CHAPTER FOUR
"Hoy Amvi, ano bang nangyari sa 'yo kanina nung in-announce yung pangalan mo? Parang wala ka sa sarili mo?" tanong ni Karen habang inilalapag ang inorder naming lugaw.
Pagkatapos ng contest ay umuwi na agad sina Nanay dahil inaantok na daw si Anne kaya kaming tatlo na lang ang kumain sa lugawan.
"Hindi ko kasi narinig si Ms. Turillo. Ang lakas kasi ng hiyawan", paliwanag ko habang inaabot kay James ang mga bote ng softdrink.
"Naku kailangang mag-ready tayo ng husto. Narinig ko kasi kanina sa backstage na talagang maglalabas ng maraming pera si Clarisse para maipanalo nya 'tong contest", singit ni James na sinusimulan ng balatan ang nilagang itlog na isasama nya sa kanyang lugaw.
"Naku, e wag na tayong mag-effort pa. Siguradong talo na tayo. E san naman ako kukuha ng pera para ipambili ng ticket?" napabuntong-hininga kong sabi dahil alam ko namang pagdating sa usaping pera e bokyang-bokya na ako.
"Ikaw! Napaka-nega mo talaga. At sino naman maysabi sa 'yong ikaw ang maglalabas ng pera, bukod sa wala ka naman talagang ilalabas", singal ni Karen. Alam kong ikaiinis ni Karen ang ganitong klaseng usapan dahil unang-una sa lahat ay ayaw na ayaw nya yung minamaliit ko ang aking sarili. Ayaw din nya na pinagdidikdikan ko ang pagiging mahirap namin, at higit sa lahat, ayaw nya yung nagpapatalo agad ako ni hindi man lang lumalaban.
"Ikaw na din ang maysabi, wala akong ilalabas na pera, so bakit kailangan pa tayong magpakapagod? E sigurado naman na si Clarisse na ang mananalo".
Pagkasabi ko nito ay muntik ng sumubsob ang mukha ko sa tasa ng lugaw sa harap ko sa sobrang lakas ng pagkakabatok ni Karen.
"Grabe ka naman! Ansakit nun a!" reklamo ko ngunit di na ako nakapalag pa nang pandilatan ako ng mata nina James at Karen.
"Tama lang yan! Baka sakaling matanggal ang mga negative energies mo sa katawan kasi kung kulang pa, dalawa na kami ni Karen ang babatok sa 'yo", dire-diretsong sabi ni James.
"Maglilibot tayo sa palengke. Bebentahan natin lahat ng tindera dun", sabi ni Karen na biglang na-excite sa gagawin namin.
"E bibili ba yung mga yun? Imbes na ipambili nila ng ulam, e ipambibili pa nila ng ticket", mahina kong sagot.
"Hoy! Kung sino ka man, lumayas ka sa katauhan ng kaibigan namin. Asan na yung Amvi na kilala ko na palaban, na di sumusuko, na kayang harapin anuman ang dumating?" madramang sabi ni James na nakapamewang pa na 'kala mo ay isang donya.
"Alam ko na kung ba't ka nagkakaganyan. Basang-basa na kita Amvi", hirit ni Karen sabay subo ng tokwa't baboy.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kung bakit sobrang pinanghihinaan ka ng loob. Dahil kay Harry. Dahil alam mong yung kalaban mo ang nililigawan nya", sabi ni Karen.
"Hindi a! Bakit hindi ko naman sinabi na dapat ako ang ligawan nya!" depensa ko.
"Ay sus! Amvi, wala ka ng maitatago pa sa amin. Pero come to think of it, malay mo naman, baka pag ikaw ang nanalong Campus Queen ay ikaw na ang ligawan at di na yung bruhildang Clarisse na yun", sabi ni James na may halong tawang-bruka!
"Alam ko ambisyosa ako pero hindi ako ilusyunada!" at sabay-sabay kaming nagtawanan sa sinabi ko.
Ngunit sa likod ng mga tawa ko ay totoo ang sinabi ni Karen na kaya ako pinanghihinaan ng loob ay dahil si Clarisse ang makakalaban ko at alam kong nililigawan sya ni Harry.
Nakatulog ako na may ngiti sa aking labi. Alam kong masayang-masaya si Nanay. At ako naman, masaya na may halong kaba. Ganunpaman, tama ang mga kaibigan ko. Bakit agad ako susuko dahil lang sa Clarisse na yun. Maraming umaasa sa 'kin at ayoko silang biguin. Ibabaon ko na lahat ng negative feelings ko sa aking pagtulog para bukas ay panibagong lakas at determinasyon ang babalot sa 'kin. Kaya ko 'to!
BINABASA MO ANG
Amvi Tiosa
RomanceMangangarap ka nalang, siguraduhin mo munang gising ka! Mahirap na kung tutulog tulog ka, baka maka alpas pa ang minimithi mong pangarap. =))