PAASa
Red Devin Martinez
Patawad kung sa tingin mo'y pinaasa kita.
Sinubukan kong mahalin ka pero wala talaga.
Alam kong nasaktan kita pero wala akong magagawa.
Hindi ikaw ang mahal ko at hiling kay Bathala.
Nung araw na naramdaman kong ika'y nahuhulog na.
Hindi ko alam ang gagawin ko kung sasaluhin ba kita.
Alam kong masasaktan ka't magmumukhang tanga.
Pero ano'ng magagawa ng puso kong nagmamahal ng iba?
Ayaw kong masira ang sa atin ay mayroon.
Pero wala akong magagawa dahil iyon ang hinihingi ng pagkakataon.
Kaysa naman sa paaasahin kita nang panghabang panahon,
ay mas ginusto kong saktan ka ngayon.
Mahirap din sa akin ang makita kang umiiyak.
Nadudurog ang puso ko't sa'yo'y di makasulyap.
Hindi ko naman kayang saluhin mga luha mong pumapatak.
Sapagkat alam kong ang puso mo'y lalo lang mabibiyak.
Kaya't sana ang paglayo ko'y iyong maunawaan.
Huwag ka sanang iiyak, huwag ka sanang magdaramdam.
Gusto ko mang manatili pero kailangan kong lumisan.
Sapagkat kung ako'y mananatili lalo ka lang masasaktan.
Paalam na sa'yo espesyal na kaibigan.
Sana sa paglayo ko'y mahanap mo na ang kaligayahan.
Maging masaya ka sana't hindi na masaktan.
Sa bago mong pag-ibig na masusumpungan.