Nicandra Alexa Sandoval
Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko.
Kung kailan wala ka na'y hanap ka pa rin ng mata ko.
Akala ko kaya ko. Pero bakit nasasaktan pa rin ako?
Sa'twing naaalala ka'y pumapatak ang mga luha ko.
Ang tanga tanga ko! Napakatang ko!
Bakit ko ba hinayaang mawala ka sa piling ko?
Nasaktan mo ako noon pero bakit ngayo'y mas nasasaktan ako?
Nasaan ka na? Sana bumalik ka na sa buhay ko.
Tiyak na masaya ka na sa piling ng iba.
Tunay ngang sa buhay mo ako'y di na kasama.
Bakit? Sabihin mo sa akin. May kulang pa ba?
Ibinigay ko na sayo ang lahat pero bakit ang mahalin ako'y di mo kaya?
Ayoko na! Sumusuko na ako. Ayaw ko nang mabuhay pa!
Wala nang saysay ang paghinga ko kung di kita kasama.
Kung alam mo lang sana ang mga sakit na aking dinadala.
Sana ako'y kaawaan mo't iyong mahalin na.
Nasaan ka man ngayon sana'y malaman mong mahal na mahal pa rin kita.
Kahit ang dulot mo saki'y pagdurusa't pangungulila.
Mamahalin kita hangga't ako'y humihinga.
Kahit tinakwil mo ako't pinagtulakan pa.
Paano kaya kung tapusin ko ang buhay ko...
babalik ka kaya?
Mapagtatanto mo kayang ako na'y mahal mo
at nakahihigit sa kanya?
...the saddest part of being inlove is knowing that he/she can nevee love you back...
....may natuklasan ako. mas masarap at mas magandang magsulat kapag madaling araw...
suggest naman kayo kung sino ang gagawin kong bida??
medyo malungkot ang tulang ito. tiyak na makkarelate ang mga martir na umaasang mamahalin din siya ng taong minamahal niya...pero yun nga lang hindi siya mHal nito...
slamat s pagbbasa..
®vote®comment®share®
tnx..
:)