CHAPTER ONE
"Hoy! Amvi! Alam mo na ba ung bagong tsismis?" humahangos na balita sa akin ni Karen.
"Ang alin? Na ako na ang pinakamaganda sa buong eskwelahan? Hay naku naman Karen, luma na yun no!" nakangiting-aso kong bati sa kanya.
"Ikaw na rin ang maysabi na luma na yung balitang yun at hindi naman bumenta. Ambisyosa ka talaga!" nakakunot-noong sagot ni Karen habang binabaybay namin ang kahabaan ng corridor. Bakit ba naman kasi sa dulong-dulo ang room namin. Anlayo sa room ni Harry.
"Eto naman ang aga mag-emote. E ano na nga yung balita mo? Ni hindi mo man lang ako kinumusta kung anong nangyari sa akin nung bakasyon. Nakakapagtampo ka na. To think na ikaw lang ang bessie ko dito. Hmmp!" sabay irap na kunwari ay talagang galit ako.
"Hoy Amvi! Alam kong pangarap mong maging artista pero di mo ko madadaan sa mga padrama-drama mo. E ano pa nga bang kukumustahin ko sa yo? E halos buong bakasyon naman ay nagkikita tayo sa palengke. Baka nakakalimutan mo na ung Nanay mo at Nanay ko ay parehong may pwesto sa palengke no. Tigilan mo nga ko!" nanlalaking-butas ng ilong na singhal ni Karen.
"Eto naman di na mabiro. E ano na nga yung balita mo?"
"Narinig ko kanina nung napadaan ako dun malapit sa flagpole na pinag-uusapan na naaksidente daw si Angelica at malamang ay hindi sya makapasok this year", tuloy-tuloy na kwento ni Karen.
"Sinong Angelica? Yung nanalong Campus Queen nung isang taon?" usisa ko.
"Oo sya nga. At ang sabi nabangga daw yung sinasakyan nilang mag-anak nung umuwi sila ng Pangasinan nung bakasyon. Sya lang ang malubhang nasaktan. Sabi rin nung nagkukwento na kailangan daw magpahinga ni Angelica ng ilang buwan para makalakad ulit. Sayang naman at maganda pa naman sya", nanghihinayang na salaysay ni Karen.
"At mabait pa. Naalala ko nun na binigyan nya ko ng sandwich nung nagkatabi kami sa auditorium habang may film showing".
"Ayun ka e! Sinamantala mo yung kabaitan nung tao. Hanggang auditorium pinatos mo yung sandwich", pang-aasar ni Karen.
"Hoy ano ka! Talagang binigay nya sa 'kin yun ha. Hindi ko yun hiningi no. Mabait lang talaga sya. Siguro na-sense nya nun na gutom na ko", depensa ko naman.
"Aba malamang! Sa lakas ba naman ng kalam ng sikmura mo pag gutom ka, malamang ay sobrang nabingi na yun kaya binigyan ka ng sandwich".
"Kainis ka! Ang lakas mo talagang mang-asar. Bahala ka nga dyan!" sabay pasok sa loob ng classroom at iniwan ko si Karen na di magkandaugaga sa kakatawa.
As usual, matinding payabangan at kwentuhan ang maririnig mong kwento sa unang araw ng klase. Merong nagbakasyon sa kani-kanilang probinsya, may nagpunta sa Bora, Bohol at kung saan pa. Bakit di na lang kaya sila pumunta sa outer space, tutal maluwag dun, for sure di sila magiging crowded.
Ang sabihin mo Amvi, inggit ka lang!
Sus! Ikaw kaya ang maimbak ng buong bakasyon sa palengke. Try mo kaya.
"Tumigil na nga kayo", pabulong ko sa dalawang sira-ulong sarili ko.
"Hoy!Amvi! Sinong kausap mo dyan?"
Eto talagang si James pakialamero. Palibhasa frustrated maging babae. Mas mapula pa ang lipstick sa pinirat na makopa.
"Tse! Wala ka na dun! O kumusta naman ang bakasyon mo? Ang pasalubong ko? Wag mong sabihing nakalimutan mo. End of friendship na!"
"Ikaw pa makakalimutan ko. Takot ko lang na di mo na ko pakopyahin. Hihihi. O eto, tago mo agad baka may makakita pa", sabay silid ng isang plastic sa loob ng bag ko.
"Thanks bes! You're the best talaga! Teka, ano ba yung nasa plastic?" urirat ko.
"Danggit. Alam kong favorite mo yun kaya sabi ko kay Ate dagdagan nya yung iuuwi nyang danggit. Di ako nakasama sa kanya sa Cebu kasi sinama ako ni Billy sa Pangasinan. Hay! Naku, ang dami kong kukwento sa 'yo bes. Grabe! Sobrang kilig yung bakasyon ko! Grabe!" Halos mapunit ang uniform ko sa sobrang panggigigil ni James.
"Ang landi mo talaga girl! Sige, mamaya mo ikwento yan sa recess".
"Anong ikukwento? Anong meron?" tanong ni Karen habang isinasabit ang bag sa likod ng kanyang silya.
"Etong si James walang ginawa nung bakasyon kundi lumandi. Isinama daw sya ni Billy sa Pangasinan".
"Talaga girl? Ok lang sa Mama mo? E sa mama ni Billy? Girl, kwento mo na, sige na", pangungulit ni Karen.
"Mamaya na lang sa recess kasi andyan na si Ma'am. Baka makurot ako sa singit, e first day pa lang ng klase. Pero girl, grabe hanggang ngayon kinikilig pa din ako".
Biglang tumahimik ang lahat nang mapansing nakatayo na sa harapan si Ma'am Abella. Super sungit kasi ng teacher na 'to. Buti na lang at hindi sya ang advisor namin. For sure, kahit first day of classes pa lang, e magle-lesson na agad kami. Good luck Amvi sa last year mo sa high school. Make the most out of it. Enjoy every moment dahil after this, panibagong chapter at challenges sa buhay ang kakaharapin mo. Remember, madami kang pangarap para sa pamilya mo. This is it! Kaya mo yan! Aja!

BINABASA MO ANG
Amvi Tiosa
RomantizmMangangarap ka nalang, siguraduhin mo munang gising ka! Mahirap na kung tutulog tulog ka, baka maka alpas pa ang minimithi mong pangarap. =))