Red:
Kahit ano ay gagawin mapasaakin ka lamang.
Lahat iaalay sa iyo pag-ibig lang ay mapatunayan.
Mahal na mahal kita, wag mo itong pagdudahan.
Pangako, ikaw lang, magpakailanpaman.
Maaari ba kitang maaya na kumain sa labas?
O kaya’y manuod sa sinehan ng magagandang palabas.
Saya ng aking puso’y hindi ko masukat,
Para na akong mababaliw sa labis na tuwa’t galak.
Alam mo bang sa sandaling ito, kaparis mo’y bulaklak?
Mayumi, mahinhin at mahalimuyak.
Nais kitang alagaan, mahalin at mayakap,
Magkahawak-kamay na lilipad sa matayog na ulap.
Lumilipad ang isip kapag ika’y nariyan.
Naglalakbay sa kasalukuyan, sinisilip ang ating hinaharap.
Isang malinaw na pangarap, isang magandang aklat,
Ang sa ati’y nakalaan, nawa ito ay matupad.