CHAPTER THREE
"Remember, yung sinabi ko sa 'yo, dapat lagi kang naka-smile. 'Wag kang kakabahan. Ayusin mo yung paglakad mo. Dapat feeling confident. Dapat laging chin up. Stomach in chest out", dire-diretsong paalala ni James.
"Tigilan mo na nga yung kakatorete mo kay Amvi. Lalo syang kinakabahan sa ginagawa mo e", sabi ni Karen sabay tapik kay James.
"Bessie, kaya ko ba to? Sobrang kinakabahan ako", nauutal kong sabi kay Karen.
"Basta bessie, yung pinag-usapan natin kagabi, kaya mo 'to. Ikaw pa! Si Amanda Victoria Tiosa pa! Mapapataob mo silang lahat!"
Matapos ang isang linggo simula nung sinabi ni Ma'am Aguilar na makakaroon ng competition para sa pagka-Campus Queen ay isa sa bawat section ang maglalaban-laban sa title. Sampu ang lahat ng kalahok at lima dito ang pipiliin para sa elimination. Magsisimula ang competition sa pagrampa at pagpapakilala sa sarili. Ang bawat kalahok ay kailangang magpasa ng kani-kanilang speech tungkol sa mga makabuluhang bagay sa komunidad na sya namang huhusgahan ng mga hurado. Kapag nakapili na ng lima, sila ang maglalaban-laban sa talent. Sa limang natira, dalawa dito ang pipiliin para naman magpataasan sa pondong malilikom sa pagbebenta ng ticket. Isang linggo lang ang magiging panahon para magbenta ng ticket. Magkakaroon ng question and answer sa huling araw ng competition at dito na malalaman kung sino ang tatanghaling Campus Queen.
Isa-isa nang tinatawag ang mga contestants. Number 7 ako. Sabi nila ay swerte ang numerong ito. Sana nga ay swertihin ako. At sana lang ay hindi ako matapilok sa pagkataas-taas na heels na pinahiram sa 'kin ni Joanna.
Pagkatapos rumampa at magpakilala sa sarili ay tatanungin ka ng isa sa mga judges kung bakit yun ang napili mong topic para sa speech na pinasa mo. Nakailang revise ako ng speech tungkol sa kahalagahan ng pagiging isang responsableng tao para sa ikauunlad ng bawat aspeto ng komunidad na gagalawan mo. Hindi makapaniwala si Ma'am Aguilar na kaya kong magsulat ng ganoong kalalim na topic. Daig ko pa daw ang isang professional writer.
Sabi ni James na yung ibang contestants ay nagpagawa lang ng speech o kaya ay ginawa mismo ng advisor nila. Meron pa nga na nagsabi kay Karen na gawan ko daw ng speech. Akala kasi nya ay hindi ako kasali. Pero nung sinopla ni Karen na kasali ako ay bigla daw nahiya at tumalikod na lang.
OMG! Ako na ang next. Naririnig ko na si Number 6 na nag-e-explain kung bakit global warming ang napili nyang topic. Amvi! Kaya mo 'to. Make your Nanay proud!
"Next, may we call on Amanda Victoria Tiosa!" sabi ng emcee na si Ms. Turillo.
Dinig na dinig ko ang kabog ng dibdib ko na malakas pa ata sa hiyawan ng mga kaklase ko. Pumikit muna ako at isa-isa kong sinariwa ang masasayang alaala namin noong kasama pa namin si Tatay. Huminga ako ng malalim at inihakbang ko ang aking paa papunta sa harap ng maraming tao na di magkamayaw sa pagpalakpak at pagsigaw sa aking pangalan. Nabalot ako ng kasiyahan lalo na nang makita ko si Nanay, Andrew at Anne na katabi ni Ma'am Aguilar sa unahan ng stage. Umabot hanggang tenga ang ngiti ko nang marinig kong nangingibabaw ang sigaw ni Andrew at Anne. Feeling ko ngayon pa lang ay panalo na 'ko.
Matapos kong rumampa, awa ng Diyos at hindi ako natapilok, ay dumiretso ako sa gitna ng stage kung saan nandoon ang mike. Mabuti na lang at hindi ako nautal nang ipakikila ko ang aking sarili.
"Amvi, kakaiba ang topic ng speech mo. Bakit ito ang napili mo?" tanong ni Ma'am Abella.
Ano ba yan! Sa dinami-dami ng judges bakit ang terror na si Ma'am Abella pa ang natapat sa 'kin.
"Marami po kasi sa mga kabataan ngayon, kasama na ang aking sarili, na kailangang maging responsable sa kahit anong bagay, sitwasyon o pagkakataon na nangyayari o maaring mangyari sa hinaharap. Dahil kung magiging responsable ang bawat isa, lalo na sa murang edad pa lamang, ay dadalhin nila ito sa kanilang pagtanda na maaari nilang ipasa sa mga susunod pang henerasyon. Naniniwala po ako na dapat maging maingat at responsable tayo sa bawat bagay na gagawin natin dahil kahit maliit lamang ito ay maaaring makaapekto sa ibang tao sa ibat-ibang pamamaraan".
BINABASA MO ANG
Amvi Tiosa
RomanceMangangarap ka nalang, siguraduhin mo munang gising ka! Mahirap na kung tutulog tulog ka, baka maka alpas pa ang minimithi mong pangarap. =))