Ngayo'y Naririto

142 6 0
                                    

Ngayo’y Naririto

Ako’y biglang kinabahan, ngiti ng puso’y hindi maikubli.

Nang ika’y lumapit sa akin para na akong maiihi.

Totoo ba ang lahat ng ito, hindi ba ako nananaginip?

Ngayo’y kaharap ko na ang laman ng aking panaginip.

Para akong natatawa sa iyong pagsasalita.

Halatang kinakabahan ka at naguguluhan.

Hindi ka makatingin nang diretso sa aking mata,

Nanginginig ang iyong paa’t tila naguguluhan.

“Alexa, patawad sa lahat ng mga nagawa ko sa’yo noon.

Patawad kung sinaktan kita’t pinaasa at pinagmukhang tanga.

Kung maaari ko lang sanang ibalik ang nasayang na panahon,

Hindi ka n asana sinaktan pa, iniwan at iniwang nangangamba.

Ngayong narito na ako, hayaan mong palitan ko ang iyong luha ng mga ngiti.

Papawiin ko na ang sakit at sa iyo’y babawi,

Kung mararapatin mo lamang, nawa’y hayaan mong mahalin kita,

Kalimutan na natin ang nakalipas at maging tayong dalawa.”

Hindi ko malaman kung ano ang aking isasagot.

Hindi ko namalayan, ang aking luha’y nagpapang-abot.

Mahal na mahal pa rin kita, ngunit puso ko’y natatakot,

Sana sa pangalawang  pagkakataon hindi ko na maramdaman ang kirot. 

PAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon