The Whisperer Chapter 13: The Revelations
“April noon, (year),” unang salita ni Richard na pumayag nang magkwento tungkol sa kanila ni Agnes. “Excited akong naghihintay sa nasunog na ngayong bahay ni Agnes sa kanya pagkat yun ang kaunaunahan naming date at sa tingin ko, sasagutin niya na rin ako.”
“Dinala ko siya sa isang restaurant. Ang restaurant, inarkila ko para kami lang dalawa doon. May romantikong mga musikero ang tumutugtog habang kami ay naglalakad papunta sa aming upuan.”
“Ang gabing yon, it was such a night to remember, maybe the night that will forever stay in my memory. The best night ever. Yun, tama nga ang hinala ko, matapos ang tatlong buwang panliligaw ko, hindi natapos ang gabi ay sinagot niya na rin ako. Lubos ang tuwa ko ng gabing yun…”
“At sa loob ng apat na taon, miminsan lang kami nag kakatampuhan at hindi pa ito umaabot ng isang araw man lang. Pero biglang umikot ang mga mundo, May (year), namatay si Mr. Fred Fuentabella, ang ama ni Agnes at kasalukuyang pinuno ng FGC.”
“Masakit man, hiniwalayan niya ako para mag focus sa nalalapit niyang pagti-take over sa FGC. Dahil isa rin ako sa top exec ng kumpanya, naiintindihan ko ang sentimyento niya. At kung si Agnes ay nakipaghiwalay sa akin noon, ang kapatid niya namang si Alicia, na ibang iba sa kanya, nagpakasal sa kakambal kong si Ronnie.”
“Kahit kamamatay pa lang ni Mr. Fred?” tanong ni Jessica.
“Oo, ewan ko ba sa babaeng yun, bakit kahit itinuring siyang tunay na anak ni Mr. Fred ay walang kaamor amor ito sa kanyang naging pangalawang ama.” Sagot ni Richard.
“At kahit naghiwalay na kami, we have a very good workin relationship. It is undeniable na tumulong nga naman si Alicia at si Ronnie para tuluyang maging si Agnes ang pinuno ng FGC. Pero may iba lang akong nakikita..”
“Ano po yun?” tanong naman ni Frankie.
“Simula pa lang pagkabata ng unang manirahan sa isang bubong si Agnes at Alicia, inggit na inggit na si Alicia kay Agnes.”
“Inggit? Sabi po ni Ms. Alicia ay kailanman hindi pa sila nagka inggitan ni Ms. Agnes?”
“Well, she lied. Inggit si Alicia hindi lang dahil higit na mas mayaman si Agnes sa kanila bago nagsama ang kanyang mommy at si Mr. Fred, kundi dahil napalapit rin ng husto ang ina niya sa napakabait at napakagalang at napakagandang si Agnes. At simula noon, palagi raw siyang tinatarayan, tinatalakan, iniisnab, hinihiya at kung ano ano pa ni Alica.”
“Nagsinungaling si Ms. Alicia Fuentabella?” sabi ni Joshua.
“At nang mamatay na si Mr. Fred, tuluyan na ngang pinangasiwaan ni Agnes ang FGC. Naging matagumpay siya at nagawang gawing no.1 ang ilan sa mga negosyo ng kumpanya. At kung patuloy na pinahahanga ni Agnes ang mga tao sa FGC, ito si Alicia, paikot ikot nalang sa iba’t ibang lugar sa mundo kasama ang kakambal ko at inienjoy ang yamang pinaghirapan ni Agnes. Oo, pumapasok nga at nagtatrabaho si Ronnie, pero si Alicia, hindi.”
“Dumating ang pinakamalaking dagok ng buhay ko, sa loob ng limang taon ng walang kapantay na pamamahala ni Agnes sa FGC, nabalitaan ko nalang ang sunog sa kanyang mansion na pumatay sa kanya, at sa kanya lamang. Wala na ang mga katulong, hardinero, driver, at iba pa niyang taga pag silbi. Unang pumasok sa isip ko na baka nga sila ang may pakana, pero ayun sa mga kapitbahay nila, pinagday off daw sila. Kaya sino naman kaya ang nagpaday off sa kanila?”
