Chapter Seven

16 1 1
                                    

CHAPTER SEVEN

Alas siyete impunto ng umaga ng Sabado ay nasa tapat ako ng principal's office hindi dahil may ginawa akong kapalpakan kundi para tugunin ang aking tungkulin bilang 'temporary' campus queen ng aking pinakamamahal na eskwelahan.

Ano ba yan ang aga-aga ang drama mo Amvi at tsaka para kang espasol.

Espasol?

Oo, espasol. Sa sobrang kapal ng pulbos mo daig mo pa ang pinagulong-gulong sa harina. Ay sus! Alam ko na kung bakit... magpapa-cute ka kay Harry no?

"Hindi a!" sabay dali-dali kong pinunasan ang mukha ko. Baka nga kasi sobrang kapal ng pulbos ko at nakakahiya naman kay Harry.

"Anong hindi?"

"Ay lintik kang kabayo ka!" Nagulat kong sabi nang biglang may nagsalita sa aking tagiliran. Akala ko ay totoong sumagot ang isa sa mga baliw kong sarili, yun pala ay si Harry lang. OMG! Narinig na naman nya akong nagsasalitang mag-isa. Hindi malayong pag-isipan ako nitong nababaliw na.

Amvi umayos ka. Nakakahiya ka!

Magsitigil na nga kayo! Lubayan nyo ko! Lalo akong mapapahamak sa inyo e!

"Ako kabayo?" nagtatakang tanong ni Harry sabay kamot sa ulo nya.

"Ha? Ano, a hindi! Ang ibig kong sabihin hindi pa ako late. Sakto lang pala ang dating ko. Ginulat mo kasi ako. Kanina ka pa dyan?"

"Kadarating ko lang. Wala pa ba yung mga taga-Chronicle?"

Chronicle ang pangalan ng aming school paper. May makakasama kaming mga taga-Chronicle para mag-document ng gagawin naming school feeding. Dapat nga sana ay sasali ako sa org na 'to kaso nung nalaman kong ang dami palang ginagawa at halos every Saturday ay kailangan nilang pumunta sa school para mag-meeting o kaya naman ay mangalap ng mga article para sa school paper ay nagdalawang-isip ako.

Importante kasi ang araw ng Sabado sa akin. Buong araw kasi akong nasa palengke para tulungan si Nanay o kaya naman ay para maglaba ng mga damit namin. Mabuti na lang at napakiusapan ko si James na tulungan muna si Nanay sa palengke habang wala ako.

Alam ko namang gustong-gusto nyang tumatambay sa palengke dahil nakakasilay sya sa kanyang ultimate crush na si Patrick, ung kargador ni Mang Max. Baliw na baliw kasi yun kapag nakikita nya ang mga muscles ni Patrick. Pero pag tinukso mo ung baklang yun ay kung todo tanggi naman.

Mabui nga ay naintindihan naman ni Nanay ang obligasyon ko bilang 'temporary' campus queen at ok lang naman sa kanya na hindi muna ako tumulong sa palengke.

"Parang may nakita akong pumasok sa loob ng principal's office nung dumating ako. Baka sila na yun".

"There's only one way to find out. Halika pasok na tayo", nakangiting sabi ni Harry sabay hawi ng buhok.

Ayos na yung ngumiti ka e pero sana wag mo ng hawiin pa yung buhok mo. Papatayin mo ba 'ko sa sobrang kilig dito o kaya sa sobrang kahihiyan kapag hindi ko napigilan ang sarili ko na maihi ako sa sobrang kilig.

"O-ok".

Pakiramdam ko any moment in time e bigla na lang susulpot si Karen sa harap ko at bibigyan ako ng isang matinding home-made-style-Karen kick and sapak kapag hindi ko inayos ang sarili ko.

Natatawa ako sa maaaring i-react ni Karen kung sakaling andito sya at nakikita ang mga kapalpakan ko sa harap ni Harry. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko dahil baka biglang may masabi o magawa na naman akong kakaiba.

Pagpasok namin sa loob ay nagbibigay ng last minute instructions si Mrs. Martinez.

"O andito na pala ang ating king and queen", nakangiting bati ni principal.

"Good morning ma'am", nagkasabay naming bati ni Harry.

"You know what? You look good together".

Bigla akong napapikit sa maliwanag na ilaw na sumilaw sa mga mata ko. Tsaka ko lang na-realize na galing pala ang maliwanag na ilaw sa flash ng camera ni Jordan, ang Chronicle's photographer.

