Chapter 20

1.2K 11 3
                                    

This chapter is dedicated to @imjastinenoay26 THANK YOU for supporting!! :))) :* 

----

Kath’s POV

Lumipas ang mga araw at naging kame na ni DJ . . . . . . . . . . in my dreams. Hahaha. Okay na ulit kame ni Juls, balik na naman sya sa pagkamadaldal nya at pagkamatakaw nya. Lagi ko pa din syang inaasar dun sa Nerdy Guy sa DQ, at namumula sya agad. Nakoo po sinasabi ko na nga ba’t may crush ito dun eh, kaso ayaw pang aminin. Tss. 

Kame naman ni DJ eh, mukhang magkaibigan na. Naks! Ang swerte ko talaga para maging kaibigan sya, mukhang maangas lang talaga sya pero mabait naman talaga at gentleman. Minsan ay nagkakatext din kame, pero bilang ang sa daliri ko yun. Kasi alam mo na, makakalimutin ang mokong at nakakalimutan kung saan nakalagay yung phone nya. Pero okay na din sakin yun atleast di ba medyo close na kame? Hahaha kahit para sakin lang. 

Pero kadalasan ay si Tita Vii ang nakakatext ko, sa kanya din ako kumukuha ng update tungkol kay DJ. Kapag pwedeng ishare sa Social Media eh, naguupdate din ako. Pero kapag yung hindi pa pwedeng sabihin eh hindi pa talaga sinasabi sakin ni Tita, hindi ko naman mapilit kasi baka sya pa yung mapahamak di ba? 

Kasalukyang akong nag-iinternet ngayon, wala kasing magawa eh. Natapos ko na naman na lahat ng school projects ko, tinatamad akong pumunta kay Julia, ang init init kasi baka lalo akong matustado eh. Haha. 

Nagbrobrowse lang ako ng mga websites, nasabi ko na ba sa inyong may FANS CLUB na din kame? Hahahaha, natatandaan nyo pa ba si Nicole? Ayun sya lang naman ang namilit saking gumawa kame ng FC kahit daw sa Twitter lang. Ang hiraap kaya mag-isip kung anong name ng FC, napakadami na saking FC ngayon sa twitter di ba? Pero konti lang naman yung OFFICIAL talaga.

(*NOTE : DanielRocksss, DanielBerks at Danielistaz mga OFFICIAL FANS CLUB ni DJ. At DanielRocksss member ako Hahaha. \m/ )

Kaya ayun halos inabot kame ng syam syam para lang sa name ng FC nay un, nagpatulong na nga ako kay best eh. Nung una ayaw nya pa talaga, pero hindi din naman ako natiis ng bruha. Pa-Bitter effect pa kasi kay Nicole eh, pareho lang naman silang madaldal. Hahahaha. 

In the end, ang napagkasunduan naming name is DanielSociety. 

(*NOTE : Wala akong maisip na NAME eh. Hahaha, pasensya na po!! ^^) 

Konti pa lang naman yung followers namin, syempre hindi pa naman kame official, hindi ko kasi alam kung pano ko sasabihin kay DJ or Tita vii eh. Nahihiya kasi ako eh, hindi lang halata. Hahahahaha! 

Pag-open ko ng twitter ako eh, flood agad ang Timeline ko. Anong nangyayari? -.- 

Fan Girl [KathNiel Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon