CHAPTER 5

393 12 0
                                    

The next day, the friends went to the office of Joshua. When they arrived, Joshua immediately turned on his computer. He opened the file titled “Businesswoman dead on Fire”.

“Pare, yan ba si Agnes?” tanong ni Frankie.

“Oo pare, siya nga yan.” Sagot naman ni Joshua.

“Wow pare, ang ganda pala niya! Parang medyo nag mature lang na Marian Rivera!”

“Mataba pala ha. Hehe.”

“Eh bat siya humihingi ng tulong eh sa sunog naman pala siya namatay ayon diyan sa report mo?”

“That’s what we are going to find out. Posible talagang may foul play dito.”

“Tapos?”

“We need to know her background first.”

“Eh paano naman kung hindi siya ang multo?”

“Sandali..”

Joshua started to browse pictures of Agnes Fuentabella when she is still living in the internet.

“There you go.” Joshua said while pointing to the monitor the picture of Agnes Fuentabella. “Hindi ba yan ang babaeng nakita nating dalawa kagabi? Saktong sakto diba ang kanyang kasuotan? Pati ang buhok at tindig niya, kapareho talaga eh. Yan ang kuha niya sa isang press gathering bago siya namatay sa sunog.”

“Oh I see. Ang ganda pala niya.” Sabi ni Frankie. “Tapos ano na ang gagawin natin?”

“Siyempre kailangan nating mag imbestiga.”

Tapos nun ay nagsimula na si Joshua mag google about Agnes. And he found out that Agnes Fuentabella is a 28 year old businesswoman. Owner and CEO of Philippines’ biggest group of companies, the Fuentabella Group of Companies or FGC. Included in the businesses of FGC are hotels and resorts around the Philippines, a clothing line, fastfood chains, and an advertising company. No doubt that she is indeed rich.

Napag-alaman rin ni Joshua at Frankie na may kapatid si Agnes, yun ay si Alicia Fuentabella, ang acting CEO ng FGC isang linggo matapos ang pagkamatay ni Agnes.

“Kailangan nating makausap ang kapatid niya, si Ms. Alicia.” Sabi ni Joshua.

Pagkatapos nun ay tumuloy na sila sa tahanan ng mga Villarico. Isa nang Villarico si Alicia pagkat nagpakasal it okay Ronnie Villarico, isa sa mga executives ng FGC.

“Ano pong kailangan nila?” tanong ng isang kasambahay matapos mag door bell sila Joshua.

“Ahmm..Pwede po ba naming makausap si Mrs. Villarico?”

“Ahh.. Si ma’am Alicia ba. Sino po sila?”

“Ah, ako si Joshua, Joshua Martinez. Columnist po ako galing sa The Weekly News magazine.”

“Ah. Sige, teka lang po ha.”

Pumasok ang katulong sa bahay upang tawagin ang kanyang amo. Makalipas ang ilang segundo ay bumalik na ito.

“Pasok daw po kayo.” Sabi ng katulong.

“Sige po. Thank you” sagot nila Joshua.

Tumuloy na sila sa bahay. Ang bahay ay malaki at glamoroso. Located ito sa isang pamoso at maluhong subdibisyon sa Makati. Sa isang magarang sofa, nakaupo na si Alicia at naghihintay.

“Good afternoon po. Ako nga pala si Joshua, Joshua Martinez.” Pagbati ni Joshua.

“Yes, I know you. Ikaw diba yung writer sa isang news magazine?” nakangiting sabi ni Alicia kila Joshua.

“Ah, opo. Ako nga po yun. Ito nga pala ang kaibigan ko, si Frankie, Frankie Morales.” Pagpapakilala ni Joshua sa kaibigan.

“Hi po.” Sabi naman ni Frankie.

“Hello. Ano nga pala ang kailangan nila?” tanong ni Alicia.

“Ahmmmm. Mrs. Villarico, magtatanong lang po ako ng ilang bagay tungkol kay Agnes Fuentabella. Mula sa kanyang childhood at sa kanya pong pag upo sa FGC.”

“Ah. Tungkol pala kay Agnes.” Sabi naman ni Alicia na tila ay nalungkot. Naging emosyonal ang current CEO ng FGC sa sinabi ni Joshua. Maya maya pa ay naluha na ito at tinakpan ang kanyang bibig ng isang panyo.

BULONG (CHAPTER 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon