It’s already 11pm when Joshua is awakened by his terrifying nightmare. Few seconds later, his iphone rung. It is Jessica calling.
“Hello? Joshua?” sabi ni Jessica na parang ninenerbyos siya.
“Jess, napatawag ka?” sagot ni Joshua.
“Dali, pumunta ka dito!”
“B-bakit?”
“Sa labas ng kwarto ko, parang may nagwawala!”
“Ha? Sige, pupunta na ako diyan.”
“Oo dalian mo, baka mga magnanakaw sila.”
“Sige, wag ka lang maingay papunta na ako diyan.”
So kahit gabing gabi na ay umalis pa rin si Joshua para puntahan ang kanyang bestfriend na sa tingin niya ay nanganganib ang buhay. Pero habang nag dadrive, napaisip si Joshua.
“Teka? Papaanong magkakaroon ng magnanakaw sa condo ni Jessica eh maximum security ang pinoprovide ng condo tower niya?” sabi niya sa isip. “Hindi kaya.. si Agnes? Pero bakit pati si Jessica?”
Matapos nun ay mas binilisan pa niya ang kanyang pagdadrive. Pagdating niya sa condo ay nagsama pa siya ng mga security guard papunta sa unit ni Jessica.
Dali daling binuksan ng mga guard ang unit only to find out that everything is okay. Tumakbo naman si Joshua sa kwarto ni Jessica. Doon, nakita niya ang kaibigan, nagtatalukbong at umiiyang.
“Jess, jess!” sabi ni Joshua sabay tanggal sa kumot nito at yakap. Kinocomfort niya ang kaibigan. “Okay na Jessica. Ano ba ang nangyari?”
“S-si.. si Agnes!” paglalahad ni Jessica.
“H-ha? Si Agnes? Anong ginawa niya?”
“Kanina, tumigil ang mga pagdadabog sa labas ng kwarto ko. Sinubukan kong lumabas para tignan kung ano ba ang mga nangyari…”
“Tapos? Ano nakita mo?”
“S-si Agnes. Nakatayo siya, at ang mga ilaw patay bukas. Ang TV, mga display, ang mga papel, baso at kung ano ano pa ay lumulutang sa paligid niya!”
“A-ano!?”
“Oo! Hindi lang yun, sa mga pader nitong condo unit na ito, may mga nakasulat na nagsasabing “hustisya”. Parang dugo rin ang pinansulat dito! At pagkatapos nun tila nagwala nanaman siya. Ginulo ang mga sofa, lahat ng gamit!”
“Teka, pero hinuli na si Richard.. Paanong..”
“Iisa lang ang ibig sabihin nun, hindi si Richard ang may sala!” biglang sigaw ni Jessica, na iba na ang boses. Parang sinapian ito.
“Jessica?” sabi ni Joshua na nagtataka.
Nahimatay si Jessica.
Pinaalis na ni Joshua ang mga security guard, inayos niya ang kaibigan bago niya iniwan. Habang tulog si Jessica, umupo naman sa couch si Joshua, punong puno ng pagtataka, pagdududa, at pagkainis ang nasa isip niya. Nagtataka siya kung bakit di pa rin natatahimik si Jessica. Nagdududa siya kung si Richard nga ba talaga ang may sala, o iba pa. Naiinis rin siya kung saan siya nagkamali at hindi naibigay ang hustisyang hinihingi ni Agnes.
“Hindi pwede to. Bukas, kailangan kong makausap si Richard Villarico. Marahil doon ako nagkamali, hindi ko kinuha ang panig niya, tanging mga ebidensya at testigo lamang ang mga nakausap ko.” Joshua thought with eager painted in his eyes.
“Epic fail!” dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
BULONG (CHAPTER 1)
Bí ẩn / Giật gânSi Joshua ay isang columnist sa isang weekly news magazine. Forte niya ang mga kwento tungkol sa pulitiko at mundo ng pulitika. Pero all of a sudden,..READ MORE. PLS. VOTE AND LEAVE YOUR COMMENTS. THANKS!!! ENJOY READING!!! NOTE: SORRY PO NAGKAPALIK...