Kinabukasan, agad na umalis si Joshua sa kanyang pad. Bago pa makasakay sa kanyang kotse, naalala niya ang kaibigang si Frankie kung pati ba ito ay minulto ni Agnes na himihingi pa rin ng hustisya.
Tinawagan niya ito. Nagriring naman ang cellphone ni Frankie pero hindi niya sinasagot. Minabuti na ni Joshua na puntahan ito sa kanyang condo.
Pagdating niya roon, si Frankie, nakahiga, tulog mantika.
“Hoy!” gising ni Joshua.
“Ahhhhh! Asan ang kalaban! Asan!” nagulat si Frankie.
“Ano ka ba naman Joshua? Ano nanamang problema?” tanong ng nag aalburuto pang si Joshua.
“Ang sarap ng tulog mo ah? Kanina pa kaya kita tinatawagan!” sagot ni Joshua.
“Ha? Bakit nanaman Joshua? Ano pa ba ang problema mo? Wag mong sabihin may bago nanamang nag mumulto sayo!”
“Wala, pero si Agnes, hindi pa rin na tatahimik!”
“Ano? Diba nakakulong na si Richard?”
“Oo nga eh. Pero sa panaginip ko, humihingi pa rin siya ng hustisya. Sa isip ko…”
“Sa isip mo hindi si Richard ang suspect? Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Noon ko pa talaga pinaghihinalaan na hindi si Richard ang suspect. Ikaw lang naman ang hindi nakikinig eh.”
“Sorry..”
“So ano ang plano mo ngayon?”
“Teka, teka.. Bakit ako at si Jessica ang minulto at hindi ka kasama?”
“Kasi nga alam ko from the start na hindi si Richard ang suspect.”
“Ha?”
“Oo.”
“Sino?” sabi ng takang takang si Joshua.
“Ayoko muna magsalita dahil di pa ako sigurado. Ano na ang plano mo?”
“Kakausapin ko si Richard.”
Agad namang nag shower si Frankie at nagbihis para samahan ang kanyang kaibigan. Sa kabilang dako, si Jessica, hindi nakasama dahil pinauwi siya ng kanyang mommy matapos ang nakakatakot na insidente.
Kasalukuyang nakabilanggo si Richard sa Muntinlupa city jail.
Nagulat naman sila ng Frankie nang paglabas nila sa condo tower ay andun si Jessica.
“J-Jessica?” sabi ni Joshua. “A-akala ko ba umuwi ka sa mommy mo.. bat andito ka?”
“Gusto ko rin tulungan si Agnes.” Sagot ni Jessica.
“Talaga Jess? That’s great!” sabi naman ni Frankie.
“Okay. Sabi mo eh.”
Kaya dali daling tumungo na sila para dalawin at kausapin ng personal ang tinuturong suspect sa pagpatay kay Agnes Fuentabella, si Richard Villarico.
“Josh, sigurado ka bang gusto mong kausapin si Richard?” Tanong ni Jessica.
“Bakit naman hindi..” tugon nito.
“Baka galit siya sa iyo dahil ikaw ang isa sa mga nagdiin sa kanya para makulong.”
“Bahala na.”
Dumiretso sila sa reception ng bilangguan para ipaalam na dinadalaw nila si Richard.
“Sino po ulet sila?” tanong ng pulis habang binubuksan ang record book para itala ang pangalan nilang tatlo. Agad namang sinabi ni Joshua at tuluyang nagpalista sa record book.
Inescortan sila ng isang pulis sa lugar para sa mga dumadalaw. Sa loob ng kulungan, dinig at ramdam ni Joshua ang hirap doon. Mainit, maingay, masikip, at mukhang marumi. May mga naghahari harian din na ginagawang alipin ang ilan.
Tuluyag nakaupo na silang tatlo sa lugar na pinaghihintayan ng mga bisita.
Nagpaalam ang pulis na tatawagin lang raw si Richard. Dahil di naman masyadong high profile ang krimen na binabato kay Richard, wala ito sa “maximum security” kaya madaling dalawin.
Di nagtagal, dumating na si Joshua. Naka posas ang mga kamay, nakasuot ng orange na shirt, walang emosyon ang mukha nito.
“In fairness kay Richard ha, kahit bilanggo ay pogi pa rin. Hehe.” Bulong ni Jessica.
“Tumahimik ka nga.” Saway naman ni Joshua.
Umupo si Richard sa harap nilang tatlo.
“Anong kailangan niyo?” tanong nito sa isang malumanay na tinig.”
“Tungkol kay Agnes, kay Ms. Agnes Fuentabella.”
“Anong tungkol kay Agnes?”
“Kailangan niyong magkwento. At kayo ba talaga ang may pakana ng kamatayan niya?”
“Wala akong kasalanan. Pero aanhin pa ba ang buhay kong ito kung wala na siya. Kaya minabuti kong makulong na lang.”
“Ha? Eh k-kung h-hindi kayo, sino ang pumatay?” tanong ni Joshua.
“Sabi na nga ba eh.” Sabi naman ni Frankie sa kanyang isip.”
“Hindi ko alam. Basta hindi ako.” Sagot ni Richard. “Kung gusto niyong malaman ang lahat tungkol sa amin ni Agnes, sige, magkukwento ako.”
BINABASA MO ANG
BULONG (CHAPTER 1)
Mystery / ThrillerSi Joshua ay isang columnist sa isang weekly news magazine. Forte niya ang mga kwento tungkol sa pulitiko at mundo ng pulitika. Pero all of a sudden,..READ MORE. PLS. VOTE AND LEAVE YOUR COMMENTS. THANKS!!! ENJOY READING!!! NOTE: SORRY PO NAGKAPALIK...