"Hi! I'm Jordan the photographer", sabay abot ng kamay nito sa akin na nagdadalawang-isip pa ako kung aabutin ko.

Ang presko kasi ng dating nya. Hindi purgit may hawak syang digital camera ay gwapo na sya.

Amvi, gwapo naman talaga si Jordan kahit wala syang hawak na digital camera.

Mas gwapo pa din si Harry-my-labs.

"Muka nga", sabay turo sa hawak nyang camera. No choice ako kundi abutin ang kamay nya para makipag-shake hands.

"Hey Jordan, kumusta?" bati ni Harry.

"Ayos lang", nakangiting sagot nito na hindi natitinag ang pagkakatingin sa akin.

"Ok! Let's get ourselves ready dahil naghihintay na ang van na maghahatid sa inyo sa Barangay Hall. I'm sure nandun na ang mga food na idi-distribute nyo".

Isa-isa na kaming lumabas ng principal's office at dumiretso sa may parking area ng school kung saan naghihintay ang puting van na may logo ng school.

Habang nasa byahe ay kanya-kanya silang may mga pasak sa tenga at nakikinig sa kung ano mang music ang nasa kanilang ipod o cellphone.

Syempre since wala naman akong ipod at fm radio lang ang nasa cellphone ko, I decided na gawin na lang ang favorite pasttime ko. E ano pa nga ba? Ang mangarap ng gising.

Pero bago ko simulan ang pagde-daydream ay tinignan ko muna ang mga kasama ko sa van.

Si Harry, nakapikit at mukang ninanamnam ang sounds na nanggagaling sa ipod nya. Ang gwapo talaga nya. Hindi lang ako makatitig ng husto kasi baka mapansin ako ni Jordan na busy naman sa kakalaro sa psp habang may pasak din sa tenga.

Si Chezka, ang isa sa mga writers ng Chronicle ay busy sa pagte-text na paminsan-minsan ay nangingiti. Siguro ganito ang itsura ko kapag may maganda o nakakatawa akong naiisip. Mukang tanga lang!

Since lahat naman sila ay busy at wala akong makausap, tumingin na lang ako sa may kalsada at nag-antay ng may mapagti-tripan sa kalye.

Habang nakahinto ang sasakyan ay nagulat na lang ako nang biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ko na nagbebenta ng kung ano-ano.

Umiling na lang ako para umalis na agad sya. Habang naglalakad palayo ang lalaki ay napansin ko ang mga nilalako nya.

Kaldero! At sino namang nasa matinong pag-iisip ang bibili ng kaldero na nilalako sa gitna ng kalsada! Ang labo naman ni manong. Gusto ko sanang bumaba ng van para sabihin sa kanya na sa ibang lugar na lang nya ibenta ang mga paninda nya kaso baka yun talaga ang trip nya.

Walang basagan ng trip!

Medyo nagtagal kami sa pagkakahinto. Inabutan na ata kami ng counter-flow ng traffic. Grabe lang! Kahit Sabado may counter-flow pa din? Matindi na talaga ang problema sa traffic.

Sinundan ko ng tingin si Manong kaldero at nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang bintana ng isang pulang SUV.

Akalain mo! May nagkainteres sa binebenta nyang kaldero dito sa kalagitnaan ng kalsada!

Laking gulat ko ng makita kong may inaabot na pera yung aleng nakasakay sa pulang SUV at kinuha nito ang isa sa mga kalderong binebenta ni Manong Kaldero.

Mas malakas ang trip ni aleng nakasakay sa pulang SUV.

Napailing ako at tulad ni Chezka ay lihim na ngumiti sa aking sarili. Kanila lang ay nagplano akong maghanap ng mapagti-tripan sa kalye. Hindi ko akalaing ako pala ang mapagti-tripan nina Manong Kaldero at aleng nakasakay sa pulang SUV.

Ang buhay nga naman. Naghahanap tayo ng mga bagay o sitwasyon na makapagpapasaya o makapagpapangiti sa atin. At hahanapin natin ito sa ibang tao o sitwasyon sa paligid natin.

Ang hindi natin alam, tayo pala mismo ang tao at nasa sitwasyon na hinahanap natin na maaaring makapagpangiti o makapagpasaya sa atin.

Tama ang sabi nila... sometimes the joke is on us. Kaya bago pa mas maging katawa-tawa ka sa sarili mong paningin, tignan mo muna ang sarili mo. Baka mas talagang katawa-tawa ka kesa sa ibang tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Amvi TiosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon