Mahal na nga ata kita
Redd:
Kahit sa malayo ika'y aking pinagmamasdan.
Sa simpleng ngiti mo, abut-abot na ang kaligayahan.
Bakit nga ba ganito ang aking nararamdaman.
E...Ewan ko... basta ang alam ko ngayon,
Nais na kitang maging kasintahan.
Sa tuwing ako'y mapapatingin sa'yong maamong mukha,
Dito sa puso ko'y walang pagsidlan ang tuwa.
Kung may lakas lang sana ako ng loob na sayo'y muling lumapit pa,
Hindi na ako mag-aatubili pagkat puso ko'y sasabog na.
Pero paano nga kaya kung ngayo'y subukan ko.
Buong tapang na sasabihin ang nadarama ng puso ko.
Hindi kaya ako kagalitan at ika'y tumakbo.
Ano'ng laking kamalasan kung ito'y magkatotoo.
Isa, dalawa,tatlo. Teka, kailangan ko pang bumuwelo.
Paano ko nga ba sisimulan ang ating bagong kuwento?
Hi! Hello? ...Paano nga ba 'to?
Basta bahala na... Bahala na si Bro!
Ngayo'y hindi na ako mag-aatubili.
Hangad na kitang makasama magandang binibini.
Sa gagawin kong ito sana ako'y magwagi.
Nang matapos na ang alalalahaning dala ko palagi.
Mamayang hapon bago mag-uwian.
Aalukin kita na kita'y sabayan.
Aayain kang kumain doon sa lugawan.
o kaya'y mamamasyal sa dalampasigan.