagbigyan nila ako. 

"KATH!!! OhMyGad!!! Bumangon ka dyan ngayon bilis." Sabi ni Bessy. anong problema neto? Ang aga aga e,

Fan Girl [KathNiel Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon