Chapter Two

33 2 0
                                    

CHAPTER TWO

Super boring ang first period kasi alam ko na yung lesson ni Ma'am Abella. Tinuro na kasi yun last year. Nagtataka nga ako sa mga classmates ko kasi parang ngayon lang nila nalaman ang tungkol sa table of elements. Ewan ko ba, siguro sadyang nare-retain lang talaga sa utak ko yung mga napag-aralan ko na di tulad nila. Seryoso kasi ako sa pag-aaral dahil ayokong biguin si Nanay.

Si Karen at James ang best buddies ko. Magkalapit lang ang bahay namin ni Karen at sabay kami lumaki. Magkatabi yung pwesto namin sa palengke. Baboy at manok naman ang tinda nila. Kung wala ako sa palengke, dakilang yaya ako sa apat na taon kong kapatid, si Anne. Si Andrew naman ay nasa grade 5 na. Madalas sya ang kasama ni Nanay.

Kapapanganak pa lang ni Nanay nun kay Anne nung nagsimulang dumalang ang pag-uwi ni Tatay at isang araw nga ay nagulat na lang kami at wala na ang mga damit nya sa kabinet. Kapag tinatanong ko si Nanay nun kung nasaan si Tatay, ang lagi lang nyang sinasagot ay may pinuntahan sa malayo. Hanggang sa huminto na ako sa kakatanong dahil lagi namang pareho lang ang sagot ni Nanay.

Naaalala ko nun na umuwi akong umiiyak dahil tinukso ako ng mga kalaro ko na iniwanan daw kami ni Tatay at sumama sa ibang babae dahil losyang at amoy palengke daw si Nanay. Niyakap lang ako ng mahigpit ni Nanay at sinabing balang araw ay maiintindihan ko din ang mga nangyayari dahil matalinong bata daw ako. Sinabi rin nya na huwag kong sanayin ang sarili ko sa pag-iyak sa tuwing may nanunukso sa akin. Hindi daw nila alam ang totoo kaya hindi ko daw dapat aksayahin ang luha ko sa mga walang kwentang tao. Simula nun ay hindi na namin pinag-usapan pa ni Nanay ang pag-iwan sa amin ni Tatay, bagkus ay ipinangako ko sa sarili ko na magsisikap ako para kay Nanay at sa mga kapatid ko. Kung magkikita man ulit kami ni Tatay ay masasabi nyang naging maganda ang buhay namin kahit wala sya.

Second period ang klase namin kay Ma'am Aguilar. Nagbotohan muna ng officers at syempre ay nagpumilit na naman ang mga kaklase ko na ako na ang maging presidente. Lagi ko na lang silang tinatanggihan, alam din naman nila ang sitwasyon ko sa bahay. Nanalong secretary si Karen at treasurer naman si James. Matapos ang election of officers ay kanya-kanya nang dakdakan ang mga pasaway kong kaklase.

"Class, I have a very important announcement. Please take your seat", bungad ni Ma'am Aguilar na syang advisor namin.

"For those na hindi pa nakakaalam sa nangyari kay Angelica, yung Campus Queen natin, sad to say ay naaksidente sya nitong bakasyon. According to her parents ay hindi sya makaka-attend sa mga classroom lessons pero nagkaroon ng meeting between them at ng principal at management ng school na mag-home study sya until such time na kaya na nyang makapaglakad at pumasok ulit. Ok, since wala tayong Campus Queen, magkakaroon ng competition between some 4th year students para maging Campus Queen for the meantime. Ito ay para may katuwang si Harry, yung Campus King natin, na gampanan ang mga responsibilities ng Campus King and Queen", tuloy-tuloy na sabi ni Ma'am Aguilar.

"Ma'am, sino pong ilalaban natin?" tanong ni Sarah, ang nanalong president.

"We need someone na hindi lang maganda, dapat brainy din. Gusto kong sa class natin manggaling ang makukuhang Campus Queen", sabi ni Ma'am Aguilar na hindi natitinag ang pagkakatingin sa akin.

"E Ma'am, kailangan pa bang i-memorize yan? E wala nang iba kundi si Amvi lang yan!" sigaw ni James.

Naghiyawan na ang buong klase at sabay-sabay nilang isinisigaw ang pangalan ko.

"Amvi, simula first year tayo lagi mong tinatanggihan ang pwesto ng president. E alam naman ng lahat na ikaw lang talaga ang dapat dun. Siguro naman this time hindi mo na kami bibiguin. Itayo mo ang bandera ng IV-Joy!" sigaw ni Sarah.

"Oo nga Amvi. Ikaw lang talaga ang pwede dito sa klase natin. Sige na, pumayag ka na", hirit ni Jerry.

Hindi ako makapagsalita dahil sabay-sabay din silang nagsasalita. Gustuhin ko man sumali para maging queen ni Harry, OMG si Harry mylabs, pero wala akong pera para sa mga gagastusin dun. Hindi naman ako makakahingi kay Nanay dahil alam kong wala din syang ibibigay. Ang dami pa naming binabayarang utang.

Amvi TiosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon