Pusong Lito
Red:
Sinaktan kita noon... Pero bakit parang... mahal na kita ngayon?
Hindi ko rin maipaliwanag. Puso't isip ko'y sa'n itutuon.
Nalilito't naguguluhan. Saan nga ba paparoon?
Nawa'y loobin na tayo'y magkasama ng tadhana't pagkakataon.
Ewan ko nga rin ba kung ano'ng nangyari.
Basta nagising na lang akong iniisip ka palagi.
Sana nga talaga'y di na kita pinaasa't ginawang sawi.
Disin sana'y masaya na tayo ngayon at may ngiti sa mga labi.
Sana'y may natira ka pang pagmamahal para sa katulad ko.
Sana'y mahalin mo pa rin ako sa kabila ng mga ginawa ko.
Alam kong pinaasa kita, ginawang tanga't niloko.
Pero ngayon... iba na ang nararamdaman ko.
Alam kong hindi madali pero nauunawaan ko.
Pero sana'y dumating din ang oras na mapatawad mo na ako.
Itatama ko na ang lahat ng mga pagkakamali sa'yo.
Magsisimula tayong muli at bubuo ng magandang kuwento.