“Pero s-sabi po nila..”
“Na ako ang nag padayoff? Well that’s a perfect lie! Alam niyo bang nasa Beijing ako ng mangyari yun? I’m on a vacation. The next day, I went home because of the blaze.”
“But sir, why didn’t you defended yourself?” tanong ni Jessica.
“Why would I? I have no reason to live no more because of Agnes. Hinihintay ko na lang sana ang pagkakataon na makakaya niya na kaming pagsabayin ng career niya. Alam kong mahal niya pa rin ako. She just can’t find a time for us.”
“How can you explain naman po ang kwento ni Ms. Alicia na pagkamatay raw ni Agnes ay sinubukan niyong maging pinuno ng FGC?” tanong ni Joshua.
“Another simple thing na nilagyan ng malisya. Alam niyo ba kung bakit? Dahil alam kong babagsak ang kumpanya kung si Alicia ang mamumuno! Pwede niyang kamkamin ang resources ng kumpanyang matagal na inalagaan ng mag amang Fuentabella. So will I let them do that sa pinaghirapan ni Mr. Fred at Agnes? No way. But because of bribing, yun, ngayon nasa masamang kamay na ang FGC. I know kung saan man si Agnes ay disappointed siya sa standing ng FGC.”
“Standing ng FGC?”
“Yes, alam mo bang pagdalaw sa akin ng isa kong kaibigan dito, kwento niya, isang buwan pa lang ng leadership ni Agnes at ng traydor kung kapatid, bumaba na ang sales and income ng FGC. Kung dati every year ay tumataas ito ng 2 – 3% over sa mga competitors, ngayon bumaba ng 8% lang naman ang income in a month. Can you believe that? Sa isang iglap, ang dating nangunguna, magiging kulelat. Kaya mali bang iprisinta ko ang sarili ko para pamunuan ang kumpanya dahil ako naman ang tunay na pinagkakatiwalaan ni Agnes bago siya pinatay.”
“Hmmmmmmmmm… Ganun pala yun. Salamat po sir sa maikli niyong kwento. Salamat po talaga. Tama ang desisyon ko na kunin ang panig niyo. Ngayon malinaw na ang lahat sa akin.” Sabi ni Joshua. Paalis na sana sila sa kinauupuan ng maalang..
“Ah sir, how ‘bout the half heart bracelet that was found in the burned house?”
“Ano? May nakita kayong half heart bracelet doon?”
“Opo. Sa inyo po ba yun? At kung sa inyo, bakit nandoon?”
“Is the half heart bracelet left or right?”
“Po?”
“Is it left or right!?” biglang naging hysterical si Richard.
“L-left po. Bakit po?”
“Walang hiya sila.” Sabi ni Richard na pilit nagtitimpi. Ang mga kamao nito ay mistulang gustong manuntok.
“Bakit po sir?”
“Ang half heart bracelet na yun ay galing sa mommy ko. At isa pa, ibinalik sa akin ni Agnes ang right half heart bracelet nung hiwalayan niya ako. Kahit puntahan niyo pa sa bahay ko. Ang binigay sa akin ni mommy ay right, at ang left…”
“Kanino po niya binigay?”
“Kay Ronnie. Sa traydor na si Ronnie.”
BINABASA MO ANG
BULONG (CHAPTER 1)
Mystery / ThrillerSi Joshua ay isang columnist sa isang weekly news magazine. Forte niya ang mga kwento tungkol sa pulitiko at mundo ng pulitika. Pero all of a sudden,..READ MORE. PLS. VOTE AND LEAVE YOUR COMMENTS. THANKS!!! ENJOY READING!!! NOTE: SORRY PO NAGKAPALIK...