Chapter 28

456 6 1
                                    

Kanina pa namin hinihintay si DJ. Hanggang ngayon wala pa sya, nagtext sya sakin kanina na on the way na daw sya at medyo malalate lang ng konti. Pero 1 1/2 hour na syang late. Ang usapan kasi eh dito sya manananghalian sa bahay pero, 1:30pm nya wala pa sya. May problema kaya? Baka naman isang malaking joke lang to at nananaginip lang ako. 

"Bunso wala pa ba? Nagugutom na ko eh." reklamo ni kuya at humawak pa sa tyan nya. Hayy. Miski din naman ako nagugutom na eh. Baka nga hindi na makakapunta si DJ. 

"Osge. Kain na tayo. Mukhang hindi na sya makakapunta e." 

"Hindi ba nagtext sayo Kath?" nagaalalang tanong ni mama sakin. Umiling lang ako at dumaretso sa hapagkainan ng nakasimangot. 

Nakamasid lang si Papa sakin at wala na lang sinabi. Si kuya dom naman ay hindi ako maasar dahil alam nyang medyo, ay hindi pala. Talagang badtrip ako. Sa sobrang badtrip ko napakabilis kong kumain at nabilaukan ako. Halos naluluha na ko dahil sa nakabarang pagkain sa lalamunan ko, inabutan naman ako kagad ni kuya ng tubig at hinimas ang likod ko. 

"Dahan dahan lang Kath, wala namang humahabol sayo." biglang sabi ni papa. Hindi ako makatingin sa kanya dahil parang nahihiya ako. Alam mo yung feeling na parang pinaasa lang ako. Hindi kaya talaga isang malaking joke lang lahat ng sinabi nya? Ikaw naman kasi Kath, sino ba ang may sabing maniwala ka? Masyado kasi akong assumera na isang Daniel Padilla ay manliligaw sakin. Sana nakuntento nalang ako sa pagiging fangirl at close nya. Pero bakit hinahangaan ko pa din sya. Hayy! Naiiyak ako sa mga iniisip ko. 

"Ahh, busog na po ako. Akyat na muna ako sa kwarto." sabi ko at agad na pumanhik sa kwarto ko. 

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Naka-floral dress ako ngayon at medyo kinulot ko ang buhok ko sa dulo. May konting blush-on at lip balm. Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko naiwasan ang mapaluha. 

"Nakakainis naman ang Disney, pinapaniwala ako sa fairytale!" sabi ko sa replika ko sa salamin. "Gumising ka na Kath, at tapos na ang maganda mong panaginip. Sana kasi nakuntento ka na lang na hangaan sya eh. Hindi naman totoo ung mga napapanuod mo sa TV." sabay punas ko sa luha ko. 

"Tama na Kath, hindi ikaw si Cinderella or Snow white." 

Fan Girl [KathNiel Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon