BULONG (CHAPTER 2)

506 14 0
                                    

Kinabahan nanaman si Joshua sa pagkawala ng babae sa elevator. Sinubukan niyang lumabas pero nagsara na ang elevator at nagsimulang umandar.

(Ring, Ring), tumunog ang kanyang cellphone.

“Hello?” Joshua picked the phone up. The phone call came from his bestfriend na girl, Jessica.

“Hi Josh. Musta ang trabaho?” tanong ni Jessica.

“Okay lang. Kaso Kakapagod nga yung article na ginawa ko eh.”

“Ganun ba? So nasa office ka pa nga.. Sabi na nga ba eh. May kasama ka ba diyan?”

“Wala. Ako lang mag isa. Nasa elevator na ako at uuwi na ako.”

“Talaga? Wala kang kasama? Baka naman di mo lang nakikita..” Pagbibiro ni Jessica na iniba pa ang kanyang tinig na parang pang multo. Alam kasi niyang takot na takot ang kanyang bestfriend sa mga multo.

“Jess, you’re not funny ha. Stop it, I beg you.”

“Hahaha. Hindi ka pa rin nagbabago Josh. Duwag ka pa rin.”

“Whatever.”

“Sige, bye na. Ingat ka, my jejemon best friend. Wahahaha!”

“Bye. Good night.”

Ibinaba niya na ang cellphone niya. Laging gulat nalang niya ng makita sa screen na nasa underground na siya kung san nagsisilbing bodega ng building. Muling pinindot ni Joshua ang L, isang 2 floors ang pagitan ng underground sa L. Agad namang tumugon ang elevator..pero nilampasan nito ang L at dinala siya sa roof deck na 22th floor ng building.

At sa roof deck, bumukas ang pinto. Napakadilim sa roof deck. Kabadong kabado na si Joshua. Umihim ang isang napakalamig na hangin. Dahil sa dilim sa roof deck, wala siyang makita kahit konti. Maliban sa isang malaking transmitter, ay helicopter landing lang ang gamit ng roof deck. May maliit ring utility area doon kung saan naglilinis ang mga janitor.

May narinig siyang yapak, palapit ito ng palapit sa elevator. Pindot naman siya ng pindot sa L button, pero this time, hindi na ito gumagalaw. Patuloy ang pag lapit ng yapak. Pinawisan na si Joshua. Ang mga mata niya ay parang mata na ng owl na nakabantay sa mga susunod na mangyayari. He stepped back and felt the his back against the elevator wall.

“Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” napasigaw si Joshua ng malakas.

“O bakit sir? Anong problema?” tanong ng security guard na biglang sumulpot mula sa dilim hawak hawak ang kanyang flash light na mamamatay na dahil sa mahinang baterya.

“Kuya naman eh! Ginulat niyo ako!” Joshua said.

“Ah ganun ba sir. Sorry. Teka, anong ginagawa niyo dito sa roof deck?”

“Diba pumindot ka kuya kaya ako napunta dito?”

“Ay hindi po sir. Ang swerte ko nga at bukas na ang elevator ng pababa na ako. Nag check lang ako dito kaya ako andito.”

“H-ha? K-kung hindi ikaw, sino ang pumindot?”

“Hindi ko alam sir.”

Joshua is very puzzled what the heck brought him in that God damn place.

Nang dumating na si Joshua sa lobby ay agad agad na siyang lumabas at tumungo sa kanyang kotse na nasa labas naka park.

“Mabuti nalang pala at hindi ko to ipinark sa parking area ng building, baka mas multuhin pa ako dun.” Sabi ni Joshua sa kanyang isip.

But aside from his experiences that early morning, he still don’t believe that it is something very unhuman that made it that way. He is a very realistic guy, but still, very scared of extraordinary and paranormal thinks.

He forced himself to believe that it is nothing but a technical difficulty.

BULONG (CHAPTER 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon